Kabanata 16

14 0 0
                                    


His here

Buong araw ay pilit kong Iniiwasan na magkita kami ni Ma'am Cera last subject namin siya sa hapon kaya hindi ako nahirapang umiwas sakanya pero dahil palibot libot siya sa building at mukhang busy ay halos sumiksik ako kung saan kada mapapadaan ko siya.

Napahinga ako ng malalim ng tumunog na ang bell hudyat na lunch break na agad kong inayos ang mga gamit ko.

"Hey!"-nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Aria na nakangiti sakin habang hawak ang mga libro.

"Hello."-bati ko pabalik tsaka sinukbit ang bag.

Sabay kaming naglakad palabas ng Classroom at nagtungo sa locker.

"Ano payag ka na ba sa Gusto nila na ikaw ang sumali para sa Contest?."-masayang tanong niya.

Umiling lang ako bago binuksan ang locker ko at nilagay ang mga libro.

"Why not?,That will be fun."

"It's not brain storming contest like We used to join Aria,its a freaking Beauty Contest and Im not into it."-kinuha ko na yung mga libro at gamit ko para sa subject namin sa hapon at nilagay sa bag.

"May Question and Answer naman yun magagamit mo pa rin yang talino mo,besides maganda ka at bagay ka dun."-kahit hindi niya makita ay pasimple akong umirap bago sinarado ang locker,sumandal ako dun habang pinapanuod siyang nagsusuklay.

"Aria,buti sana kung wala akong bad reputation dito sa school gaya sa La Union."-huminga ako ng malalim at naalala nanaman yung Comment na nabasa ko kagabi.

Pagtapos niyang magsuklay sinarado na rin niya yung locker niya at nakapamewang na hinarap ako.

"So what?,Maganda ka at Matalino.You're too perfect kaya marami kang bashers."-hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya habang nakatitig sakanya.

"Ikaw nalang sana."-sagot ko.

Umiling lang siya at ngumisi,I wonder kung ilan na ang manliligaw niya Arianna is so Gorgeous napaka attractive niya at hindi maipagkakailang Monteverde nga siya.

Dumeretso kami sa Canteen at Kumain,Nagsimula siyang magkwento sa mga bagay bagay na naganap sakanya this past few days,tatango tango lang ako habang taimtim na nakikinig sakanya,paminsan minsan ay humihinto siya lalo na kapag may babati sakanya,She's being famous,Well halos lahat ng nag-aaral dito ay kilala ang mga Monteverde,their names are all over the campus kaya hindi na ako magtataka kung ganun nalang nila puriin at hangaan si Aria kada makikita nila even girls giggled everytime they saw her. She's just One of a kind.

"Nakakastress,halos wala na akong tulog minsan nga hindi na ako nakakapagdinner dahil sa mga pinapagawa ng school."-naiiling na sabi niya bago uminom ng coke.

"Ayan kasi ang hilig mong sumama sa mga School clubs."-umirap ako sakanya kaya huminga lang siya ng malalim.

"Hindi ko naman alam na makukuha ako sa lahat ng sinalihan ko I was just planning na Isang club lang yet ninonominate ako ni Kuya sa Lahat."-umirap siya at nagsimula nanamang Ikwento kung paano siya asarin ni Peter sa pamamagitan ng pagnominate sakanya sa mga School clubs.

Natatawa nalang ako lalo na kapag napapahigpit ang hawak niya sa Tinidor niya kapag binanggit ang pangalan ng Kuya niya.

"Hay naku! Goodluck nalang sayo pag kayo ang nagkatuluyan ni Kuya baka mabaog ka sa ugali niya."-natigil naman ako sa sinabi niya agad akong tumawa ng pilit para hindi mahalata.

"Why?,Ayaw mo na ba sa Kuya kong ubod ng sungit?"-kunot noong tanong niya.

"Sira."-ibinato ko sakanya yung tissue sa mesa bago nagpatuloy sa kinakain kong Carbonara.

Cold BloodedWhere stories live. Discover now