Chapter 7

5.2K 114 1
                                        

Luigi's POV

Monday ngayon at simula na ng foundation week. Open din yung school namin para sa mga ibang students na taga ibang school. Sa Wednesday yung play nila Mikaela at sa Friday naman ang inaabangan ng lahat na Bonfire Dance Night. Kung saan exclusive yun sa buong student ng school namin, may malaking bonfire sa gitna ng field at may music.

Formal attire yun dapat mga nakagown ang girls, pero ang mga lesbian naman ay pwedeng magtuxedo kung gusto nila. Tradition na yung ganung event sa school namin. Ganoon daw kasi nagkakilala ang founder ng school namin kaya may ganoong event sa tuwing foundation week.

May fireworks display pa sa midnight after ng party. Tapos sa ibang araw naman ay may mga games na inihanda ang student council namin. May live band mamayang gabi.

Nandito naman ako sa room namin, abala pa rin silang lahat sa play na gagawin nila Mikaela. Ang iba ay nagpapractice pa rin ng kanilang mga script, samantalang ang iba naman ay isinusukat yung costume nila.

Si Mikaela naman ay nakaupo lang sa isang tabi na parang may malalim na iniisip. Lalapit sana ako sa kanya pero kumapit sa braso ko si Ivee at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya "Yes? What can I do for you?" sabi ko pa. Hinila naman nya ako palabas ng room kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanya.

Naglalakad kami ngayon sa campus pero itong si Ivee nakakapit pa rin sa braso ko, naiilang tuloy ako dahil doon. Pinagtitinginan din kasi kami ng mga ibang students hindi ko naman alam kung bakit.

"Try natin yung cafe booth sa section ng bestfriend ko hah, baka kasi magtampo yun kapag hindi ako pumunta" sabi ni Ivee, tumango naman ako sa kanya at ngumiti. "Sabi nya kasi magsama ako ng kahit na sino, eh okay lang naman sayo di ba?" sabi pa ni Ivee habang nakayuko na parang nahihiya.

"Haha okay lang yun basta libre mo ko" biro ko sa kanya. Hinampas nya ako sa braso ko. "Hmp! Kuripot talaga" sabi nya sa akin at natawa naman kami pareho.

Pagkadating namin sa place kung saan yung cafe ay pinaupo na agad kami sa upuan ng mga students doon. Inilibot ko yung mata ko sa paligid. Maaliwalas naman yung ambiance dito sa cafe booth nila at mababait din ang mga students. Kinuha na nila iyong order namin.

Maya-maya ay dumating na yung order namin, pero parang pamilyar sa akin yung babaeng nagbigay ng order namin. "Ikaw?!" sabay pa naming sabi. Si Ivee naman ay nakatingin lang sa amin na wari mo naguguluhan sa nangyari. Palipat-lipat naman ang tingin nya sa aming dalawa.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ivee sa amin. "Oo" "Hindi" sabay pa naming sabi habang ako nakangiti at sya nakasimangot. Pinandilatan naman nya ako ng mata, pero ngumiti lang ulit ako. Hinila naman nya si Ivee at nag-usap silang dalawa habang nakatingin sa akin.

Okay ako ang topic nilang magbestfriend, pero sino pa bang masungit na bestfriend ni Ivee edi yung miss nerd na nagsungit sa akin last week yung nabangga ko, na nagsorry na ako sya pa ang galit. Parang si Mikaeala sobrang sungit, eto na naman Mikaela na naman.

Lumapit na sila at naupo sa tabi ko si Ivee, habang si miss nerd naman ay naupo sa tapat namin ni Ivee, na masama pa rin ang tingin sa akin. Seriously, ano bang nagawa ko at lahat na lang sinusungitan ako. Di ko talaga maintindihan minsan mga utak ng mga babae though babae rin ako.

"Claire" maikli nyang pakilala sa sarili nya at inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko naman ito, pero bago pa ako makapagpakilala ay inunahan nya ako sa aking pagsasalita. "Luigi right? Yep I know, lagi kang nwudieneie" hindi ko naintindihan sinasabi nya dahil sinubuan sya ng cupcake ni Ivee sa bibig.

Kumain na kami ni Ivee, saglit lang nakipagkwentuhan si Claire sa amin, tinawag na kasi sya ng class president ata nila. Kaya umalis na rin ito, si Ivee naman ay nagkukwento lang kung paano sila nagkakilala ni Claire at kung ano ano pa.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon