Hindi ako makapagsalita sa tanong niya. cause I always thought his just one of those cute guys. his just another attractive boy in my teenage life.
But.... I feel the Opposite way.
I loved him more than that.
Tumayo ako at inaayos ang suot ko.
"M-mauna na ako."
Dinampot ko ang sling bag na nahulog sa sahig bago nagmadaling naglakad papunta sa pintuan.
Pagpihit ko ng pinto ay siya ring paglabas niya.
"Ihahatid na kita."-he said softly.
Ayoko ng pag awayan namin to kaya tumango nalang ako at naglakad na rin papunta sa elevator.
Hanggat maari pinipigilan ko ang sarili kong lumingon sa gawi niya.
Pagbukas ng elevator ay pumasok agad kami,may ilang nakasakay sa loob kaya medyo naging kalmado ako.
Sa bawat pagbukas ng elevator at pagpasok ng mga tao ay nagugulat sila pag nakikita si Peter,hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil sa sikat siya.
Nang may pumasok na matandang babae ay napasinghap siya,kaya nangunot ang noo ko.
Hindi ko na napigilan at nilingon ko si Peter na asa tabi ko.
O_______O
"What the fuck!"-bulong ko sakanya.
Tumingin siya sakin at nag taas ng kilay.
"Fuck what?"
Tinignan ko ang suot niya. Why on Earth na nakaboxer shorts lang siya?!!!.
Tumingin ako sa mga tao na kasama namin,nagbubulungan sila at mukhang alam ko na ang nasa isip nila.
Namumulang napayuko ako. goddamn him.
"Ang mga kabataan nga naman ngayon."
Kinurot ko ang tagiliran ni Peter sa sobrang inis at kahihiyan.
Ano bang pumasok sa isip niya at lumabas siyang ganyan ang suot!!,baka kung anong isipin ng mga taong makakakita samin.
Kinagat ko ang labi ko ng lalong umusbong ang usapan.
I heared Peter cleared his throat. kaya napasilip ako.
"Wala pong nangyari samin,hindi natuloy. sayang nga e."
Halos sabay sabay na napasinghap ang mga tao,ako naman nakatanga lang sakanya.
Anong kagaguhan nanaman ba ang trip niya?
PESTENG LALAKI TO.
Pagbukas ng elevator ay hinila niya agad ako palabas,halos madapa pa ako dahil sa hindi ko masabayan ang bilis niya sa paglakad.
Nakayuko lang ako. hindi ko maiangat ang mukha ko sa kahihiyan.
ihatid niya ako sa labas ng hotel,pumara siya ng taxi at pinagbuksan ako ng pinto.
"Ingat ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. he just smiled at shrugged his shoulder.
Pumasok na ako at hindi na siya nilingon.
Puro mura na ang nasa isip ko.
Kung kaya ko lang baliin ang buto niya. kung kaya ko lang talaga.
Pumikit ako at nanggigil na sinampal sampal ang sarili.
Pagbaba ko sa harap ng bahay ay lutang akong pumasok at dumeretso sa sofa.
Nahiga ako at pumikit.
YOU ARE READING
Cold Blooded
Fiksi UmumSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...