Chapter 23

3.6K 78 2
                                        

Mikaela's POV

Nagising ako na nakayakap sa akin si Luigi. Kaya naman dahan-dahan akong tumayo para hindi sya magising. Bahagya itong gumalaw kaya naman akala ko ay magigising ito pero mabuti na lamang at hindi. Kung makayakap naman sya sa akin akala mo wala syang ginawang kalandian kagabi.

Nag-ayos ako ng aking sarili tapos ay lumabas na ako ng kwarto namin. Nasa lounge na rin ng hotel sila Angel at Larah. Tulog pa siguro yung iba, anong oras na nga ba kami natulog? Hindi ko na matandaan. Sumasakit pa yung ulo ko dahil sa hangover.

"Good morning guys" bati ko sa kanilang dalawa. Binati rin naman nila ako pabalik. Naupo ako sa upuan at tumabi sa kanila.

"Oh kamusta naman ang tulog mo?" Tanong sa akin ni Angel na nakangiti ng abot tenga. Anong meron sa kaibigan kong 'to? Bakit parang ang ganda ng gising nya.

"Okay naman, bakit?" Sagot ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang dalawa at saka sabay silang tumingin sa akin. Napakunot-noo naman tuloy ako dahil sa kaweirduhan nilang dalawa.

"OMG! Don't tell me hindi mo matandaan yung nangyari kagabi?" Tanong sa akin ni Angel, sa pangalawang pagkakataon napakunot-noo na naman ako.

"Bakit ano bang nangyari kagabi?" Takang tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan naman sila na animo nag-uusap sa mga tinginan nila.

"May nangyari ba kagabi?" Tanong ko ulit sa kanila. Hindi naman sila sumasagot sa tanong ko. Kaya naman mas lalo akong nacurious sa nangyari kagabi. May ginawa ba akong nakakahiya?

"Ah eh..." Napakamot ng ulo si Angel na tila nag-aalangan kung sasabihin ba nya sa akin o hindi.

"Hindi mo naaalala kung paano mo hinalikan si Luigi kagabi, Mikaela. How bold of you, I didn't expect that you would do such thing as that." Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Alex na todo smile pa sa akin.

"I did what?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Alex, malamang pinagtitripan lang ako nito.

"You kissed Luigi in front of us last night." Sabi ni Alex at tumabi kay Larah.

I was speechless for a moment then I tried to remember what happened last night. Pero wala akong maalala kagabi kung hindi yung paglalandi ni Luigi kay Maricris na yun. Napasabunot ako sa sarili ko dahil naiinis ako kapag naaalala ko yung bagay na yun.

"Oh boy, someone lost her memories. Maybe you enjoyed that french kiss with Luigi." Pang-aasar sa akin ni Alex.

"Tigilan mo ako Alex, bakit ko naman hahalikan si Luigi?" Sagot ko sa kanya. Napasmirk naman sya sa akin.

"Alam mo Mikaela, iyan nga rin ang iniisip naming lahat. Bakit mo hinalikan si Luigi samantalang dapat sa laro natin kagabi si Fidez ang hahalikan mo." Sabi pa ni Alex.

"What?! Anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong ko kay Alex. Tumayo naman ito tapos ay lumakad na palayo sa amin.

"Oh its nothing Miks, wag mo ng masyadong alalahanin yun, lasing ka lang kagabi." Dagdag na sabi pa nito sa akin.

Napatingin naman ako sa dalawa na patay malisya sa pinagsasasabi ni Alex kanina. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hinalikan ko nga ba talaga si Luigi kagabi? Hay naku! Lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Hinihintay naman naming magising ang lahat para sabay-sabay na kaming mag-agahan. Ilang sandali lang ay isa-isa na silang nagdatingan dito sa lounge ng hotel. Si Luigi na lang ang kulang, hindi ko naman malaman kung bakit late na ay hindi pa rin sya nagigising. Samantalang si Alex ay hindi namin alam kung saan napadpad dahil umalis sya kanina.

"Miks, puntahan mo nga si Luigi sa kwarto nyo. Nagugutom na ako kanina pa." Maktol sa akin ni Angel. Kahit na ayoko ay wala na akong nagawa kung hindi ang sundin ang kaibigan ko dahil pansin ko sa mga kasamahan ko na nagugutom na rin sila.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon