Kabanata 29

14 0 0
                                    

Time flies

"ANNOUNCEMENT!,ANNOUNCEMENT!,ANNOUNCEMENT!"

Napatigil ako sa pagsusulat sa notebook at ganun rin ang mga classmates ko,ang teacher naman namin ay napatingin sa paligid lalo na sa speaker kung saan ay nagsasalita ang aming principal

"MAGSILABASAN PO LAHAT NG ESTUDYANTE THIS IS NOT A DRILL,IN 5 MINUTES DAPAT LAHAT NASA FIELD."

Nagsimulang magpanic ang lahat.

Ano bang meron at kailangan pa naming ihinto ang pag-aaral para lumbas?.

Ilang Oras nalang at dismissal na papalubog na nga ang araw kaya medyo madilim na ang paligid.

Nalilito at naguguluhan man ay lumabas ako kasama ang mga classmates ko halos lahat ata ng estudyante ay nagsilabasan maging mga teachers.

"Ano bang meron?"-bulong ko.

Dahil sa kaba ay naramdaman ko na naiihi ako kaya naman humiwalay ako sa pila at nagpunta muna sa Comfort room.

Walang tao kaya naman naging madali sakin ang pagihi,pagpasok ko sa cubicle ay nakarinig pa ako ng tunog ng sirena.

Medyo kinakbahan ako,ganito yung mga napapanuod ko sa mga movie lalo na pag may sakuna o kaya earthquake na magaganap.

Pagkaflash ko ay Naghugas lang ako ng kamay sa sink bago lumabas.

Tanging tunog lang ng sapatos ko ang maririnig sa buong building,wala ng tao.

Mukhang asa field na silang lahat.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng tumunog ang Emergency bell.

Nagtatakbo ako papuntang field.

Habol hininga akong napadpad sa lugar kung saan lahat ng tao sa campus ay nagkukumpulan,napahawak ako sa tuhod at dibdib ko.

Nakakapagod tumakbo habang kinakabahan.

Ilang sandali pa ay nahawi ang bulto ng nga tao at nakita ko si Peter na nakasimangot.

"Ang tagal mo."-masungit na sabi niya habang lumalapit sa kinatatayuan ko.

Nangunot naman ang noo ko,halos liparin ko na nga ang pagpunta dito sa field dahil sa Emergency bell.

"Ano ka ba! kailangan nating umalis dito may Earthquake na paparating!"-natatarantang sabi ko habang hinihila ang braso niya palabas ng campus.

Narinig kong natawa siya kaya napalingon ako.

Anong nakakatawa?,mamatay na nga kami nagawa pa niyang matawa.

"Ano bang tinatawa--"

"Happy monthsary babe."-nakangiting sabi niya habang may hawak na bouquet of white roses.

Natigilan ako at parang napako sa kinatatayuan ko.

Tumitig ako sa mga mata niyang nakangiti,ang bilis ng tibok ng puso ko at kulang nalang kumawala na.

Napadako ang tingin ko sa hawak niyang bouquet of roses

Halos maluha luha kong tanggapin yun at amoyin,he never fails to make me smile,sa loob ng anim na buwan naming pagsasama ay hindi siya pumalya sa mga galawan niya,kahit na alam kong lagi siyang may mga planong surpresa,kahit expected ko na. hindi ko pa ring maiwang matouch at magulat lalo na at laging iba ang surprise na ginagawa niya.

Tulad Last Monthsary namin ay nagpunta kami sa Paris sakay ng private jet ng mga Monteverde to celebrate our 5th Monthsary hindi ko inakala na naalala niya na gusto kong magpunta at makita ang Eiffel tower ng malapitan,kumain kami sa isang fancy restaurant habang nanunuod ng fireworks,kitang kita ang view ng buong city na lalong nakapagbigay ng romantic ambiance sa lugar.

Cold BloodedWhere stories live. Discover now