Mikaela's POV
"Aray!" napahawak sa batok si Luigi dahil sa paghampas ko sa kanya. Sa totoo nyan ay wala naman syang ginagawang masama sa akin pero naiinis talaga ako sa kanya.
"Sino na naman ba yung babaeng yun ha, at bakit ganoon sya sayo?"
Hinapit nya ako bewang para maglambing pero hindi tumalab, dahil mas matindi akong magselos.
Paano ba naman kasi may kasamahan sya sa trabaho tapos habang nagmi-meeting daw sila ang daming upuan sa huddle room, ang gusto ng babaeng yun kumandong si Luigi sa kanya. Like what the...
"Sinabi ko naman sayo may asawa at anak na yun." which is totoo naman dahil inistalk ko yung babaeng malandi na yun. Kaya nga hindi ko rin mawari kung bakit ganoon umasta yung babaeng yun.
"Kung may asawa na pala at anak bakit gusto nyang ikandong ka nya. Ano ka nya jowa?" feeling ko... Feeling ko talaga makakapagkape nako sa kumukulong dugo at umuusok na ilong ko sa galit at inis. Hinalikan naman ako ni Luigi pisngi.
"Wag ka ng magalit, Miks." oppss wrong move. Ayaw na ayaw nga kong tinatawag akong Miks ni Luigi, lalo na ngayon na ang tagal na naming magjowa.
"Hoy Luigi! Apat na taon na tayo. Apat! Sa apat na taon na yun sinabi ko ng tawagin mo akong babe, mahal, mahal ko, potchi o kung ano pa mang gusto mo wag lang sa nickname na inimbento mo."
Yap! Ganyan talaga ako masungit pero sweet, at syempre pikon pero malambing.
Yumakap sya sa akin ng mahigpit at marahan nya akong hinalikan sa labi.
"Sorry na mahal ko, alam mo namang ikaw lang yung mahal ko. Hindi naman kita pagpapalit sa iba. Titingin lang ako pero...aray! Aray!" hinila ko nga at piningot yung tenga nya. Ang lakas talaga nyang mang-asar kahit kelan nakakainis!
"Anong sabi mo Luigi ha?! Ikaw napakatigas talaga ng ulo mo, para tuloy akong nagkaroon ng baby damulag kaka-alaga sayo."
Sermon ko sa kanya habang hinihimas nya yung tenga nyang siguradong namumula sa sakit.
"Mikaela..-pinandilatan ko sya-- my love so sweet --dugtong pa nya para hindi ako tuluyang magalit-- hindi ko naman kasalanan kung gwapo ako at habulin ng babae..aray!"
Oo sadista ko, hinampas ko na naman sya. Napakamapang-asar kasi. Inis na inis na ako at nagseselos eh, puro pang-aasar pa rin ang ginagawa.
"Luigi sinasabi ko sayo lumayo ka doon sa babaeng yun kung ayaw mong-- hindi na nya ako pinatapos sa sasabihin ko, naramdama ko na lang na lumapat ang labi nya sa labi ko.
"Ikaw lang talaga mahal ko, Mikaela." kita ko sa mata nya ng sinseridad. Hay Luigi, sobrang mahal talaga kita.
"Talaga lang ha? Paano kung sabihin ko ring may nanliligaw sa akin?"
Napakunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"Okay lang naman hindi naman natin maiiwasan yun kasi maganda ka, mahal. Alam mo namang hindi ako seloso." which is totoo naman. Tsaka hindi ko rin naman pinaparamdam kay Luigi na may dapat syang pagselosan lalo na sa mga taong nagpapakita sa akin ng motibo.
Yumakap naman ako sa kanya.
"Pero nagseselos ako sa isang katrabaho mo."
"Ha sino? At bakit naman?"
"Ewan ko, mahal. Hindi naman sya kaselos-selos pero sa mga tingin nya kasi kapag magkasama tayong lumalabas at kasama yung mga kaibigan mo halatang may gusto sya sayo."
Bigla naman akong natawa sa sinabi nya. Kasi bakit sya magseselos doon, eh ako nga ang dapat magselos dahil nahahalata kong si Luigi ang gusto nya at hindi ako.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
