Chapter 5

5.5K 119 1
                                        

A/N: Enjoy reading guys :)

Luigi's POV

Abala ang buong klase ngayon sa foundation week. Kanya-kanya kasing ideya ang bawat block section sa pag-isip kung anong booth ang gagawin nila sa araw na iyon. Habang ang iba naman ay abala sa pag-eensayo sa stage play na kanilang gagawin. Dahil all-girls ang kanilang school ay babae rin ang gaganap bilang lalaki sa kanilang play. Wala naman silang choice dahil ang mga teachers nila ang pipili kung sino man ang gaganap sa play na iyon.

Drama play ang napunta sa block  namin, sa dami ba naman ng pwedeng mapunta sa block namin bakit drama play pa, pwede namang horror booth o kaya marriage booth. Ang boring naman nang napunta sa section namin, pero no choice kami kasi yung prof namin ang pumili.

Syempre sino pa bang bida sa play namin na Romeo and Juliet kundi si Mikaela tapos si Dennise na lesbian kong kaklase ang kapartner nya bilang Romeo. Abala naman ang iba sa pag-iisip ng magandang costume nila habang ang iba naman ay naghahanda at nag-iisip ng mga materyales para sa mga props sa play. Habang ako naman ay kunwaring nakikinig lang at may pake sa mga pinag-uusapan nila.

"Lui, ano lagyan ko ba ng kissing scene yung script nila Mikaela?" tanong sa akin ni Angel habang kagat-kagat yung dulo ng ballpen. Oo nga pala sya ang director at script writer ng play namin. "Ikaw bahala anong malay ko dyan" walang gana kong sagot sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko sa akin at tinusok yung kagiliran ko ng ballpen na kanina ay kagat nya. "Hmp! Sungit!" sabi nya sa akin sabay alis.

Problema nun? Tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan si Angel na naglalakad palayo. "Aray!" bulalas ko sabay hawak sa ulo ko nang naramdaman kong may bumatok dun. "Ano? Wag mong sabihin na naiinlove ka na sa bestfriend ko?" Tanong ni Mikaela sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Hah? Anong pinagsasasabi mo dyan?" sagot ko sa kanya sabay alis. Pero narinig ko pa rin yung sinabi nya "Hmp! Sungit!" sabi ni Mikaela, bahagya naman akong nangiti dahil don, magbestfriend nga sila ni Angel.

"Luigi! Mamaya ngang uwian samahan mo itong si Ivee sa National Bookstore at bilin nyo itong mga to para sa props natin" utos sakin ng isa kong kaklase at tumango naman ako bilang sagot.

Tinulungan ko muna ang iba kong kaklase sa pagpintura ng mga kunwaring walls o kung ano man yung props na iyon dahil wala akong magawa. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako tutulong di ba.

Habang nagpipintura naman ako ay napatingin ako kay Mikaela na ngayon ay nakaupo sa arm chair habang hawak ang notebook kung saan nakasulat ang mga script na kailangan nyang kabisaduhin.

"Matunaw yan hoy!" sabi ng kaklase ko sabay tapik sa balikat ko. "Hah? Baliw ka ba, anong pinagsasasabi mo dyan? Maang-maangan kong sagot. Pumunta naman sya sa harap ko at namewang na ikinoot naman ng noo ko.  Huminga muna sya ng malalim bago magsalita. "Ang sabi ko Luigi tingnan mo yang pinipinturahan mo dahil mali mali na napipinturahan mo! " bulyaw naman nya sa akin napatingin tuloy yung mga kaklase namin dahil sa lakas ng boses nya. "Huwag mo kasing titigan si Misodnheowosns" hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil tinakpan ko na agad yung bibig nya ng mga palad ko.

Ang daldal kasi nito, baka kung ano pang masabi. Sya pa naman yung class president kaso parang sya pa ata may sayad sa aming lahat. Natatawa naman yung mga kaklase namin dahil saming dalawa.

"Hoy lovebirds wag kayo ditong magmoment hindi kayo sila Romeo and Juliet!" asar ng isang kaklase namin. "Oo nga kung gusto nyong magmoment dun kayo sa labas, pwe!" dagdag pa ng isa naming kaklase at lalo pa silang nagtawanan dahil don. Maganda kasi itong topakin na president namin kaya inaasar nila kami. Napapailing na lang ako sa kanilang lahat.

Itutuloy ko na sana yung pagpipintura ko kaso bigla akong niyakap ni president at saka umarteng parang si Juliet. "Romeo, Romeo! Oh...Don't leave me my Romeo!" sabi nya habang nakaback hug sa akin.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon