Independent Woman.
Napitlag ako sa kinahihigaan ko ng biglang may kumatok.
Wala sa sariling napatingin ako sa pinto,hindi ako gumalaw,hindi ako nagsalita. nakatitig lang ako dun.
Mugto ang mga mata ko at medyo hindi pa stable ang paghinga ko.
"Eleah.."
Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak ng marinig ang boses niya.
Bakit ba siya andito?,ano pa bang gusto niya?,Pinagtabuyan ko na nga siya pero heto pa rin at bumabalik.
Hindi ako sumagot,ayun nanaman yung kirot sa puso.
Pinaglaruan niya lang ako.
Napaiyak ako,kailangan kong lumayo,kailangan kong umalis.
"Eleah,utang na loob naman,k-kausapin mo naman ako."-nagsusumaong sabi niya.
Pakiramdaman ko yung puso kong wasak e nakakalat sa sahig,hindi ko magawang pulutin. Ang sakit! parang may kung anong mainit sa puso ko na puro kalungkutan lang.
Dapat hindi na ako umiiyak ngayon,dapat hindi ko na siya iniisip.
Pero.. pero parte na kasi siya ng systema ko.
"O-Okay, kahit wag mo ng buksan,basta ba.. b-basta ba makinig ka sakin."
Naramdaman ko ang pagsandal niya sa labas ng pintuan ko.
Ang paghinga niya ng malalim at ang kaunting kalabog na nagsasabing nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa labas ng pintuan.
"Aaminin ko,nagsimula lahat sa laro."
Napatakip agad ako sa bibig ko,at pumikit ng mariin,ayokong marinig niyang umiiyak ako,kailangan kong ipakita sakanya na.. na hindi ako mahina.
"Pero hindi lahat nagpatuloy,hindi lahat kasama sa laro,I admit. pinansin kita dahil sa rules. b-but trust me. I never ever fucking played you. hindi kita pinaglaruan,hindi ako pumusta nung sinugal mo yung puso mo sakin."
Nagtakip ako ng tenga at umiling,nagsumiksik rin ako sa kama ko at pilit na pinipigilan ang mga luha ko,ayoko. ayoko ng marinig lahat.
"Stop."-mahinang usal ko.
Lalo na ng marinig kong napasinghot siya,his crying.
"K-kaya sana naman wag mo akong iwan,alam kong naging gago ako,you think Im heartless,Im cold blooded,but that doesn't mean hindi ako nasasaktan. TANGINA! GAGO LANG AKO PERO HINDI AKO MANHID."-piyok na sabi niya.
Narinig ko ang malakas na pagsuntok niya sa pintuan ko,halos mapatalon ako sa gulat.
"Eleah,na...n-nasasaktan ako."
Tumingala ako at pilit na pinapakalma ang sarili,habol hininga ako dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko,barado na rin ang ilong ko at puro hikbi at iyak na ako.
"Leave."
wala sa sariling sagot ko,alam kong narinig niya yun dahil tumahimik ang labas.
Matagal na katahimikan ang bumalot samin.
"Ayoko na Peter."
Hindi ko alam kung paano ko nagawang huwag pumiyok,kahit na sa totoo lang nasasaktan ako. ayoko siya umalis. ayoko siyang magalit. ayoko siyang masaktan. pero kailangan. kailangan niya yun.
Kinagat ko ang labi ko at nagtago sa ilalim ng kumot,I want to end this.
Bumalik lahat ng ala-ala kung paano nagsimulang pansinin niya ako,kung paano ako naghabol,parang nagflashback sa utak ko lahat.
YOU ARE READING
Cold Blooded
Fiction généraleSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...