Chapter 8

4.7K 97 2
                                    

Luigi's POV

Wednesday ngayon, hindi ako pumasok kahapon kasi napagod ako sa not so real date whatever you call it namin ni Mikaela. Dahil ngayon yung play nila kaya ako pumasok, alas-tres pa naman magsisimula yung play. Nagtext din ako sa tropa na kung wala silang gagawin ngayon ay manood sila, unfortunately hindi sila pwede. Gusto ko pa naman na mapanood nila si Mikaela.

Excited din ako sa magiging outcome ng play nila, kanina lang kasi sinabi sa akin ni Angel na dati pala ay kasama si Mikaela sa drama club. Kaya abangan ko na lang daw yung seryosong Mikaela sa play.

Lunch break naman ngayon at kasabay kong kumain si Ivee, busy kasi sila Mikaela at Angel sa paghahanda sa play mamaya. Hindi ko rin alam kung nasaan sila ngayon. Nagtext naman ko kay Angel na iupdate na lang nya ako mamaya kapag nandito na sila.

"Luigi, uhm ano kasi nagdate ba talaga kayo ni Mikaela noong Monday?" nahihiyang tanong ni Ivee sa akin. Natawa naman ako sa tanong nya "Haha hindi no" sabi ko sa kanya, bahagya naman itong ngumiti sa akin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay tahimik lang si Ivee. "Ivee gusto mong baymax na stuff toy, ayun oh meron dun" sabi ko sa kanya sabay turo sa baymax na stuff toy. Feeling ko kasi ang lungkot nya, baka sakali lang na mapasaya ko sya kapag nakuha ko yung baymax na stuff toy.

Lumiwanag naman yung kaninang malungkot nyang mukha, napalitan ito ng saya at excitement. "Ehh totoo ba? Sus, di ka naman ata marunong magshoot, kailangan makashoot ka muna dyan bago ka manalo ng stuff toy. Tsaka tingnan mo nga ang taas at ang layo ng basket, pano ka makakashoot dyan?" sabi naman nya.

"Ivee, watch and learn. Hirap kasi sayo wala kang tiwala sa skills ko" sabi ko sa kanya at hinila sya papunta dun. Nagbayad ako ng fifty pesos, may tatlo ako chance para mashoot yung bola sa basket. Kapag nagawa ko yung hello baymax pero kapag hindi bye bye money.

Huminga ako ng malalim bago ishoot yung bola, pero sa kasamaang palad sa tatlong try ko walang pumasok kahit isa. Pinagtatawanan naman tuloy ako ni Ivee. "Watch and learn hah, galing mo wooh idol!" pang-aasar nya sa akin, sinamaan ko naman sya ng tingin.

Nag-abot naman ako kay ate ng fifty pesos ulit. Tapos nagtry ulit akong magshoot, pero ayaw pa ring pumasok. Pinagpapawisan na ako dahil doon pero ayaw talaga. I never thought that shooting would be this hard, damn! Naiinis na ako na ewan.

"Thanks dito" sabi ni Ivee na yakap si baymax. "Dapat di mo na inaksaya pera mo para dito, nakatwo hundred fifty ka pa tuloy" nakapout na sabi ni Ivee habang nakapatong naman yung baba kay baymax. "Eh ang panget mo kasing sumimangot kanina kaya kinuha ko yan para sayo" sabi ko kay Ivee ng nakangiti tsaka ko ginulo yung buhok nya.

Naglibot pa kami sa campus, binilan pa nya akong ice cream pambawi nya daw sa pagod ko kanina. Nakaupo naman kami sa bench na nalililiman ng puno. Ang sarap langhapin ng sariwang hangin habang nakatingin sa mga estudyante na palakad-lakad at nakangiti.

"Luigi aattend ka ba sa bonfire dance night?" tanong ni Ivee. "Uhm I would love to see the midnight fireworks, though hindi ako naggogown haha" sabi ko sa kanya, natawa naman sya dahil dun. "Baliw! Pwede ka namang magtuxedo, bakit ayaw mo bang magsuot ng ganun?" usisa pa ni Ivee sa akin. "Hindi naman sa ayaw ko kaya lang kasi hindi ako mahilig sa mga party na ganun na bongga, ewan ko" paliwanag ko sa kanya.

Tumango sya bilang sagot sa akin. "Ay alas-dos na pala, balik na tayo sa classroom" sabi ko kay Ivee dahil malapit na mag-umpisa yung play. "Ay oo nga, malapit na pala magstart yung play. Pero una ka na, sabay kasi kaming manonood ni Claire, pupuntahan ko pa sya." sabi naman ni Ivee.

Ihahatid ko pa sana sya kay Claire kaso ayaw na nyang magpahatid kaya dumiretso na ako sa room namin.

Pagdating ko naman doon ay nakaready na silang lahat, yung mga kaklase kong gaganap bilang kawal, si Dennise nandun na rin. Bagay sa kanya yung costume, tama lang na sya ang maging Romeo. Pero yung mata ko ang hinahanap si Mikaela na hindi ko naman makita. Bakit kasi wala pa sya rito, anong oras na baka naman malate pa yun ng dating.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon