Luigi's POV
Bukas kakausapin ko na talaga ng maayos si Mikaela. Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw ko na rin yang sinasabi sa sarili ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap si Mikaela. Last day ngayon ng practice nila para sa play, nasa theater kami ngayong buong klase dahil doon na nila gaganapin ang huling araw ng practice nila.
Nakaupo ako sa tabi ni Angel dahil sya yung nasa pinakaharap kasi sya nga yung director at script writer.
Nag-umpisa naman na yung play nila. Dahan-dahan pang bumukas yung kurtina sa stage at may spot light na nakatutok sa mga nagrorole play. Sinama na pala nila sa practice yung lighting effects at sound effect.
Medyo mahaba rin yun play, pero nandito na sa part na nag-uusap sila Romeo and Juliet. Napabuntong-hininga naman ako at tumayo. Ang ganda ni Mikaela kung pagmamasdan mo tapos sa kanya pa nakatutok yung spot light na lalong nagpastand-out sa kagandahan nya.
Ipinamulsa ko naman yung dalawang kamay ko sa mga bulsa ko at naglakad na palayo.
"Oh! Saan ka pupunta? Hindi mo ba papanoorin yung sweet moment nila Romeo and Juliet?"tanong sa akin ni Angel napansin nya siguro ako kahit na abala sya sa pagdadirect ng play. "Hindi na sa foundation ko na lang papanoorin yan" sabi ko kay Angel at naglakad na palayo at palabas ng theater.
"Hindi mo ba titingnan kung may kissing scene sila?" dagdag na sabi nya bago ako tuluyang makaalis. "Tsk!" palatak ko na lang bilang sagot sa kanya. Narinig ko namang ang mahina nyang pagtawa.
Naglalakad-lakad ako iniikot yung buong campus kahit saan ako pumunta ay abala ang lahat sa paghahanda sa foundation week. Nadaanan ko rin yung block kung nasaan naroon yung horror booth. Okay nandito pala ang horror booth, aayain ko na lang si Mikaela dito. Kausap ko sa sarili ko habang naglalakad ako.
Hay Mikaela na naman, lagi na lang. Kelan mo ba ako bibigyan ng peace of mind babae ka. "Aray!" sabi ko nang maramdaman may bumangga sa balikat ko. "Ouch!" sabi ng isang babae na parang nerd dahil nakasalamin sya ng makapal. Tinulungan ko syang tumayo dahil napaupo sya. "Sorry hindi ko sinasadya" paumanhin ko sa kanya.
"Tsk! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh! Sa susunod matuto kang tumingin para hindi ka nakakaabala ng ibang tao!" Naiinis nyang sabi, nagulat naman ako sa reaksyon nya. Ngayon lang ako nakaencounter ng nerd na masungit at palaban.
Nagsorry ulit ako sa kanya, pero inirapan nya lang ako at umalis na.
Tumingin ako sa relo ko, siguro naman sa mga oras na ito tapos na ang play. Pupuntahan ko na lang si Mikaela sa back stage ng theater para kausapin. Naglakad na ako pabalik ng theater, nagmamadali pa ako dahil baka hindi ko sya maabutan dun.
Ilang araw na rin kasi syang iwas sa akin. Tuwing susubukan ko syang lapitan ay umiiwas na kaagad sya. Kapag naman makakasalubong ko sya sa daan ay iiwas na sya ng way para hindi kami magkasalubong.
Pagdating ko sa theater ay tama ang hinala ko dahil tapos na ang play. Nakita ko naman si Angel na kausap ang iba akong kaklase, natingin naman sya sa akin. Sumenyas naman si Angel sa back stage, tumango ako sa kanya at nagthank you kahit na walang boses ay alam kong nagets na nya yung ibig kong sabihin dahil nagthumbs up sya sa akin.
Nakita ko naman si Mikaela na nag-aayos ng gamit nya. Lumapit ako sa kanya, narinig ko pa ang marahan nyang buntong-hininga. "Mikaela" marahan kong sambit sa kanya. Walang emosyon naman syang tumingin sa akin. Hindi ko alam pero ayoko ng ganitong treatment sa akin ni Mikaela.
Naalala ko pa yung araw na nakalaro ko sya sa volleyball, halos araw-araw na may practice sila para doon ay kasama na nya ako. Kahit nagsusungit sya at sa akin nya ipinapadala ang gamit nya ay okay lang sa akin dahil natutuwa ako kapag naman nakikita ko syang maglaro ng volleyball.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
