Day 01
Dumakot ako ng isang tabong tubig,inilublob ang aking dalawang daliri at nag-sign of the cross.baka mabigyan ng kaunting tapang mula sa kalangitan,Tapos Isang mabilisang buhos mula sa ulo.
"Ang lamig!!"-sigaw ko with malalanding talon at semi-pangingisay para naman maipagpag ang matinding lamig at sinunodsunod na ang pagbubuhos.
"It's too early to make a noise Eleah!."-sita ni Peter na nagaabang sa labas.
Isa pa,halos hindi rin ako nakatulog dahil sakanya,habang siya ang himbing ang tulog ako parang tanga namang nakatingin sa kisama kagabi,paggising ko pa ansakit ng buto-buto ko paano ginawa ba naman akong throw pillow at pinagpatungan ng paa at kamay,although alam kong maliit ako pero wala naman atang katarungan yung ganun.
Kahit sobramg lamig ng tubig ay binilisan ko ng maligo nakakahiya kong paghihintayin ko pa si Peter hindi ko nga alam at kung bakit pa niya ako inaantay.
Sabi ko nga na wag,kaso ang sabi niya wag na daw akong makulit,Aba!.sino ba sa tingin niya ang mas makulit.
Ang aga-aga ang sungit-sungit paggising ko nga ay nakaligo na siya,hindi man lang ako ginising ng maaga,ito tuloy ako nag-rurush nakakahiya at unang araw palang ng lang-seservice namin ay huli na agad ang gising ko...
Pagtapos kong maligo ay nagbihis na rin ako dito mismo kailangang paspasan para makahabol pa ako sa pagpapakain nila ng bata..
Paglabas ko ay nakabusangot siya habang nakasandal sa tapat ng pintuan ng banyo nakapamulsa rin ang Isa niyang kamay sa suot niyang Varsity jacket habang ang isa ay nilalaro ang kanyang labi.
Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko,napatingin rin ako sa suot ko.
T-shirt na kulay grey ang suot namin kung saan pinasadya naming lahat para pare-pareho actually tatlong kulay ito.
Isang White,Black at itong suot kong Grey may Schedule dahil may color coding everday at ngayong first day ay grey ang aming suot
Sa harap ay nakatatak ang 'I'm on service a community type',tas sa likod apelido, sa kaliwang mangas ay ang pangalan ng University.
Kasama rin ito sa mga binayaran namin.
Tinernuhan ko yun ng white na shorts dahil alam kong mainit tsaka para kumportable na rin at hindi naman ganun kaikli yung suot ko.
Tumikhim siya sakin tas tumingin ulit sa suot ko.
Bigla namang nangunot ang noo ko anong problema ?.
Nagkibit balikat nalang ako.
Pagtapos nun ay dumeretso na agad kami sa Location Area malayo palang ay natatanaw na namin ang naglalakihang mga tent at mga kasamahan naming nagbaba na ng mga gamot at mga pagkain may iba namang naghahanda na ng mesa para sa kakainan ng mga bata.
Napansin ko rin na pumwesto na si Peter sa gilid at inayos na ang camera,napakaseryoso niya,halos lahat naman ng bagay na gusto niyang o ginagawa niya ay seryoso siya,his so damn passionate.
Nakita kong napatingin siya sakin,ako naman parang tuod na nahiya at umiwas ng tingin,pero di nakawala sakin ang pagngisi niya.
"Ate Eleah!"
Nagulat ako ng biglang may humila ng damit ko nakita ko si Joy na nakatingala sakin habang hila ang dulo ng shirt na suot ko.
"Yes?"tanong ko at nag-squat para mapantayan siya,ngumisi siya at yumakap.
Nagulat naman ako sa ginawa niya pero napangisi na din binuhat ko siya at dinala sa mga nakahelerang mesa at upuan.
"Gutom ka na ba joy?"-tanong ko habang inuupo siya sa isang silya.
YOU ARE READING
Cold Blooded
General FictionSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...