Kabanata 9

17 0 0
                                    

Ayoko ng maingay.

Agad akong naupo sa upuan sa dulo,hindi ko nga alam at kung bakit dito niya napiling ilagay yung maleta ko,pero hindi nalang ako nagsalita umupo nalang ako dun sa may bandang bintana.

Nilagay rin niya sa taas yung bagpack ko,bago naupo sa tabi ko.

Nagulat pa ako at bakit dito siya naupo magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako.

"Ayoko ng Maingay."-irap na sabi niya bago nag-salpak ng headset,Umiiling na sumandal nalang ako sa Upuan.

Hindi ko talaga siya maintindihan,para siyang puzzle na kahit anong baliktad ko mahirap pa ring mabuo.

At dahil medyo madilim pa tanging liwanag lang sa bus ang tanging ilaw namin.

Tinitigan ko siya.

Ano nga bang nagustuhan ko sa'yo?

Gusto kong itanong sakanya yan,pero ano nga bang alam niya?,ano bang alam niya kung bakit andaming may gusto sakanya.

Pinalig ko ang ulo ko sa dereksyon niya para lalo kong makita ang Feature niya,ngayong nakaside-view siya ay kitang-kita ang pointed nose at ang haba ng pilik matang meron siya maski ang labi niyang laging basa.

Naramdaman kong umandar ang sasakyan.

I saw him licked his lower lip and bite it,while doing a head bang,And darn! His So Hot!.

Ang lakas ng dating niya sa lahat ng bagay na ginagawa niya,simple man o kahit ano swabe at astig pa din.

"Staring is too rude."-napitlag ako ng magsalita siya pero nakapikit pa din.

Nahihiyang bumawi ako ng tingin at bumaling sa bintana.

Minsan naiisip ko kung gusto na ba niya ako?

O sadyang pagiging kuya lang itong pinapakita niya?

Medyo Umiingay ang bus dahil sa mga kasama naming naguusap naghahagikhikan at naghaharutan.

"Oo nga malapit ng mag Night of the bands,Paniguradong marami nanamang gwapong banda ang tutogtog sa University."

Tiling sabi ng naka-upo sa harapan namin nasundan pa yung ng kung ano anong topic na hindi naman ako makarelate dahil nga bago lang ako sa Highschool life lalo na sa University na pinapasukan ko

"At ang Skyscraper kyah!!!"

Skyscraper?,teka yun yung nasabi ni Aria na banda daw nila Peter ah.

"Ahuh!,at maririnig nanaman natin ang boses ng Winter baby ko Gosh!!!"

Nasundan pa ng tili kaya naman pumikit akoasamang makinig sa usapan ng iba lalo na kung hindi ka kasama,nagsumiksik nalang ako sa may bintana.

"Kailangan ma-update ang grupo!,para makagawa na tayo ng Cheer natin,dapat bongga lalo na't may mga Freshman na sasama."

Napakagat labi ako,Grupo?,Ibig sabihin may Fan's club sila pero hindi ko alam?,Ibig sabihin ba hindi na ako yung Avid fan niya?, may iba na? At mas marami pa.

"Siguradong marami nanamang maiihi sa pagtugtog ni Peter Ang Gwapo kaya ng Babe ko."

Mukhang himdi nila alam na nasa likod lang nila si Peter.Pumikit ako ng mariin,Ayokong magsakandalo,nakakahiya,lalo na sa katabi ko.

"Lalo na paghumawak na ng gitara at pumikit jusme kawawa ang garter ng panty ko."

Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa mga naririnig ko,hindi naman ito ang unang beses na makarinig ako ng mga Compliment para kay Peter haling sa mga kagaya kong tagahangga niya,noon nga ang saya ko pa dahil marami kaming sumusuporta sakanya pero bakit parang nagiging Selfish na ako ng kaunti.

Cold BloodedWhere stories live. Discover now