Lambanog effect.
Hindi natuloy ang pagsasagawa ng vaccination dahil sa malakas na ulan,kaya naman nagkulong ang lahat sa mga kubo,at ako nakapalumbaba nalang sa bintana at tinititigan ang pagpatak ng ulan si Peter may ginagawa sa laptop niya at mukhang seryoso siya.
Napabuntong hininga ako,Gusto kong makalimot,yun bang kahit yung sakit nalang ang mawala kasi ang bigat na.
Tumayo ako at lumabas ng kubo,wala na akong pake kung malakas ang ulan,kahit pa nakapajama ako at malaking t-shirt ay sumugod ako at nagtatakbo.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako titigil basta ang gusto ko makakalimot ako kahit papano.
Halos di ko makita ang daan ko dahil sa kapal ng hamog sabayan pa ng ulan at hampas ng lamig ng simo'y ng hangin.
Napayakap ako sa sarili ko at luminga-linga,natanaw ko ang isang maliit na kubo mula sa kinatatayuan ko,tumakbo ako at agad na nagtungo dun.
"Tao po!"-kumatok ako sa pintuan habang nangangatog sa lamig.
Kahit sariling boses ko hindi ko na marinig dahil sa patak ng tubig..
"Tao po!.."-Kumatok ako ng sunod-sunod sheez! Sobrang lamig!.
Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko,Sumilip pa ako sa maliit na butas at tinignan kung may tao ba sa loob,and good thing meron ng nagbukas ng pintuan.
Kahit nangangatog ay ngumiti ako sa Isang matandang babaeng nakasuot ng kamiseta.
"H-hi po."
Ngumiti sakin ang matanda at ginayak ako papasok ng bahay.
"Naku! Iha!,mukhang kanina ka pa nagbabad sa ulan."-pinaupo niya ako sa isang upuan na gawa sa kahoy,pumasok siya sa isang maliit na pintuan at paglabas ay may dala ng malaking tela,binalot niya yun sa katawan ko.
"Salamat po."
Agad kong niyakap ang tela,umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ka napadpad dito?,tsaka mukhang Isa ka sa mga Estudyanteng tumutulong saamin hindi ba?"-tumango ako sakanya tsaka nahihiyang ngumiti.
"E,dba wala naman kayong gagawin ngayon,dahil sa ulan?,paanong napunta ka dito?"-naguguluhang tanong niya.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tunay na rason kung bakit ako napadpad dito sa bahay niya,huminga ako ng malalim.. Nakakahiya man dahil ngauon palang kami nagkita pero ito agad ang paguusapan namin.
"Nay,a-ano po kasi gusto ko po sanang makalimot."
Nakit ko ang gulat sa mga mata niya.
"Ahy juskong ugaw ka!,makalimot ba kamo?,ano yan sa boypren mo ba?"-matigas na salita niya.
"H-hindi po."
"Ah! Cge ako ang bahala,e,nainom ka ba ng alak?"
Tumango-tango ako na parang bata,muli siyang tumayo at may kinuha sa aparador na katabi.
May hinugot siyang isang kulay puting bote at nilapag sa lamesang asa harapan ko.
"Ano po yan?"kunot noong tanong ko habang nakatingin sa bote.
Ngumisi siya.
"Pampalimot iha."
"Po?"
"Lambanog."
Pagkasabi niya ay tumalikod siya at nagtungo sa kainan at kumuha ng baso,ako naman nakatitig lang sa boteng asa harapan ko.
"L-lambanog?"
YOU ARE READING
Cold Blooded
Ficção GeralSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...