Chapter 14

4.5K 85 1
                                        

Luigi's POV

Nagising ako sa ingay ni Mikaela at Angel na nag-uusap sa tabi ko. Gising na ako pero nakapikit pa rin ako para hindi nila mapansin. "Miks, yung night in shining armor mo ayan bulagta, haha" patawang sabi ni Angel kay Miks. Wow grabe naman ang hard naman sa akin ni Angel. Iniintay ko naman ang magiging sagot ni Miks pero hindi sya nagsasalita. "Tsk!" yun lang ang narinig kong sabi ni Miks. Ano naman kayang ibig sabihin ng tsk nya na yun.

Bumangon na ako tila nagulat naman si Miks. "Oh? Anong ginagawa mo?" tanong nya sa akin. "Hahatid ka pauwi, anong oras na oh" sabi ko naman sa kanya sabay tingin sa aking relo, pasado alas-kwatro na pala nang hapon. "Wag na, kaya ko na ang sarili ko" pagmamatigas na sabi ni Miks sa akin. "I insist" pilit ko namang sabi sa kanya.

Nagsalubong naman ang mga kilay nya sa kakulitan ko "Hay oo na" wala na syang nagawa kundi sumang-ayon sa akin. Nag-ayos na ako ng aking sarili bago kami tuluyang umalis sa clinic. Kinuha ko naman ang kanyang mga gamit para hindi na sya mahirapang magdala ng mga iyon.

Naglalakad na kami palabas ng campus nang matanaw ko ang mga barkada ni Alex na nasa labas. Hinawakan ko sa kamay si Mikaela at dire-diretso kaming lumabas. Wala akong pake kahit na pagtulungan o takutin pa nila ako, wag lang nilang sasaktan si Mikaela.

Nakayuko naman si Miks habang naglalakad kami. Wala syang kibo hanggang sa makarating kami ng kanilang bahay. Tulad ng dati ay iniintay ko muna syang makapasok ng kanilang bahay bago ako tuluyang umalis. "Luigi" tawag sa akin ni Mikaela bago pa ako tuluyang umalis. "Uhm?" sabi ko naman sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin "Thank you" sabi nya at tuluyang pumasok sa bahay nila. Napailing na lang ako dito sa labas ng kanilang bahay habang nakangiti.

Pagdating ko sa bahay namin ay hindi ko naitago ang sugat ko kay papa. "Hoy! Saan nanggaling yan? Nakipagbasak ulo ka ba?" turo ni papa sa pasa ko sa gilid ng aking labi. "Hi.. Hindi po pa, binastos po kasi si Mikaela kaya ayun pinagtanggol ko lang" sabi ko kay papa habang nakayuko ako, si bunso naman ay nakatingin lang sa amin ni papa na tila naguguluhan sa nangyari.

Inakbayan ako ni papa sa aking balikat at saka nya ginulo ang aking buhok. "Pa naman!" suway ko sa kanya. "So sa tingin ko ikaw ang talo kasi nagkapasa ka" natatawang sabi sa akin ni papa. "Hindi rin Pa, ako naunang tumadyak kaso di ko napansin yung kumag na yun, ayun nakadali sa mukha ko" medyo inis ko pang sabi kay papa habang ang magaling kong ama naman ay tuwang tuwa sa mga kwento ko.

"Hay sa susunod kasi wag kang lalampa-lampa" pagbibiro sa akin ni papa. Pumunta naman na ako sa kwarto ko para magpalit ng pambahay. Mabuti na lang at sabado bukas, makakapagpahinga ako. "Lui anak!" tawag sa akin ni papa, pagkabihis ko ay lumabas ako nang aking kwarto. "Bakit po?" tanong ko sa kanya. Pumunta ka ngang mall bukas at bilin mo 'tong mga nakalista dito, kailangan ko kasi" sabi naman sa akin ni papa, tumango lang naman ako sa kanya.

Tinawagan ko si Miks para magpasama sa kanya sa mall bukas. Naglakad na ako papasok sa aking kwarto.

"Hello?!" Medyo parang wala sa mood na sabi ni Miks sa akin. "Miks samahan mo ako bukas sa mall" pag-aaya ko sa kanya. Bahagya syang natahimik, siguro iniisip nya kung may lakad sya or what. "Wait let me think" sabi ni Miks sa akin "Uhmmm no" sabay baba ng tawag ko. Okay? Wth! Anong nangyari dun? Sinubukan ko ulit syang tawagan, pero umabot muna sa tatlong missed calls bago nya sagutin ang tawag ko.

"Miks" Tawag ko sa kanya, bahagya naman syang bumuntong-hininga. "Okay okay sasamahan na kita bukas. 9am sharp fetch me, bye!" sabi nya sa akin sabay baba ulit ng tawag. Ibinagsak ko naman ang aking sarili sa malambot kong kama.

Pero heto ako naglalaro sa cellphone ko dahil hindi ako makatulog.

Nang magsawa akong maglaro sa aking phone ay sinubukan kong idial ang number ni Miks pero busy ang line nya. Sino kayang kausap nya ng ganitong oras. Wag naman sana yung Alex na yun ang kausap nya.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon