Can you go?
Excited ako ng pindutin ko ang doorbell sa gate nila Aria nakangiti lang ako dun habang hawak ang malaki kong bag.
Pagbukas ko ng Gate ay bumungad sakin si Manang Anggie isa sa mga pinakamatagal ng kasambahay ng pamilya Monteverde.
"Eleah,pasok ka na.."-nilakihan ni manang ang pagbukas ng gate.
"Salamat po."
Agad akong pumasok sa kanilang bahay.Pagpatak ng aking mga paa sa kanilang sala ay halos bumalik ulit ako palabas,bumungad sakin ang mga kabanda ni Peter at siya na kasalukuyang nakaupo sa sofa...
Napalunok ako lalo na ng sabay-sabay silang napalingon sakin..
"Woah!"-nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Ashryle ng makita ako.
"Hi!"-awkward na bati ko.
Nakita ko naman na nagfocus nalang ulit si Peter sa hawak na gitara na parang wala lang ako, yun nga lang naman pala ako.
Nakita ko ang pagngisi ni Winter na ngayon ay may hawak na bondpaper para bang may kinakabisa.
"Eleah!"-napatingin naman ako sa hagdanan nakita ko ang pababang si Aria tumakbo siya pababa tsaka sinalubong ako ng yakap.
Tinulungan ako ni Aria na iakyat sa Kwarto niya yung bag ko,pag-akyat namin ay tumambad sakin ang kulay green niyang kwarto kung saan maraming nakasabit at napapalibutan ng frog stuffs.
Agad akong naupo sa kama niyang kulay green at nahiga,bigla bigla nanamang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Knowing Peter is in the same Area as mine,Hindi ko naman alam na andito siya sabi kasi ni Aria madalas raw sa Condo niya si Peter.
"Kain tayo tara?"-nakangusuong umupo sa kama si Aria habang hawak-hawak ang tiyan na parang gutom na gutom.
"Cge,saan?"-umayos ako ng upo tsaka siya tinignan,lalo siyang ngumuso at humiga.
"Sa labas,ayoko dito."
Tumango ako.
Nagpalit muna ako ng damit bago kami umalis,para namang bata si Aria ng magpunta kami sa Ice Cream house,agad siyang umupo at kinuha ang Menu na parang mauubusan.
"Chocolate hazelnut."-sabi niya sa Waiter tumingin naman sakin yung Waiter na parang Inaantay ang Order ko.
"Milk yogurt."-simpleng saad ko na ikinatango naman niya.
"Yun lang ba Ma'am?"
"Yeah."-parang bata namang sagot ni Aria.
Umalis ang Waiter at nagtungo sa Counter.
"So,anong pumasok sa utak mo at naisipan mong sa bahay matulog?"
"Wala lang."-Saad ko tsaka pinaglaruan ang mga tissue sa mesa.
"Really?,wala lang ba talaga?"-Nakita ko ang mapang-asar na ngisi niya habang nakapangalumbaba sa mesa.
"Wala nga."
"Sus,If i know gusto mo lang dun dahil andun si Kuya ngayon."
Agad nanlaki ang mga mata ko,hindi noh! Hindi ko nga alam na andun sila Peter,kung alam ko lang e. di sana di na ako tumuloy.
"Di ko nga alam na andun siya."
"Talaga lang ah?"-sumandal siya at tumawa.
Napakakulit talaga niya.
"E.Ikaw ba't ayaw mong kumain sa bahay niyo,sa pagkakaalam ko my Ice cream maker kayo."-this time ako naman yung ngumisi ng mapang-asar.
Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin.
YOU ARE READING
Cold Blooded
General FictionSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...