Luigi's POV
Pasukan na rin sa wakas, dapat hindi ako excited kasi ibig sabihin lang na maaga na naman akong gigising, mapapagod na naman ako sa school works at higit sa lahat nakakatamad pumasok. Pero excited akong pumasok dahil, makikita ko na rin sa wakas si Mikaela at may dagdag akong baon galing kay papa, yung baon talaga ang nagdala guys haha. Anyways naglalakad na ako papasok sa room, pero kinuha ko muna ang kopya ng schedule ko sa bag para makasiguradong hindi maling room ang papasukan ko.
Nang makasiguro akong ito nga ang room ko ay pumasok na ako. "Aray!" sabi ko naman nang maramdamang may bumangga sa akin. "Paharang-harang ka kasi" sabi ng isang mayabang na babae sa akin na nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman ay humanap na ng pwesto kung saan ako pwedeng maupo, pumili naman ako ng upuan na malayo sa nakabangga sa akin. Ayoko ko kasing makipag-interact sa kanya, parang bully na ewan. "Siga no?" sabi naman ng katabi ko, si Ivee pala. Tumango lang naman ako sa kanya. "Captain kasi ng basketball team" paliwanag naman ni Ivee sa akin, hindi naman ako sumagot sa kanya dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng isang tao na hindi ko naman kakilala.
"Wooh!" Hiyaw ng basketball team nang pumasok sa loob ng classroom sila Mikaela at Angel. Mga papansin na walang magawa, hindi ko naman matingnan si Miks dahil nahihiya ako na ewan sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang hindi ako mapakali kapag alam kong andyan lang sya malapit sa tabi ko. Inalok naman ng mga kaklase ko nang upuan sila Miks pero hindi naman iyon pinansin ni Miks, buti nga haha.
Naupo sa tabi ko si Angel samantalang si Mikaela naman ay nasa bandang kaliwa nya. "Lagot ka" bulong naman sa akin ni Angel, nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit ano na namang ginawa ko? Dumukdok na lang muna ako sa desk ng upuan ko, first day pa lang naman ng school baka wala pang mga prof nyan. Tama naman ako dahil ni isa sa mga prof namin wala man lang pumasok.
Lunch break naman na kaya dumiretso na ako sa canteen ng school kasama sila Mikaela, pansin ko naman kay Miks na parang wala sya sa mood. "Miks?" tawag ko sa kanya, tiningnan nya lang naman ako. "May problema ba?" pag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling naman ito sa akin, para talagang may kakaiba kay Mikaela ngayon, bakit ang tahimik nya ata. "Uhm guys next time na lang ako sasabay sa inyong kumain may kailangan pa kasi akong asikasuhin" sabi ni Angel na nagmamadaling umalis.
Ako ang bumili ng pagkain ni Mikaela dahil para talaga syang hindi okay, dahan-dahan ko namang inilapag iyon sa lamesa. "Kumain ka na" sabi ko sa kanya at saka naupo sa tapat nya "Wala akong ganang kumain" sabi naman ni Mikaela tapos ay malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya, umiling naman ito sa akin.
Hay nako, hindi ako sanay na nakikitang malungkot si Mikaela, mas okay na yung lagi syang galit at masungit kesa naman sa malungkot sya at walang kibo. "Miks tara!" sabi ko kay Mikaela sabay hila sa kanya palabas ng school. Wala naman syang nagawa kundi sumunod na lang sa akin, hindi naman din sya nagrereklamo. Sumakay kami ng jeep, wala pa rin syang kibo, para namang may bumabagabag sa kanya.
Pagkadating namin sa bahay ay naroon si papa, nagmano muna ako sa kanya. "Pa, walang mga prof eh. Dito muna kami ng kaibigan ko sa kwarto movie marathon po kami" sabi ko naman kay papa.
"Dyan ka muna, bibili lang akong pagkain alam kong gutom ka na" sabi ko naman kay Mikaela, pero bago pa ako tuluyang nakalabas ng kwarto ay niyakap nya ako. Bahagya pa akong nagulat dahil sa pagkakayakap nya sa akin, hinawakan ko naman ang kamay nya. Humarap ako sa kanya habang nakayakap pa rin sya sa akin, tapos ay gumanti ako sa kanya ng mahihigpit na yakap. "Namiss kita Miks" sabi ko sa kanya pero ang tahimik nya pa rin.
"Baka pag-initan ka nya" may bahid ng pag-aalala ang tono ng boses ni Miks. Napakunot naman ang noo ko sa aking narinig, pag-initan ako? Nino? "Hah? Pag-iinitan ako nino?" tanong ko kay Miks. Naramdaman ko naman na lalong humigpit ang yakap sa akin ni Mikaela pero hindi nya ako sinagot. "Yun ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan? Wag kang mag-aalala kaya ko ang sarili ko" panigurado ko kay Mikaela para hindi na sya mag-alala sa akin. Dinampian ko naman sya sa kanyang noo ng isang halik at saka ko sya nginitian.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomantikSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
