Chapter 22

3.7K 71 1
                                        

Luigi's POV

Hindi ko alam kung anong naisipan ni Larah ngayon at pabigla-bigla na lang syang nagdesisyon na mag-outing kami. Sagot na daw nya yung sasakyan pero kanya-kanya kami ng bayad sa entrance at sa room ng hotel. Hindi na sana ako sasama pero dahil long weekend at ako ang naatasang magbantay kay Mikaela ay wala na akong nagawa. Hindi ko alam kung bakit ganoon yung best friend ko, bakit kailangan ako pa ang magbantay sa babaeng naknakan ng sungit na yun. Nag-aayos ako ng gamit nang may bumusina sa labas ng bahay, nandyan na siguro sila.

"Nak, nandyan na sa labas yung mga kasama mo." ani ni papa, tumango naman ako sa kanya.

Lumabas na rin agad si papa sa kwarto ko. May narinig naman ako na boses ng dalawang babae na mag-uusap sa labas. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko naman si Angel na nakaupo sa sofa namin na parang may iniintay.

"Nakic.r kami, naiihi na kami ni Miks eh." Sabi ni Angel na tinanguan ko naman, nang makalabas si Mikaela sa c.r ay agad namang pumasok si Angel sa banyo. Naupo si Mikaela sa sofa habang hawak ang kanyang cellphone at dutdot nang dutdot dun. Lalabas na sana ako para ilagay ang gamit ko sa likod ng van pero hinila ni Mikaela yung damit ko kaya naman napalingon ako sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko sa akin.

"Walangya ka Mikaela hindi punasan ng basang kamay yung damit ko." Sabi ko sa kanya. Tatawa-tawa naman si Mikaela.

"Hoy kayong dalawa mamaya na kayo magmoment, dun na lang sa beach mas romantic dun. Wag dito ang baduy nyo tsaka mahiya kayo kay Tito." Asar sa amin ni Angel. Napatingin naman kami pareho ni Mikaela kay papa na nakangiti lang sa aming dalawa.

Nang mailagay ko ang gamit ko sa likod ay sumakay na ako sa sasakyan. Habang nasa daan kami ay nagtatanong sa akin yung driver kung paano pumunta sa bahay nila Ivee. Nakapunta na kasi ako kila Ivee, matandain naman ako sa lugar kaya ako nang nagturo sa driver namin kung paano.

Nang makarating kami kila Ivee ay agad naman itong lumabas sa bahay nila. Sya na lang kasi ang kulang sa amin. Sa akin tumabi si Ivee tapos ay nasa kanan ko naman si Mikaela. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa outing na 'to. Ewan ko ba bakit ganoon, kagabi kasi pakiramdam ko may mangyayaring kung ano. Pero hindi ko na lang masyadong iniisip. Kung magandang kutob ba 'to o hindi.

Nagising ako dahil sa pagbukas ng pintuan ng van na sinasakyan namin. Narito na pala kami sa beach resort, hindi ko na alam kung gaano katagal yung byahe namin. Sa hindi ko malaman na dahilan pakiramdam ko ang sakit at ang bigat ng balikat ko. Pagtingin ko sa magkabilang balikat ko nakasandal sa akin sina Mikaela at Ivee. Bumulong ako kay Mikaela.

"Wake up princess we're already here." Malambing kong sabi dito. Unti-unti namang namulat ang kanyang mata at biglang nanlaki nang napagtanto nyang nakatingin ako sa kanya habang nakangiti.

"Ah eh.. nandito na pala tayo?" Natatarantang sabi nito sa akin habang nakayuko. Nahihiya siguro sya sa akin dahil sa itsura nyang bagong gising.

"Oo nandito na tayo, Miks. Kaya pwede tama na yung landian nyo dyan ni Luigi at bumaba na tayo sa sasakyan ang init dito at tayo na lang natitira dito." Pagtataray ni Angel kay Mikaela.

"O bakit ako ang sinasabihan mo ng malandi hindi yang si Ivee at Luigi na akala mo magjowa dito." Inis na sagot naman ni Mikaela at saka ako inirapan. Ano na naman bang problema ng babaeng 'to? Dahil sa ingay nila ay nagising na rin si Ivee. Kaya naman nagtungo na kami sa tutuluyan naming hotel. Naroon naman na sila Larah na parang wala sa mood.

"May problema ba Larah?" Tanong ni Mikaela dito, napakibit-balikat naman si Larah na tila inis na inis.

"Paano naman kasi nagpareserve ako ng pang-barkada na room para sa atin pero hindi raw na reserve, ngayon may dalawang room na apat ang kasya tas may double size bed na dalawang tao ang kasya. Eh iyon lang ang pwede nating makuha na rooms wala na kasing available na iba." Mahabang paliwanag ni Larah sa amin. Tumango-tango naman ako sa sinasabi nya. Hanggang sa wala na akong naiintindihan dahil namangha ako sa ganda ng paligid.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon