Chapter 12

4.5K 99 5
                                        

Luigi's POV

Last day na namin sa training camp ngayon kaya pachill-chill na lang kami. Medyo close na rin kami ni Aria, na kinaiinisan naman ni Mikaela na hindi ko alam kung bakit. Naghahanda naman sila para sa boodle fight namin, ayos dahil maraming pagkain na naman. Reward daw iyon sa amin ng mga Coaches dahil sa sipag at tyaga naming magpractice. Sana naman ay makapasok na ang team namin sa National Tournament.

Nagpapahangin ako sa labas habang nakaupo sa malilim na parte ng mga puno. Nakasandal naman ako sa isang malaking puno, sayang lang na hindi available ang mga kaibigan ko edi sana nakalaro namin sila. Nakita ko naman si Mikaela na papalapit sa akin, nginitian ko naman sya.

Naupo sya sa aking tabi, idinantay naman nya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Thanks sa pagsama dito" sabi sa akin ni Mikaela "Wala yun, thank you din sa pag-aalaga mo sa akin" sabi ko naman sa kanya habang nakatingin sa malayo. Dumaan naman si Aria sa harapan namin na nakangiti sa akin, kumaway naman ako sa kanya at saka ngumiti ako pabalik.

"Aray!" sabi ko naman nang kurutin ni Miks ang tagliran ko "Bakit na naman ba?" tanong ko sa babaeng katabi ko ngayon pero inirapan nya lang ako. "Alam mo Miks pansin ko nagseselos ka kay Aria" pang-aasar ko sa kanya. "Huh? Ako nagseselos bakit naman ako magseselos?" tanong sa akin ni Miks. "Eh paano kasi kapag kasama ko si Aria hindi mo ako pinapansin, kapag naman kinawayan ko sya o nginitian o kinausap, sinusungitan mo ako. Tulad ngayon tingnan mo kinurot mo ko kinawayan ko lang si Aria" mahabang paliwanag ko sa kanya. "Hmp! Dyan ka na nga, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo" sagot sa akin ni Mikaela na tumayo na para umalis.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to magwowalk-out na naman, ganyan sya lagi tuwing binabanggit ko na nagseselos sya kay Aria. Bago pa sya tuluyang makalayo sa akin ay hinawakan ko naman ang kamay nya at hinila sya pabalik sa akin. Bahagya pa syang napasubsob sa akin. "Miks uso umamin kung nagseselos ka na" pang-aasar ko pa rin sa kanya. "Alam mo Luigi tingin ko ikaw talaga yung may gusto sa akin eh" sabi nya sa akin, aba talaga naman ang hangin din ng babaeng 'to. Yumakap naman ako sa kanya at umakto na parang nililipad ng hangin "Woh! Ang lakas ng hangin!" asar ko pa sa kanya, binatukan naman nya ako. "Totoo naman may gusto ka sa akin" sabi naman si Miks sa akin. Wow bilib na talaga ako sa fighting spirit ng isang 'to.

"Wow hah, sige paano mo papatunayan na may gusto ako sayo?" hamon ko naman kay Mikaela, sandali naman syang natahimik na akala mo nag-iisip. "Uhm sige gawin natin yung 15 seconds challenge, magtititigan tayo, aakitin kita tingnan natin kung magagandahan ka ba sa akin o kung ano man magiging reaksyon mo. "15 seconds challenge, teka parang narinig ko na yan eh" sabi ko naman sa kanya "Hindi ko lang matandaan kung saan" dagdag ko pa. "Ano game na ba? Akin na ang cellphone mo set ko yung timer" sabi naman ni Miks sa akin.

Nagset naman sya ng time sa cellphone ko ng 15 seconds. Humarap sya sa akin kaya naman humarap na rin ako sa kanya. Seryoso ba talaga 'tong babaeng 'to, sige na nga pagbibigyan ko na. Tumingin ako sa mga mata nya, ganun din naman sya sa akin. Pinaandar naman na nya ang timer ng cellphone tsaka ulit tumingin sa aking mga mata.

15..

14..

13..

Bakit feeling ko lalong gumaganda si Mikaela.

12..

Yung mga mapupungay nyang mata, yung matangos nyang ilong, yung tila malambot nyang labi.

11..

Bahagya pa akong napalunok ng aking laway. I wonder how does your lips taste, Mikaela.

10..

Your beautiful smile can make my heart stop a beat.

9..

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon