Kabanata 44

10 0 0
                                    

Making moves

"Aray!"-napahawak ako sa ulo ko at muling nahiga.

Sunday ngayon at sobrang tinamaan ako ng hangover ko kagabi parang hinampas ako ng baseballbat at pinainom ng matinding acid.

Ang hapdi ng kalamnan ko at parang nasusuka ako.

Dahan dahan akong tumayo habang hawak hawak ang ulo ko pagpasok ko ng banyo ay agad kong binuksan ang toilet. I vomit hard.

I feel dehydrated sobrang nadrain ako.

I push the flush button then straightly went to the sink.

Agad akong nagtoothbrush at naghilamos.

Habang nagpupunas ng mukha ay natigilan ako at biglang may naalala.

What the heck happened last night?
Nakatingin ako sa salamin at pilit inaalala lahat ng nangyari.

Pumikit ako at tinampal ang noo ko.




Matapos niyang bitawan ang malalalim na salitang yun ay
Lumabas si Peter ng sasakyan niya,naiwan akong nakatulala dun.

Napansin kong sinuntok niya ang pader sa harapan kung saan nakaparada ang kotse niya.

He looks mad. really mad.

Bumaba ako at lumapit sakanya,nanginginig sa takot kong hinawakan ang balikat niya pero hinawi niya lang yun dahilan para mapaatras ako.

"You don't know what happen the day you left me. h-hindi mo alam kung paano ako nahirapan Eleah! you don't know what its like. pinanghawakan ko yung salita mong hindi mo ako iiwan but you did. you did in a most painful way."

Yumuko ako ng makita ang galit sa mga mata niya,hindi ko nakayanan ang mga nanlilisik niyang mata.

"Anong akala mo sakin? You think I won't fight for you? You think mas pipiliin ko yung letcheng kasikatan na to kesa sayo? Fuck it! Im not like you,hindi ako tulad mo na basta basta nalang susuko at mangiiwan para makaiwas sa problema."

Masyado akong nasaktan sa sinabi niya kaya hindi ko napigilan at nasampal ko siya.

Naramdaman ko ang pamamanhid ng palad ko sa lakas ng sampal na nagawa ko.

"That's not true."-mahinang usal ko.

He smirked arrogantly,pinunasan niya ang gilid ng labi niya at tumingin sakin.

"Don't lie. nasabi na sakin lahat ng Papa mo,Im just your puppy love right? Your goddamn experience. kaya pala ang galing mo ng humalik ng lalaki sa Las Vegas dahil sakin."

Nasampal ko ulit siya.

Sobrang sakit ng mga sinabi niya hindi ko matanggap. magagalit ba ako dahil sa sampal sa mukha ko yung mga salita niya o sa hindi ako makapaniwala na mismong sa bibig niya nanggagaling ang lahat ng to

pinunasan ko ang luha ko at napalunok.

Inaamin kong sinabi ko kay Papa yun bago ako umalis na makakamoveon agad ako dahil hindi naman serious relationship si Peter. sinabi kong puppy love lang siya at parte ng puberty stage pero.. pero hindi ko inakalang masasabi ni Papa sakanya yun. akala ko ba boto siya kay Peter.

"You lost me. 4 years ago... but why the fuck Im still waiting for you to pick me up? you mess my whole life Parilia. you mess me up"

Napahigpit ang hawak ko sa sink at napabuntong hininga. bumalik ako sa kama ko at pinulot ang phone na nahulog sa sahig.

Pumikit ako ng mariin.

I need to do this my conscience is killing me.

Dinial ko ang numero ni Aria.

Cold BloodedWhere stories live. Discover now