Mikaela's POV
"Ma, pa, para saan 'to? Bakit niregaluhan ako ni Luigi ng ganito?" taka kong tanong kila mama. Naging seryoso naman ang itsura nilang dalawa.
"Anak isuot mo yan, susunduin ka ni Kuya Miguel mo." sabi ni mama sa akin.
"Bakit ma, anong meron? May nangyari ba?" takang tanong ko kay mama at napatingin ako kay papa. Napatango lang sya sa akin.
"Lil sis, halika na. Kanina ka pa iniintay ni Luigi." sabi sa akin ni Kuya. Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Kanina pa ako iniintay ni Luigi pero saan sya? Bakit hindi ko sya nakikita. Lumapit ako kay kuya.
"Hep! Put that clothes on first." sabi ni Kiya Miguel sa akin at kinuha nya yung box na regalo sa akin ni Luigi.
"Antayin na lang kita sa kotse." sabi sa akin ni Kuya.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Ano bang meron? Bakit pinagsusuot ako ni Luigi ng ganito ka pormal na damit. Tsaka kanina pa raw sya nag-iintay sabi ni Kuya Miguel pero hindi ko naman sya nakikita.
Matapos kong magpalit ng damit ay sumunod na ako kay Kuya sa kotse. Naupo ako sa tabi ng driver seat. Pinaandar na nya yung sasakyan, tahimik lang naman sya habang nagdadrive. Saan ba nya ako dadalin?
"Kuya saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko kay Kuya.
Hindi naman nya ako pinansin. What's with him? Hindi naman sya ganito sa akin. Never nya akong ini-snob kapag kinakausap ko sya. May hindi ba ako nalalaman?
Ilang oras din kaming bumyahe ni Kuya bago kami makarating sa isang beach? Ano to? Gabing-gabi magsu-swimming kami? Tapos ganito pa yung suot ko, nakaformal attire ako.
Pinagbuksan ako ni Kuya ng pintuan, pagkababang-pagkababa ko sa kotse ay bumungad sa akin yung mga petal ng roses na parang nagga-guide sa akin kung saan ako dapat pumunta.
"Go ahead, follow that roses. She's waiting." sabi sa akin ni Kuya at umalis na. Teka ano na naman bang pakulo ni Luigi at may paganito-ganito pa sya.
Habang naglalakad ako may background music namang nagpe-play. Pamilyar sa akin yung kanta pero hindi ko maintindihan. Tapos bigla akong natigilan nang maalala kong ito yung kantang pinarinig sa akin ni Luigi noon. Japanese song ito na ang title ay Can't you say.
Habang naglalakad ako ay hinahanap ng mata ko si Luigi. Pero wala akong Luigi na nakikita. Nang makarating ako sa dulo ng mga roses na nakalatag sa buhanginan ay nakita ko yung pamilya ko. Anong ginagawa nilang lahat dito? Bakit narito rin sila Angel, Alex, Kendall, Stacy at Jenny. Anong meron? Sabay-sabay naman silang napangiti sa akin.
Pinaupo ako ni Kuya Michael sa isang magarang table, na tila isang candle light dinner. Pero hindi ko pa rin makita si Luigi. Naupo si Kuya Michael sa harap ko.
"Mikky, alam ko bang kapatid kita?" natawa ako sa sinabi ni Kuya, natawa rin sya sa sinabi nya. Malamang alam ko yun. Nababaliw na ata sya. Pero biglang sumeryoso yung mukha nya. At tinitigan nya ako sa mata ng diretso.
"Kapatid ang turing ko sayo, Miks. Kapatid na handang tulungan ka sa lahat ng oras." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kuya sa akin. Parang.. Parang hindi sya yung kausap ko. Parang si Luigi.
"Kuya?" tawag ko sa kanya.
Tumayo naman sya at yumakap sa akin. Ay inabutan nya ako ng isang tangkay ng bulaklak.
"Para saan 'to?" takang tanong ko kay Kuya Michael, pero umalis din sya agad. Sumunod naman si Kendall na lumapit at naupo sa harapan ko.
"Selosa ka." sabi ni Kendall sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Nginitian naman nya ako. Naguguluhan naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
