Heart to heart
Nagbihis agad ako at sumakay sa grab papunta sa park ng isang village,hindi ko alam pero doon gustong makipagkita ni Bianca siguro para iwas na rin sa mga taong nakakakilala sakanya.
Hindi naman gaanong kalayo ang tinitirhan niya sa bahay namin,mga ilang minuto lang at nakarating na ako, binaba ko ang bintana para sana sabihing may bibisitahin lang ako pero pinapasok agad kami ng guard ng makita ako,wala ng tanong tanong.
Natanaw ko agad si Bianca na nakaupo sa swing kaya pinara ko ang driver at agad nagbayad.
"Salamat ho."
Paglabas ko ay sumalubong agad sakin ang simoy ng sariwang hangin,presko sa village nila,tahimik at maraming mga puno at halaman.
Habang papalakad ako sakanya ay napansin kong nakadress siya at napakagandang tignan,napatingin tuloy ako sa suot kong tshirt at jeans.
Napalunok ako,she looks so good,nakatanaw siya sa kawalan habang may hawak na paperbag.
"H-hi"-pag agaw ko ng atensyon sakanya.
Mukhang nagulat pa siya at biglang napalingon sa gawi ko.
"Eleah"-she smiled brightly.
Ngumiti ako pabalik at umupo sa tabing swing.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,nahihiya ako sa dahilang hindi ko naman alam ang pag uusapan namin.
Nagkunwaring tumitingin tingin ako sa paligid,medyo papalubog na rin ang araw kaya lalong nagpalitaw sa ganda ng village,may fountain at wishing well rin.
Medyo mahangin kaya naman nagsasayawan ang mga puno at lalong nagbigay ng magandang atmosphere,ang sarap rin sa pakiramdam ng hangin,napapikit ako sa sobrang peaceful kahit na medyo makulimlim at parang uulan ay napaganda pa rin dito
"Ang ganda mo."
Unti-unti akong napadilat,nilingon ko siya at nadatnang nakatitig sakin,napaka inosente ng mata niya she looks feminine.
"H-ha?"
"Sabi ko ang ganda mo"
Hindi ko alam kung bat parang kiniliti at namula ako,siguro kinilig ako sa sinabi niya.
"Maganda ka rin--"
"Yeah,I may."
Nag iwas siya ng tingin at tumingala,nangunot ang noo ko,bigla kasing lumugkot ang mukha niya.
"Pero mas maganda ka pa rin,mas mabait mas gusto,mas pipiliin ka."-sabi niya.
Nakinig ako at hinayaang marinig ang saloobin niya,karaniwan ngang ganun ang tingin ng lahat pag isa kang artista lalo na pag sikat,akala ng lahat masungit,mataray at maldita ka but that's not what Im seeing..
Napangisi siya at nilapag ang paperbag na hawak sa damuhan,kinuha niya ang dalawang bote sa loob binuksan niya muna to bago binigay sakin ang isa.
"Drinks."-she said politely...
"Soju?"-tanong ko pagkaabot niya ng bote sakin.
"Cheers!"-hindi pa man din dumadapo ang bote ay nilagok na agad niya ang alak.
"Bianca.."
Halos makalahati niya ang laman,kita ko ang biglaang pagkamula ng pisngi niya.
"You know what,I envy you.. a lot."
"Naku,wala naman masyadong kailangang kainggitan sakin,Ikaw nga nasayo na lahat,maganda at talented ka kaya gusto ka ng masa,sikat,marami fans,everyone loves you--"
YOU ARE READING
Cold Blooded
General FictionSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...