Chapter 16

4.1K 72 1
                                    

Luigi's POV

Nag-aayos ako nang gamit ngayon dahil papunta na raw sila Angel at Mikaela. Si papa naman ay nagrent ng videoke tapos ay bumili pa ng isang case ng alak para sa inuman nila mamaya ng mga katrabaho nya.

"We're on our way" text sa akin ni Angel. Mga ala-sais na ng gabi, dito nila balak maghapunan. Hindi ko lang sigurado kung mag-oovernight ba sila dito.

Naligo na muna ako sandali, habang wala pa sila. Ang aking bunsong kapatid naman ay nasa sala naglalaro habang nanonood ng tv.

"Bunso, kapag dumating yung mga kaibigan ko sabihin mo naliligo lang ako sandali hah" bilin ko sa aking bunsong kapatid, tumango lang naman ito sa akin at nagpatuloy sa kanyang panonood.

Habang naliligo ako ay hindi ko mapigilang mag-isip.

"Maupo ka muna" sabi ng lalaki pagkarating namin sa bahay nila Mikaela.

Si Mikaela naman ay magtuloy sa kanyang kwarto para magbihis ng pambahay. Tumingin pa ang lalaki kay Mikaela na papasok sa kanyang silid. Nang makasigurado ang lalaki na nasa kanyang kwarto na si Mikaela ay tumabi ito sa akin at naupo.

Ako naman ay hindi mapalagay kung ano ba ang kailangan ng lalaking 'to sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit nya ako pinapalayo kay Mikaela.

"Ano mo ba si Mikaela?" pormal na tanong ng lalaki sa akin. Ni hindi man lang ba sya magpapakilala sa akin, diretso tanong agad.

Nakatahimik lang ako na wari mo nangangapa ng sasabihin.

"Kaibigan ka ba ni baby girl?" tanong pa ulit ng lalaki sa akin.

"Ah eh opo" magalang kong sagot sa kanya, dahil kung tatantsahin ko ang edad nito wari sa kanyang itsura ay sigurado kong mas matanda ito sa akin ng ilang taon.

Tumingin naman sya sa akin na may halong pagduda, hindi ata sya kumbimsido sa aking sinabi.

"May balak ka bang ligawan sya?" sabi ng lalaki habang hinihimas-himas ang kanyang baba.

"Ho?" patanong kong sagot sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan ang ganung klaseng tanong mula sa kanya. Kung may contest lang siguro sa pagiging prangka marahil panalo na sya.

Si Mikaela liligawan ko? Ni hindi nga ako marunong manligaw, paano ko liligawan si Mikaela.

"Ang sabi ko may balak ka bang..." hindi na naituloy ng lalaki ang kanyang tanong sa akin dahil biglang lumabas si Mikaela sa kanyang kwarto.

Mabuti na lang lumabas si Mikaela sa kanyang kwarto dahil kung nagkataon hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang ang hirap pa naman kumbinsihin ng lalaki, sa mga tingin nya palang sa akin halata na ang kanyang pagdududa.

Tok! Tok! Tok!

Katok sa pintuan ng banyo kung saan ako naliligo. "May tao" sabi ko naman sa kumakatok, baka kasi yung katrabaho iyon ni papa.

"Ay tao ka pala akala ko kasi.." hindi na natuloy ni Angel ang sasabihin nya dahil hindi ko na sya pinatapos. "Akala mo ano?" kunwaring inis kong sabi kay Angel.

Habang nagbibihis naman ako ay naririnig ko silang nagtatawanan pati na ang aking kapatid. Pinagtitripan na naman nila ako, hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako ang binubully.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

"Hoy gutom na kami ni Mikaela pakainin mo na kami" utos sa akin ni Angel, ito talagang isang 'to kung makautos minsan akala mo reyna. "May pagkain sa lamesa bakit hindi ka kumuha?" pabalang kong sagot sa kanya. "Hoy babae for your information pwet mong may lotion pag nainfection congratulations! Bisita mo po kami hah, kaya matuto kang pagsilbihan kami" sabi ni Angel at namewang pa sa harap ko.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon