Chapter 10

4.6K 106 2
                                    

Luigi's POV

Natapos na ang foundation week, nag-aayos ako ng gamit ngayon dahil isinama ako ni Coach Steven sa camping nila. Kung saan may practice match sila ng volleyball kasama ang iba't ibang team. Hindi ko alam kung bakit kailangan kasama pa ako rito, siguro ay tagabitbit na naman ako ni Mikaela ng gamit nya or whatever.

Nang natapos akong mag-ayos ng aking gamit ay pumunta na ako ng aming school. May sariling school bus ang volleyball team na syang gagamitin namin papunta sa camp.

Maaga akong nakarating sa school dahil ayoko namang mahuli nang dating at maging center of attraction. Naroon na rin si Coach na naglalagay ng kanyang gamit sa compartment ng bus. "Oh Luigi, aga mo ata?" bati sa akin ni coach, ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. "Luigi andun si Larah, makakalaro nyo" sabi pa ni coach sa akin. Paakyat na sana ako ng bus pero napahinto naman ako at napatingin sa kanya.

"Nyo? bakit nyo, hindi naman po ako kasali sa team" sabi ko kay coach. Napakamot naman sya sa kanyang batok bago magsalita "Ah eh haha" natawa na lang nyang sabi na parang inaasar ako. Sabi ko na nga ba may hindi magandang balak sa'kin si coach kaya nya ako sinama. Pumasok na ako sa loob ng bus at naghanap ng komportableng upuan, sa bandang gitna ako ng bus naupo sa gilid kung saan malapit sa bintana.

Isinuot ko naman sa aking tenga ang earphone at saka ako pumikit habang nakikinig ng music. Mahaba-habang byahe pa naman 'to, tapos one week pa kami sa camp. Imbis na nagpapahinga ako sa bahay kasama pa nila ako rito. Naramdaman ko naman na may naupo sa aking tabi, hindi ko naman alam kung sino iyon dahil nakapikit ako.

Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang pag-andar ng bus, siguro ay andito na silang lahat. Napadilat naman ako nang maramdaman kong may dumantay sa aking balikat. Si Mikaela pala, nakapikit rin sya na akala mo antok na antok pa.

"Don't you know that it's rude to stare" sabi ni Mikaela habang nakapikit, napataas naman ang aking kilay sa sinabi nya. "Well it's also rude to lean your head on someone without permission" I bluntly said. "Tsk! Okay hindi na!" inis nyang sabi sa akin at inalis ang pagkakasandal ng ulo nya sa balikat ko. "Haha childish princess ka talaga" pang-aasar ko pa kay Mikaela.

Kinagat naman nya ako sa aking braso "Ouch! Why did you do that?" I asked her. "For teasing me hmp!" pakunwaring tampo na sabi nya sa akin. Hinapit ko naman sya sa kanyang bewang para mapalapit sya sa akin "Okay my fault, I'm sorry princess. You can now lean your head on my shoulder" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Umiwas sya ng tingin sa akin pero isinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat, napangiti naman ako dahil dun.

Nagising na lang ako nang gisingin kami ng ibang teammates ni Mikaela, kahit si Mikaela ay mahimbing din ang kanyang tulog. Lunch na kaya naman gutom n kaming lahat, tinulungan ko si Mikaela na magdala ng kanyang gamit. Bakit ba kasi ang daming dala ng babaeng 'to, akala mo naman isang buwan dito. Pero hindi na ako nagreklamo baka sungitan pa nya ako.

Sinalubong naman kami ni Coach Ren, kung titingnan naman ang paligid ay para itong isang villa o private resort. Pero syempre may gym at court kung saan sila magpapractice. "Sakto ang dating nyo, kakaluto pa lang ng pagkain" sabi ni Coach Ren kay Coach.

Walong team galing sa iba't ibang schools ang andito, kasama na ang team ni Coach Ren. Naisipan nila 'tong practice match para mag-improve ang mga players. Isa ang team ni Coach Ren na magagaling at laging pasok sa  national championship pero hindi sila umaabot sa finals dahil may tatlo pang kilalang team na magagaling.

Hindi sila kasama sa camp na ito dahil ewan ko hindi ko rin alam. Pero mas okay naman 'to para makameet kami ng maraming kaibigan. Basta ako mag-eenjoy lang ako dito "Luigi tara na ilagay na natin sa kwarto yung mga gamit natin" sabi naman ni Mikaela sa akin, agad naman akong sumunod sa kanya.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon