Kabanata 25

15 0 0
                                    


I love you.

"Were here."

Nagising lang ang diwa ko ng makitang asa tapat na pala kami ng bahay,nakatulalang tumitig ako sa gate namin.

I heared him chuckled,hindi pa rin ako nakakamove on sa mga sinakyan naming rides pakiramdam ko naiwan yung kaluluwa ko sa ere.

"Drink your milk baby okay?"-lumapit siya sakin at tinaggal yung seatbelt ko hinalikan niya ako sa pisngi ko na nakapagpapula sa buong mukha ko.

Kanina pa niya ako nilalambing para siguro mawala na yung impact ng mga sinakyan namin bukod kasi sa Ekstreme tower sumakay rin kami sa Wheel of fate,Anchors away at ang yumanig sa buong pagkatao ko ay ang Space shuttle.

Dahan dahan akong tumango at huminga ng malalim.

"Thank you."-bulong ko.

Tumango siya bago sinukbit sa likod ng tenga ang mga takas kong buhok.

"You still look pale,I don't like it. di na tayo babalik dun.".

Lumaki ang mata ko at agad na napailing.

"No babalik tayo dun."-hinawakan ko yung braso niya.

Kahit naman ganun yung naranasan ko ngayon gusto ko pa ring bumalik masaya kaya. yun nga lang nakakatadtad ng kaluluwa. gusto kong bumalik at ulitin yun para masanay na ako. medyo napaos nga ako kakasigaw,pero worth it dahil kasama ko ang Isang Peter Monteverde.

He lick his lips then slowly nod .

"Yehey!!!"-parang bata akong pumalakpak,hindi pa ako pinapasakay nila Mama at Papa sa ganoong rides. pero naenjoy ko kahit first time ko. at ngayon lang rin ako napunta sa Enchanted Kingdom kumain rin kami sa mga panindang pagkain dun lalo na yung cotton candy na nakadalawalang order ako.

"Goodnight."-ngumiti ako sakanya bago bumaba sa kotse niya.

Hinintay pa niya akong makapasok ng tuluyan sa loob ng bahay bago ko narinig ang pag-alis niya.

Agad akong umakyat sa kwarto at nahiga sa kama at pumikit, I feel exhausted pero napakaworth it at nakakaenjoy yung pagod,di ko naramdaman nabored ako sa buong araw na kasama ko siya it feels like Im enjoying even the moment were walking,yung tipong naglalakad lang siya sa tabi ko ay napaka memorable na,yung pag nasisinagan siya ng araw at nagrereflect yung brown niyang buhok dahil sa liwanag ng araw,yung parang hindi siya pinagpapawisan kahit tirik yung araw lalo nga siyang nagiging mabango pag tumatagal siya sa init ng araw para bang kahit pawisan siya mabango pa rin yung pawis niya.

Malapit lang ang bahay nila samin maging ang condo niya kaya paniguradong nakauwi na yun.

Tumayo ako para magbihis at magshower pagtapos ay nagpalit ako ng pajama at sando,bigla kong naalala yung sinabi niyang magsuot daw ako ng pajama sa club.

Napairap ako. his really something.

Pagsampa ko sa kama ay nagkumot agad ako,akmang papatayin ko na yung lampshade ng bigla tumunog yung phone ko kaya naman agad kong hinanap yun.

Biglang kumabog ang puso ko ng makitang may isang text galing kay Peter.

Peter:

Gising ka pa?

Umayos ako ng higa bago nagreply.

Ako:

Oo.

Ilang sandali lang ay nagtext agad siya kaya halos gumulong ako sa kama.

Peter:

Pwede ba akong tumawag?.

Halos mapaupo ako sa kama sa nabasa.

Cold BloodedWhere stories live. Discover now