Chapter 29

3.1K 60 1
                                        

Luigi's POV

"Ma ihinto nyo yung sasakyan." malamig kong sabi sa mama ko pero hindi nya ako pinapakinggan. Ano na naman ba kasing nangyari sa kanya at umuwi sya rito sa Pilipinas. Akala ko ba ayaw na nyang makita kami. Pero bakit bumalik sya.

"Anong kailangan mo sa akin?" takang tanong ko sa kanya. Pero natawa lang sya, yung tawang sarcastic.

"Sayo? Wala. Wala akong kailangan sayo. Alam mo namang hindi kita kailangan sa buhay ko, hindi ba?" sabi nito sa akin habang diretsong nakatingin sa daanan.

Alam ko naman na ganyan ang isasagot nya sa akin pero masakit pa rin sa akin. Bakit sakit lang ang nararamdaman ko at hindi galit. Bakit kahit anong gawin nya sa akin hindi ko magawang magalit sa kanya.

May tumawag sa cellphone nya.

"Hello! Ganoon ba? O sige. Pero siguraduhin mong tutupad ka sa usapan." sabi nya tapos ay pinahinto nya sa driver yung sasakyan.

"Sinong kausap mo? Anong usapan ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin at pinagbuksan nya ako ng pintuan.

"Wala ka ng pakialam doon, lumabas ka na. Hindi na kita kailangan." sabi ni mama. Kaya naman bumaba na ako ng sasakyan. Agad naman ng umalis ito. Naglalakad ako sa kawalan. Ewan ko, hindi ko kasi alam kung nasaan ako ngayon. Gusto ko lang umuwi na para makapagpahinga.

Naupo ako sa gilid ng kalsada.

"Penny for your thoughts?" napatingin ako sa babaeng nagsalita sa harap ko. Hindi pamilyar yung boses nya sa akin, kaya napakunot-noo ako sa kanya.

"You seem problematic, by the way. I'm Faye and you are?" at inilahad nya yung kamay nya sa akin. Ilang segundo akong nakatingin doon bago ako sumagot sa kanya.

"Luigi, ano palang kailangan mo?" walang gana kong tanong sa kanya. Ewan, ayokong magsalita ngayon. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Masyadong marami ng bagay ang nangyari. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

"Gusto mong sumama sa akin?" masigla nitong tanong sa akin. What's with this girl, ang kulit nya.

"No thanks, I'm good." sabi ko na lang sa kanya para tumigil na sya.

"Come on! Wala namang mawawala kung sasama ka hindi ba?" sabi nito sa akin habang nakangiti.

"No thanks but seriously, I'm good." sabi ko sa kanya at bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Okay, sasamahan na lang kita rito." sabi nya sa akin tapos ay naupo sa tabi ko. Hindi sya ganoon kalapit sa akin, hindi rin ganoon kalayo. Sakto lang.

"Pwede ba akong magtanong?" sabi nito sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Ano na naman bang itatanong sa akin ng makulit na babaeng 'to.

"Kapag bad mood ka, mas gusto mo bang mapag-isa o gusto mo ng kasama yung papasayahin ka?" tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang naman sya sa malayo.

"Gusto kong mapag-isa." sagot ko sa kanya. Tumayo sya at nagpagpag ng dumi sa may pwetan nya.

"So aalis na ba ako?" tanong nito sa akin habang nakangiti pa rin sya. Nakangiti nga sya pero alam kong hindi sya okay.

Hindi ko rin alam kung bakit, pero ako yung tipo ng tao na nararamdaman ko kung ano yung iniisip o kaya nararamdaman ng isang tao kapag kaharap ko sila. Isa pa, parang hindi naman ganoon kagaling magtago ng emosyon 'tong babaeng nasa harapan ko ngayon.

"So I guess, ikaw mas gusto mo yung taong nagpapasaya sayo, tama ba?" sabi ko sa kanya. Kunwari naman syang nag-isip.

"Well, hindi naman kita lalapitan dito kung gusto kong mapag-isa, hindi ba?" pabalik nyang tanong sa akin. May pagkasarcastic yung way ng pagkasabi nya pero hindi yung tipong nakakainis.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon