Luigi's POV
Pangalawang araw na namin dito, maaga akong gumising ngayon dahil tutulong sana akong magluto ng breakfast nila Mikaela, pero kaya na daw nila kaya heto ako ngayon nagjojogging. Alas-cinco pa naman kaya naisipan kong magbanat ng katawan, matagal-tagal na rin noong huli akong nagtraining para sa volleyball tournament.
Nakakamiss din pa lang maglaro kaya mabuti nalang pala at isinama ako ni Coach Steven dito. Matapos kong magjogging ay dumiretso ako sa gym para magwarm-up. Dahil nga six pa ang start ng training nila ako lang ngayon ang nasa loob ng gym. Nagwarm-up ako ilang sandali tapos ay kinuha ko ang bola na nakatabi sa gilid.
Pumunta ako sa pinakadulo ng court, pinapatalbog ko pa ang bola habang naaalala ang dating mga laro ko. Huminga muna ako ng malalim tapos ay inihagis ko ang bola pataas sa ere. Bahagya pa akong umatras upang bumwelo sa aking pagtakbo, tumakbo ako nang mabilis at tumalon. Nakahanda na akong ispike ang bola pero nakarinig ako ng yabag ng paa na pumasok sa gym. Kaya naman sinalo ko na lang ito habang napatingin sa taong pumasok.
"Bakit hindi mo inispike yun?" Tanong sa akin ni Aria habang nakacross-arms na nakasandal sa pinto. "Wala lang" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa aking relo, five-fortyfive pa lang naman. Lumapit ako kay Aria at inihagis sa kanya ang bola na nasalo naman nya. "Your turn" sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako pero hinila nya ako papunta sa gilid ng gym.
Naupo kami sa sahig at sumadal sa pader ng gym habang sya naman ay pinapa-ikot ang bola sa kanyang daliri. "Stay with me for a while" sabi ni Aria sa akin, hindi naman na ako nagsalita. "Can I?" tanong nya sa akin habang nakaturo sa aking balikat, tumango naman ako sa kanya. Ipinatong naman nya ang kanyang ulo sa aking balikat.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, tahimik lang kaming nakaupo. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang magsisimula ng conversation o hindi. "Player ka dati di ba?" panimula ni Aria, tumango-tango lang ako. "Bakit napa-wow ka pa sa pagspike ko kahapon, eh halata namang sanay kang makakita ng ganung klase ng spike" sabi ni Aria, hindi ko naman maisip kung ano bang pinopoint nya sa akin.
"Naamazed lang ako kung paano mo inispike yung bola, ang perfect kasi ng timing" sabi ko kay Aria. Tumahimik naman sya feeling ko ang awkward. "T..thanks" mahinang sabi ni Aria habang nauutal "Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko sa kanya. "Wala naman, ikaw lang kasi yung unang tao na nagcompliment sa akin" sagot nya sa akin. "Ah ganun ba? Hehe" sabi ko naman kay Aria habang bahagyang natawa.
Nakita ko naman si Mikaela na naglalakad papasok ng gym, pero nang makita nya kami ni Aria ay napahinto sya at umalis na lang. Susundan ko sana si Miks pero parang nakatulog na ata si Aria sa balikat ko dahil nakapikit sya. Hinayaan ko na lang muna sya sa ganoong posisyon, isinandal ko rin ang ulo ko sa kanya para matulog sandali.
Nagising na lang kami ni Aria sa pito ng Coach na nasa loob ng gym, magsstart na pala ang unang laro. Apat na teams ang andito ngayon at naglalaro ang ibang apat na teams sa kabilang gym. Dalawa ang court sa loob ng gym na ito, nandito naman sila Mikaela na masama ang tingin sa akin.
Tumayo na si Aria para pumunta sa kabilang gym dahil andoon ang team nya, ako naman ay pumunta sa bench kung saan nakaupo si Coach Steven. Naglalaro si Miks, pero parang wala sya sa kanyang sarili. Pinasubstitute muna sya ni Coach dahil parang hindi maayos ang laro nya. Naupo sya sa tabi ko, inabot ko sa kanya ang kanyang towel pero iniirapan nya lang ako. Umalis si Coach hindi ko naman kung saan sya pumunta.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Mikaela "Tsk!" yan lang ang sagot nya sa akin. Tumayo ako para pumunta sa harapan nya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Nakatitig naman ako sa kanya at ganoon din sya sa akin. "Ayos ka lang ba?" ulit ko pang tanong sa kanya pero hindi nya ako sinasagot sa mga tanong ko. Kaya naman inilapat ko ang noo ko sa noo nya para tingnan kung nilalagnat ba sya.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
