Chapter 2

6.5K 128 5
                                        

Cindy akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba tayo lang para sa isa't isa? Bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwan? May iba ka na bang mahal? Hindi ba sapat yung mga ginagawa ko para sayo?

Nagising akong pawis na pawis. Napaginipan ko na naman sya. Hindi ko pa rin sya makalimutan. Nasa wallet ko pa rin ang litrato naming dalawa ni Cindy. Hindi ko makakalimutan ang babaeng unang nagpatibok at sumira sa aking puso.

Isang taon na rin ang nakalipas ng iwan ako ni Cindy. Ang sabi nya kami para sa isa't isa pero sa huli iniwan din nya ako at sumama sa iba.

Balita ko babalik sya dito sa Pilipinas para mag-aral, kaya naman inalam ko kung saang school sya lilipat para doon din ako mag-aral. At eto ako ngayon, nag-aaral sa isang All Girls School para makitang muli yung babaeng pinakamamahal ko.

Binatukan ako ni mama dahil nakatulala ako at hindi kumakain ng inihanda nyang almusal ko.

Natauhan naman ako kaya agad agad kong inubos ang pagkain ko pagkatapos ay naligo na at baka malate na naman ako.

Pagdating ko sa school ay naupo agad ako sa upuan ko. Hay salamat naman at wala pa yung malditang babae. Ako ang nauna so ibig sabihin ako ang uupo dito sa pwesto na to.

Pamaya maya ay nakita ko yung malditang babae na papasok ng classroom at masama agad ang tingin nya sa akin. Problema nya?

Dahil kasunod lang nya yung prof pumasok hindi na sya nakipagtalo sa akin. Dahil inaantok ako at wala ako sa mood, dumukdok na lang ako sa desk at natulog.

Hindi naman ako kita ng prof dahil nasa bandang likod ako. Nagising na lang ako ng may kumakalabit sa akin.

Pagmulat ko ng mata nasa harapan ko na pala yung prof namin. Narinig ko namang mahinang tumatawa yung malditang babae. Sigurado ako,sya ang nagsumbong sa prof ko.

Wala talagang magawang matino yung babae na yun at pinagtripan pa ako. Dinikitan pa ako ng papel sa likod na may nakasulat na wanted gf.

Isip bata pala to, maganda na sana isip bata nga lang tsk. Tsaka wala nang ginawa kundi makipagaway. Sabi ng mga kaklase ko, sya daw ang prinsesang siga sa school na ito.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal yung papel na dinikit nya sa likod ko.

" Hoy ikaw ba may gawa nito?" sabi ko sa kanya.

" bakit may angal ka ba? Hindi mo ba ko kilala kung sino ako?! " pagtataray nya sa akin.

" oo!! sa susunod wag mong uulitin yun. Oo kilala kita ikaw daw ang BAD ASS PRINCESS ng campus na to" sabi ko naman sa kanya.

" mabuti naman at kilala mo na ako so alam mo na kung saan ka lulugar? "Sabi nya sabay irap.

" wala akong pakialam kahit sino ka pa! Wag mo ng uulitin yung ginawa mo kundi nagkakasubukan tayo! Childish princess! " sabi ko sa kanya sabay balik sa upuan ko.

" what did you just call me?! Childish princess! Baka hindi mo alam kung sinong binabangga mo asshole! " sabi nya sa akin.

Lahat na ng mga kaklase namin nakatingin na sa amin. Yung iba kinakantsawan pa kami na lalong mag away. Keep it cool Luigi. Relax ka lang babae lang yan.

" oo childish princess.Sino ba namang bad ass princess ang mangttrip na magdikit ng papel sa likod ng iba at may nakasulat na wanted gf. Yan ba ang bad ass? Oh come on honey pagging childish yan " sabi ko sa kanya sabi ngiti. Keep it cool Luigi. Easy ka lang. Just talk to her in a nice way.

" You fucking asshole!! Humanda ka sa akin! How dare you to talk to me like that?! Where's your fucking manners ?! " sabi nya na galit na galit na.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon