Luigi's POV
Magpi-fiesta na sa lugar namin kaya naman medyo abala kami ni papa. Maghahanda kasi kami dahil inimbitahan nya ang kanyang mga katrabaho, minsan lang naman daw ang okasyon na ito kaya sulitin na.
"Anak bakit hindi mo imbitahan na pumunta dito ang mga kaibigan mo?" sabi sa akin ni papa habang ako naman ay abala sa pagsusulat.
Napatingin naman ako sa kanya, nakaupo sya ngayon habang nanonood ng tv. "Ah eh okay lang po ba?" tanong ko naman sa kanya.
Napalingon naman ito sa akin "Ay hindi, hindi. Joke lang yung sinabi ko" asar sa akin ni papa, binatukan pa nya ako bago magsalita ulit.
"Aray naman pa!" angal ko sa kanya habang hinihimas ang aking ulo. Natawa naman sya ng bahagya dahil don. "Oo nga kasi, imbitahan mo na yung mga kamag-aral mo rito tapos magperya pa kayo at manood ng palabas sa gabi kung gusto mo" dagdag na sabi sa akin ni papa.
Napahinto ako sa aking ginagawa tapos ay napatitig sa kanya, ilang sandali pa ang lumipas na nakatitig lang ako sa kanya. "Oh anyare sayo?" takang tanong ni papa sa akin. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya "Wala naman pa, iniisip ko lang kung may lahi ba tayong may pagkamakata ang lalim nyong magsalita kasi" sabi ko sa kanya.
Natawa naman si papa dahil sa sinabi ko "Wala naman anak tsaka yun kasi ang nakasanyan ko. Oh di ba pak ganern!" seryosong sabi naman sa akin ni papa. Natawa naman ko dahil sa sinabi nya.
"Ah okay po Pa, akala ko naman kasi dati kayong makata" dagdag ko pang sabi habang nagkakamot ng aking batok. "Edi Wow!" sabi naman ni papa. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya, aba nang-aasar ata sya.
At tama naman ako dahil nakangiti sa akin si papa ng nakakaloko. "Hay ewan ko sayo Pa!" sabi ko sa kanya tapos ay iniligpit ko na ang aking mga gamit.
Pinagtatawanan naman ako ni papa, alam nya kasing ayokong iniinis ako kapag nag-aaral ako dahil nawawala ako sa focus. Tumayo na ako tapos ay kinuha ang aking gamit.
Naiinis akong lumakad palayo kay papa papunta sa aking kwarto nang tawagin nya ako. "Lui anak may nakalimutan ka" maawtoridad na sabi sa akin ni papa.
Ako naman ay dali-daling lumapit papunta sa kanya. "Po?" tanong ko kay papa na kunwaring naiinis. Ngumiti sya sa akin tapos ay dahan-dahang nagdirty finger sa akin. "Fuck you bitch!" sabi sa akin ni papa. "Argh!" inis na inis kong sabi sa kanya tapos ay ibinagsak ko ang gamit ko sa sofa kung saan sya nakaupo.
Narinig kong tawa pa rin ng tawa ang magaling kong ama sa pang-aasar sa akin.
Pagkapasok ko ng aking kwarto ay ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama tapos ay nagpagulong-gulong ako sa aking higaan.
Napailing na lang ako sa kapilyuhan ni papa, para kasing ewan minura pa ko.
***
"Lui wala ka bang napapansin kay Mikaela?" tanong sa akin ni Angel. Tumingin naman ako kay Miks na ngayon ay abala na nagsusulat sa tabi ko.
Napataas ang kilay ko dahil hindi ko maisip yung pinopoint out ni Angel. "Uhm mas sumusungit sya sa akin these past few days?" patanong kong sabi sa kanya. "Gagi!" sabay batok sa akin ni Angel "matagal ng masungit yang si Miks" dagdag pa nya.
Napabuntong hininga naman si Miks sa tabi ko "Alam nyo kayong dalawa kung pag-uusapan nyo ako hina-hinaan nyo yung boses nyo, daig nyo pa ang may mic eh! Narinig ko na yung lahat ng pinag-uusapan nyo!" medyo inis na sabi ni Miks sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni Angel sabay tawa. Pero hindi ko pa rin maisip kung ano yung pinopoint out nyang kakaiba kay Miks ngayon.
Nakadukdok na lang ako sa desk ko ngayon dahil naglelecture lang naman si Ma'am marahil tinatamad din syang magturo ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/24053592-288-k987128.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomansaSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...