Luigi's POV
Nasa harap ako ng computer ngayon, tambak na naman kami ng projects. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagta-type nitong mga 'to, sa pagkakaalam ko kasi group project ito pero parang ako lang ang may pakialam at may gustong gumawa ng project namin. Nakakainis naman yung mga kagrupo ko, mabuti na lang talaga at kahit papano ay kasama ko sa grupo si Ivee kung hindi, ay ewan ko na lang talaga.
"Hay!" bulalas ko habang hinihilot ko ang sintido ko, medyo napapagod na yung mata ko sa kakatitig sa computer.
"Oh magmiryenda muna tayo" sabi ni Ivee na nagbabasa ng presentation namin, inilapag nya ang binabasa nya sa table kung saan ako nagta-type.
Nandito nga pala sya sa bahay namin dahil minamadali na naming tapusin yung presentation, next week pa naman ito kaso lang sabi ko sa kanya na tapusin na namin para wala na kaming iniintindi. Pumayag naman sya kaya ito kami ngayon nai-stress sa kakagawa.
"Tara magkwek-kwek tayo dyan sa may kanto namin" sabi ko kay Ivee, kumuha naman ako ng pera sa aking wallet at saka kami lumabas.
Habang naglalakad kami ay hindi mapalagay si Ivee, napansin ko kasing tingin sya ng tingin sa akin.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya. "Pansin ko lang, bakit parang hindi kayo nagpapansinan ni Mikaela" napansin din pala ni Ivee yung kakaibang kilos ni Mikaela nitong mga nakaraang araw.
"Ah yun ba? May red alert ata, parang laging wala sa mood eh" sabi ko na lang kahit sa totoo ay hindi ko rin talaga alam kung bakit kakaiba ang kilos ni Mikaela nitong mga nakaraang araw.
Habang naglalakad kami ni Ivee papunta sa kwek-kwekan ay tahimik lang naman kaming dalawa.
"Anong sayo?" tanong ko sa aking kaibigan habang bumibili kami. Hindi naman sya kumibo at tumusok na lang sya ng fish ball para kumain. Marahil gutom na rin sya, ilang oras na rin kasi kaming gumagawa ng bwisit na group project na yun.
"Lui, anong tawag sa uod na nasa gitna ng kalsada?" biglang tanong sa akin ni Ivee, napakunot naman ang aking noo sa sinabi nya. Ano nga ba? "Hmm, hindi ko alam" sagot ko sa kanya, kahit anong isip ko kasi ay ayaw gumana ng brain cells ko.
"Edi, uod ng tapang" natatawa sya sa sarili nyang joke. Baliw din kasi 'tong si Ivee. "Korni mo, kumain ka na nga lang dyan, gutom lang yan." sabi ko naman sa kanya. Hinampas naman ako nang aking kaibigan dahil dun.
"Ay tipaklong na gumulong!" nasamid pa si Ivee nang nagulat sya. Paano ba naman kasi may sasakyan na sa tapat pa mismo namin bumusina. Hindi naman ako magugulatin pero nabinggi naman ako sa busina ng sasakyan.
"Enjoying your date?" sabi ni Alex nang ibinaba nya ang salamin ng kotse nya. "Kupal, basag na eardrums ko sa ingay ng busina ng sasakyan mo, bwisit ka" tawa lang naman ang sagot nya sa akin.
"Lui, Ivee next week may pool party sa bahay. Birthday ko kasi, invited kayo" sabi ni Alex, sasagot na sana ako pero hindi pa ako nakakapagsalita sumabat na sya. "I don't take no for an answer" sabi ni Alex, sabay pinaharurot ang kotse nya. Walangya talaga yun, amoy usok na tuloy kami ni Ivee.
"Itatanong ko lang naman kung anong dapat isuot, tsk!" sabi ko kay Ivee. "Pool party nga Luigi, hindi ka ba nakikinig. Use your coconut, yung ulo hindi lang yan sabitan lang ng sumbrero, ginagamit yan" naiiling na lang ako sa pagiging sarcastic ng isang 'to.
"Oh ano?" sabi ni Ivee habang nakataas ang kanyang kilay. Tsk! Iyan na lang ang nasabi ko sa isip ko, masungit din kasi si Ivee minsan. Mabait sya na masungit, ewan ko ba nature na ata ng mga babae ang pagiging masungit. Pero si Mikaela, hobby nya ata ang magsungit. Hay, Mikaela na naman. "Luigi, baka gusto mong magbayad na kay manong" napakamot naman ako sa aking ulo. Ay oo nga hindi pa pala ako bayad sa kinain ko.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomansaSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
