His wordsPagkauwi namin sa Manila ay halos magdidilim na,kahit na masakit ang katawan ko ay pinilit kong ibaba ang mga naglalakihang maleta ko.
Nakatulog ako ng mahaba sa biyahe dahil na rin siguro sa katabi ko na si Aria,kaya kahit papano naging kumportable na ako.
Pagbaba ko sa mga gamit ko mula sa bus ay napahawak ako sa balakang ko.
"Damn."
Inikot ikot ko pa,ngayon ko na nararamdaman ang pananakit ng mga braso at leeg ko medyo meron pa akong tama ng lambanog dahilan para mabilis akong nakatulog paguwi ko sa bahay.
At as usual wala sila Mama at Papa pero pinaghanda nila ako kay Manang ng masarap na Dinner.
"Kamusta naman ang pagseservice ?"-bungad na tanong ni Manang habang humihigop ng mainit na kape.
Naalala ko tuloy sakanya si Nanay Cora,hindi na ako nakabalik sa kubo niya dahil sa pagmamadali nila Ate jezz dahil may bagyo umanong paparating.
Pero Pinangako ko sa Sarili ko na babalik ako sa kubong yun pag nagka-oras ako.
"Ok naman po Manang,Masaya na nakakapagod."-sagot ko habang sumusubo.
"Mabuti naman at na-enjoy mo,siya nga pala may package na dumating nakapangalan sa'yo."
Uminom muna ako ng tubig bago nagpunas ng Tissue sa bibig.
"Asan po?"
"Andun na sa harap ng kwarto mo Iha."
Pagtapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa kwarto ko,nagtataka pa din ako kung sino ang magpapadala sakin ng Package ng ganitong oras,kanino kaya galing?.
Pagdating ko sa harap ng kwarto ay tumambad sakin ang Kulay Pink na box na nakalapag sa sahig,agad kong dinampot yun at binasa ang maliit na sulat.
'Good evening Eleah,thank you for giving me a chance to be my date I'm gonna fetch you tomorrow,around 7pm hope you like it :)
-Greylan Mendes'
Hindi ko alam kung bakit ako napangiti ng wala sa oras ng mabasa ko ang letter na galing kay Greylan.
His so sweet to be true.
Pumasok ako sa kwarto at nilapag sa kama yung box bago nagdive at humiga sa malambot kong kama.
Damn I miss this.
Ilang minuto pa akong humiga at dinama ang kama ko,pero kahit ganun namimiss ko pa rin yung papag na tinulugan ko ng dalawang gabi.
Tulala ako sa kisame habang iniisip lahat ng nangyayari,Am I desperate? Am I trash? sa lipunan kasing kinatatayuan ko kahit na alam kong malapit lang ang pamilya namin sa mga Monteverde pakiramdam ko Malayo pa rin ang agwat namin sa Isa't isa,I still can't reach him,his so high and hard to get.
But realization hits me,Is this love already?,I mean Wala naman akong second thoughts sa feelings ko para kay Peter,I know I'm young but I'm not that dumb para hindi malamang gusto ko siya.
Pero kasi he gave me an eye opener,a ticket,a road to reality.
Is this just Infatuation?.
Na-attract lang ba ako sakanya kaya ako ganto.
Hindi naman ako selfish,hindi ko naman siya inaangkin dahil alam kong walang sakin.
Ako pa nga ang nageencourage sa mga classmates ko nung gradeschool na supportahan si Peter.
Although marami na siyang fans simula pa noon,pero naghahakot pa din ako ng mga fans.
Natutuwa ako noon pag may naririnig akong may nagkakagusto sakanya,lalo na pag may kasama akong sumisigaw ng pangalan niya kada maglalaro siya para sa team ng school namin.
YOU ARE READING
Cold Blooded
General FictionSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...