Kabanata 39

27 0 0
                                    


Serious

Napalunok ako ng magsimula ng umandar ang sasakyan niya,para lang akong batang nakaupo dun habang nakaseatbelt.

Tahimik at tanging pagandar ng sasakyan lang ang maririnig.

Amoy na amoy sa buong loob ng sasakyan ang amoy ng leather ng upuan niya.

Plus his familiar scent,his bodywash and shampoo are lingering through my nose, the fragrance of pearls of black orchids and juniper oil invades my olfactory smell.

Ganun pa rin ang amoy niya,I guess hindi siya nagpalit ng body wash at shampoo... ,same brand.

God knows how much I miss that scent,its one of my favorite thing about him.. his scent.

Lalo lang naging awkward ang atmosphere para sakin,ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa bintana at pinanuod nalang lahat ng nadadaanan namin.

Hindi ko alam kung bakit tense ang buong katawan ko,parang halos lahat ng muscles sa katawan ko biglang nag gain ng energy,kung kanina inaantok ako ngayon naman sobrang gising ng diwa ko.

Medyo malayo ang kumpanya sa bahay kaya hindi ko alam ang gagawin ko sa buong minutong yun.

Kausapin ko kaya siya?

Wala naman sigurong masama,4 years na rin ang nakakalipas tsaka para hindi niya mahalatang affected pa rin ako ng presensya niya.

Tama. Tama. Tama.

PERO.

ANONG SASABIHIN KO?

KAMUSTA?

okay. Sige.

Huminga ako ng malalim at nagdasal sa lahat ng santo na sana bigyan ako ng lakas para makapagsalita dahil pakiramdam ko paralisado ang buong katawan ko.

"Uhmm.."

Hindi ko alam kung paano sisimulan.

"K-kamusta ka na?"-mahinang tanong ko.

JUSKO PAKIRAMDAM KO MAHUHULOG ANG PUSO KO,YUNG PAKIRAMDAM NA NAIIHI KA. GANUN. GANUN AKO NGAYON.

Matagal na katahimikan ang namayani.

"Fine."-tipid at tamad na sagot niya.

Napanguso ako, 'Fine'?

I take all the courage tapos fine lang?

SABAGAY! TANGA KA BA ELEAH ANONG AASAHAN MONG SAGOT.

"Okay."-tumango nalang ako

Ayaw ko na sanang magsalita pero parang di nanaman mapigilan ang bibig ko.

"Congratulations,mukhang successful talaga ang career mo,Im proud of you."

O______O

PROUD? ANONG PROUD!!!

"Proud. proud as a friend."-paglilinaw ko.

Mukhang naiirita na siya dahil kinakausap ko siya.

"Thanks."

Kinagat ko ang labi ko.

Bakit ba napaka cold niya?

"Can we act normal?,I mean wala naman na siguro yung nangyari apat na taon.."

Napansin kong nag-igting ang  panga niya at napahigpit ang kapit niya sa manibela,naiinis na siya.

"Friends? I don't think so. hindi ako nakikipagkaibigan sa kahit sino lang."

Natigilan ako dun.

That hit me.

'Kahit sino lang?!'

Cold BloodedWhere stories live. Discover now