Mikaela's POV
"Mikaela.." tawag pansin naman sa akin ng isang pamilyar na boses. Napangiti naman ako habang papalapit sya sa akin. Napabisita kasi si Larah sa school namin, hindi ko rin alam kung bakit sya bumisita rito pero ako agad ang kinontak nya pagpunta nya dito. "Oh Fidez bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya habang nakangiti naman ito sa akin. "Ah kaibigan ko kasi si Larah, sinamahan ko lang ilibot sya dito sa campus" sabi nito sa akin. Napatango naman ako sa kanya, nagpaalam na rin ako sa kanila dahil uuwi na rin ako.
Habang naglalakad kami ni Angel ay nakita namin sa labas yung kotse ni Alex na nakapark. Akala ko ba inuwi na nya si Luigi bakit nandito pa rin sya. Hindi ko naman makita kung nasa loob ba ng kotse si Luigi dahil tinted ang kotse ni Alex. Lalapit sana ako papunta sa kinaroroonan ng kotse ni Alex pero may humila sa braso ko. Napakunot naman ang aking noo nang makitang si Ivee ang may gawa no'n. Ano bang problema nito?
"Mikaela wag" pigil sa akin ni Ivee. Nagkatinginan naman kami ni Angel, pareho kaming nagtataka sa kilos ng isang 'to. May alam ba sya na hindi ko alam? "Bakit? Ano bang meron?!" medyo inis na sabi ko kay Ivee. Oo rude, alam ko iyon. Pero ano ba kasing pake nya para pigilan ako. Tsaka isa pa may alam ba sya na hindi ko alam tungkol kay Luigi at Alex. Napansin naman ni Angel na naiinis na ako kaya naman tinapik nya ako aking balikat. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko na lang din pinansin at pinatulan si Ivee.
Ivee's POV
Pinigilan ko si Mikaela dahil alam kong pupunta sya kung nasaan ngayon sila Luigi at Alex. Hindi sya pwedeng pumunta do'n dahil naroon si Luigi at ang ex nya. Nakwento kasi at mapakilala sa akin ni Luigi yung ex nya.
"Luigi, sino 'to?" tanong ko kay Luigi nang makita ko yung laptop nya na ang wallpaper ay isang babae. Nasa bahay nila ako ngayon dahil gumagawa kami ng projects.
"Ah, ex ko yan" walang emosyon nyang sagot sa akin. Nakatingin naman ako sa kanya na busy sa pagbabasa. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa buong paligid.
"Kung may itatanong ka, itanong mo na. Wag mo akong titigan" medyo pabirong sabi nito sa akin. Ayoko sanang magtanong dahil private life nya yun, pero dahil wala namang kaso sa kanya ay nagtanong na ako.
"Ah eh haha, ikwento mo na lang sa akin. Hindi ko alam yung itatanong ko eh" sabi ko naman sa kanya. Hindi ko kasi alam anong katanungan ang uunahin ko. Kaya bahala na syang magkwento.
"Uhmm..." tila nag-iisip na sabi nito tapos ay sumandal sya sa upuan at tinanggal ang suot nyang salamin.
"Si Kendall yan, ex ko yun lang." maikling sabi nito sa akin tapos ay tumawa sya at bumalik na sa pagbabasa. Argh! Bwisit na 'to, inaasar ata ako.
"Eh ano nga kasi?" pangungulit ko sa kanya.
"Sabihin na lang natin na niloko nya ako noon kasi gago sya dati, kaya kami nagbreak" sabi nito sa akin na ikinagulat ko naman. Hindi ko naman malaman kung anong sasabihin ko.
"Weh totoo ba?" curious kong tanong kay Luigi. Bumaling ito paharap sa akin tapos ay ngumiti ng pilit.
"Joke lang, ako yung nagloko sa'min" ani nito na mas ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Luigi yun kasi mukhang matino naman sya at mabait.
"Totoo ba? Seryoso? Pwera biro?" sunod-sunod kong tanong sa kanya na tinanguan naman nya. Hindi naman ako makapaniwala dahil dun.
"Eh bakit mo naman nagawa yun?" tanong ko kay Luigi. Napabuntong-hininga sya.
"Gago nga ako noon tapos nung naghiwalay kami nun ko lang narealize kung gaano ko sya kamahal at kung gaano sya kahalaga sa akin. Kaso huli na nung ang lahat, may iba na sya" medyo malungkot nyang sabi sa akin. Lumapit naman ako sa kanya tapos ay tinapik ang kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomansaSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
