Luigi's POV
"So ano dapat ang gawin ko?" tanong ko sa taong kausap ko ngayon. Napasandal sya sa kotse nya, bago nagsalita.
"You have to earn his trust. But there's one problem." seryosong sabi nito sa akin. Napakunot-noo naman ako sa sinabi nya. Anong problema?
"At ano naman yung problema na iyon?" takang tanong ko sa kanya.
"He trust no one." sabi nya sa akin sabay tapik ng balikat ko.
"So anong ngang dapat gawin ko?" ani ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman ito. Parang mas problemado pa sya kesa sa akin.
"Well, ikaw ang bahala sa diskarte mo. Besides, wala pang nakakapasa sa mga challenges nya, para makuha ang trust nya." sabat ng isang pamilyar na boses. Kaya naman napalingon ako agad sa pinagmumulan nang boses na iyon.
"Alex? Bakit nandito ka?" takang tanong ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin tsaka ginulo yung buhok ko.
"Ikaw naman, bakit ang sungit mo? Napadaan lang ako." sabi nito sa akin.
"Napadaan? Sa pagkakaalam ko walang napapadaan dito sa harap ng bahay ko." sarcastic kong sagot sa kanya. Pero tanging tawa na lamang ang isinagot nito sa akin.
"Masama na bang maglibot ngayon at mapadaan sa harap ng bahay mo, Lui?" sarcastic din nyang sa sagot sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa kanya.
"I'm here to help you, Luigi. Me and Michael, we're going to help you." sabay akbay nito sa akin. Inalis ko naman yung pagkaka-akbay nya sa akin dahil naiirita ako.
"No thanks, I don't need your help or his help." sabay tingin ko kay Michael. Napakunot-noo naman ang dalawa sa sinabi ko.
"Look Luigi, nandito ako para tulungan ka kasi mahal ka ng kapatid ko." sabi ni Michael sa akin sabay lingon kay Alex. Kaya si Alex naman ang nagsalita.
"Boto ako sa love team nyo ni Mikaela kaya nandito ako para tulungan ka." ani naman nito sa akin.
"I appreciate your efforts and concern guys, but no thanks." seryoso kong sabi sa kanila.
"Nahihibang ka na ba, Luigi? Hindi mo kilala si Kuya, you don't even know what he's capable of." babala sa akin ni Michael.
Alam ko namang hindi basta-bastang tao ang kuya nila. Alam ko rin na ayaw nya sa mga kagaya ko. Alam ko rin na ilalayo nya ako kay Miks kahit na anong gawin ko.
"I want him to acknowledge me for who I am. Hindi yung makukumbinsi lang sya dahil sa mga tulong nyo. Alam kong concern lang kayo sa akin, but I want to do this on my own. Paano ko mapapatunayan sa kanya o sa pamilya nyo Michael na worth it ako kay Mikaela, kung makukuha ko lang ang loob ng kuya nyo sa mga tulong nyo. Naiintindihan nyo naman ako di ba?" mahaba kong sabi sa kanila. Nagkatinginan lang sila at ngumiti sa akin sabay tango.
"Naiintindihan namin, Luigi. Do your best, bro." sabi sa akin ni Alex.
"Ikaw ng bahala sa kapatid ko, Luigi." sabi sa akin ni Michael sabay yakap sa akin.
"Mind if I join your little gathering here?" sabi ng isang boses lalaki na hindi pamilyar sa akin.
"Kuya?!" gulat na sabi ni Michael. Kuya? Napalingon ako sa taong iyon at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na kamukha ni Michael.
"Sumama ka sa akin, Luigi. E need to talk." sabi sa akin nang kuya ni Mikaela. Hinila nya ako papasok sa kotse nya. Wala namang nagawa ang dalawa kung hindi ang hayaan ako. Hindi rin naman kasi nila kayang pigilan si...
"I'm Miguel by the way." pakilala nito sa akin habang diretsong nakatingin sa daan.
"Nice to meet you." maikli ko namang sagot sa kanya. Medyo natagalan sya bago nagsalita ulit.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
