A/N: Sorry natagalan yung update ko dito. Eto n guys enjoy.
***
Luigi's POV
Matapos ang ilang linggo ay hindi na kami masyadong nag-aaway ni Mikaela na parang aso't pusa, pwera na lang kung inaaya ako ni Angel na sumabay sa kanilang pagkain ng lunch.
"Hoy Luigi! Dyan ako sa pwesto na yan, doon ka sa tabi ni Angel" napakunot naman akong nagtataka sa sinabi nya. "Akala ko kasi tabi kayo eh, dyan ka na lang sa tabi nya andyan ka rin naman eh" sagot ko naman sa kanya.
"Tanga ka ba o hindi ka nakakaintindi ng tagalog, ayoko nga dito dyan ko gusto" Pagmamatigas nyang sabi. Tumayo naman ako at lumipat sa tabi ni Angel.
"Hay nako, hilig mo ring mang-agaw ng pwesto eh no? Ganyan ka ba katerritorial sa isang bagay?" Tanong ko sa kanya. "So sa tingin mo na territorial ako at big deal sa akin kung may katabi ako o wala?" Inis namang sagot nya.
"Hindi ko naman sinabing big deal at saka nagtatanong lang naman ako ng maayos bakit galit na galit ka?" Inis ko ring sabi sa kanya. Hinawakan naman ako ni Angel sa braso na tila pinipigilan akong makipagsagutan kay Mikaela.
"Ano bang pake mo sa gusto ko hah! Wala naman di ba kaya pwede ba kumain ka na lang dyan at manahimik ka!" sabi nya sa akin sabay walkout. Hindi naman sya sinundan ni Angel dahil kilala nya ang ugali ni Mikaela.
Nakwento kasi nya sa akin na ayaw na ayaw nitong kinukulit sya kapag inis o galit.
Nakunsensya naman ako nang dahil kasi sa akin ay hindi na sya nakakain ng lunch.
Napabuntong-hininga ako ng maalala ang nangyari. Hindi naman kami nagkikibuan kapag kasama ko sila ni Angel kumain, tanging si Angel lang ang kausap ko. Paminsan-minsan ay kinakausap din sya ni Angel pero parang wala syang ganang magsalita.
Hindi ko alam kung ayaw nya lang akong kasama o wala sya sa mood o inis pa rin sya ng dahil sa nangyari.
Natapos ang maghapon na klase at tila tahimik pa rin si Mikaela, nag-aalala na ako sa kanya. Pero natatakot naman akong kausapin sya dahil baka magbeast-mode na naman sya.
After class ay dumiretso si Mikaela sa gym, paano ko nalaman? Kasi sinundan ko sya. Kasama nya ang mga teammates nya sa volleyball at nagsimula silang magjogging.
Oo nga pala malapit na ang inter-school at player sya. Nakaupo ako sa bench habang pinapanood syang tumakbo sa gym.
Papaalisin sana ako ng coach nila pero lumapit sya papunta sa amin at sinabing kasama nya ako. Kaya tumango na lang ang kanilang coach. Pero pokerface syang tumingin sa akin.
"Coach bilan ko lang ng tubig at pagkain si Mikaela para mamaya" sabi ko sa kanilang coach. "Haha hindi na, may pagkain at tubig na dadalin ang iba pang staff dito mamaya" tumango na lang ako sa kanya. "Teka kaibigan ka ba ni Mikaela? Kasi kahit si Angel na bestfriend nya ay hindi nya pinapayagang magstay dito kapag may practice, baka naman hmmm" Natatawang sabi ng coach ni Mikaela sa akin. "Ay coach hindi po, nagkakamali po kayo ng iniisip" Sabi ko dito at tumawa rin.
Nakita ko naman na nakatingin sa amin si Mikaela habang tumatakbo na parang nagtatanong kung anong pinag-uusapan namin ni Coach. Nginitian ko sya ngunit iniirapan naman nya ako. Argh! This girl is getting on my nerves. Bakit ba ang sungit nya? Tanong ko pa sa isip ko.
Biglang may dumating na grupo ng mga players at mga staff. Halata kasi base sa suot nilang damit.
Prriittt!
Pito ng kanilang Coach at agad na nagsilapitan ang mga girls sa kanya.
"Alright girls, as you can see nandito ang mga players na taga ibang University, their school is one of the top ten in Volleyball Teams in our country. Gladly, we are able to face them in a practice match because their Coach was my colleague when I was in college. So, have a great match girls" Napanganga naman ang lahat sa hindi inaasahan na practice match nila.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
