Chapter 1

13.8K 227 2
                                        

" Hoy wag mo akong talikuran kapag kinakausap kita! " Nanggagalaiting sabi ng malditang babae.

Dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin nya umalis na ako. Nagsorry naman kasi ako dahil nabangga ko sya kanina. Tsaka hindi ko naman sinasadya.

Akala mo naman kung sinong dyosa kung makapagsalita sa akin. Nilayasan ko na lang para manahimik na.

Naglalakad ako sa campus para hanapin yung room ko. Bakit naman ba kasi ang laki laki ng school na ito? Hindi ko tuloy alam kung saan hahanapin yung room ko.

Nagtanong tanong na lang ako. Nagmamadali naman akong pumunta sa room ko dahil late na ako ng 15 minutes. Hay unang araw ng pasukan late agad ako.

Pagdating ko sa classroom isa isang nagpapakilala yung mga kaklase ko. Kinausap ko yung prof ko at dahil transferee ako pinagbigyan nya ako.

Nagpakilala ako sa harapan. " Hello I'm Luigi Perez, nice to meet you all " sabay ngiti sa mga kaklase ko.

Pabalik na ako ng upuan ko ng biglang may pumasok na mga grupo ng babae.

Naupo na ako dahil hindi ko rin naman sila kilala. Isa isang nagpakilala yung mga babae at sa isa pang pagkakataon may isang babae ulit na pumasok sa classroom namin.

Oh come on bakit sa dinami dami ng pwedeng maging kaklase ko itong maldita pang nabangga ko kanina.

Nagpakilala sya sa harapan, matapos nun ay unti unti syang lumalapit papunta sa kinauupuan ko.

" Hey Lesbian that's my place " sabi nya sa akin sabay irap.

Nagsuot naman ako ng headset kunwari wala akong narinig. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

" Sabi ko pwesto ko yan! " medyo galit yung tono ng malditang babae na ito.

" excuse me? Ako ang nauna so ibig sabihin pwesto ko ito " sabi ko sa kanya.

" pwesto ko to sa ayaw at sa ayaw mo, kaya alis! " nagtinginan na yung mga kaklase namin. Saktong wala naman yung prof namin dahil umalis.

" ako nauna kaya sa iba ka na lang maupo " pagmamatigas ko.

Ako naman talaga ang nauna so bakit ako ang aalis? Tsaka bastos pala to, nakitang nakaupo ako papaalisin pa ako.

Sinamaan nya ako ng tingin. Tiningnan ko rin sya ng masama.

" Dont give me that look or else! " sabi nya sa akin.

" Haha ok fine whatever. Pero di pa rin ko aalis dito humanap ka ng ibang pwesto mo " sabi ko naman.

Akmang sasampalin nya ako pero buti na lang dumating na yung prof namin. Kaya naman umalis na sya sa harapan ko at nagdadabog na umupo sa ibang upuan.

" You got some guts to do that, I like it by the way I'm Angel " sabi ng magandang babae na katabi ko.

" Haha actually kinakabahan nga ako, mukhang mangangain kasi yung babae na yun. I'm Luigi pleasure to meet you Angel " sabi ko naman.

Angel's POV

" hoy babae maawa ka naman sa pagkain mo tingnan mo mukhang binagyo ng dalawang taon " sabi ko kay Mikaela.

" Pano naman kasi nakakainis yung lesbiana na yun, una binangga nya ako tapos ang bastos pa kinakausap ko pa tinalikuran ako at lumayas na lang?! Pangalawa pwesto ko yung upuan na yun tapos ako pa ang napaalis?! Nakakainis talaga, humanda sya sa akin! " sabi ni Mikaela.

" Easy lang bestfriend, balita ko transferee sya kaya wala syang kaalam alam na ikaw ang Bad Ass Princess sa campus na to kaya pagbigyan  mo na " sabi ko sa kanya para huminahon sya.

" No! Wala akong pakialam kahit transferee pa sya. Alam nya dapat ang lugar nya lalo na't bagong salta sya sa school na to. " Sabi naman ni Mikaela habang dinudurog durog pa rin yung pagkain nya.

" Ok whatever best! Basta ang masasabi ko lang nakahanap ka na ng katapat mo Bad Ass Princess " sabi ko sa kanya sabay tawa. Inirapan naman nya ako.

Pero ang weird ni Luigi hindi man lang sya natakot kay Mikaela, eh kahit nga yung prof tiklop kapag sya yung nagsalita.

Anyways mukhang hindi naman masamang tao si Luigi gusto ko syang maging kaibigan. Kaso itong si Mikaela ang init ng dugo kay Luigi baka mamaya kapag naging kaibigan ko si Luigi bigla bigla nagsasapakan na sila sa harap ko.

Hay nako naman, cute pa naman sya. Hmm bagay sila ni Mikaela pero magkalayo ang personality nila. Pero di ba opposite attracts, ano kayang kung...

" Hoy babae tama na ang pagdeday dream halika na bumalik na tayo sa classroom at may klase pa tayo " Sabi sa akin ni Mikaela.

Naglakad na kami pabalik ng classroom. As usual ang daming nagpapapicture sa amin. Lalo ka kay Mikaela, ewan ko ba at ang daming patay na patay sa bestfriend ko kahit sobrang maldita.

Mikaela's POV

Pagbalik namin sa classroom wala pa yung lesbiana kong kaklase, kaya naman naupo na ko sa upuan nya. Este dito naman pala talaga ang pwesto ko kaya bahala sya kung saan sya mauupo. Sabi nya sya yung nauna kanina ako naman ang nauna ngayon kaya bahala sya.

Naglalaro ako sa cellphone ko nang makita ko syang dumating. Sige subukan mo akong awayin mapapahiya ka ngayon sa akin.

Pero nagkamali ako dahil naupo lang sya sa ibang bakanteng upuan. Good choice litte brat.

Siguro napagsabihan sya ng ibang kaklase namin kung sino ako sa campus na ito haha.

Natapos ang klase namin maghapon, nakakapagod dahil wala ng ibang ginawa kundi magpakilala sa harapan.

Pauwi na ako ng may grupo ng mga babae na humarang sa daan ko.

" Opps saan ka pupunta Ms Bad Ass Princess?! " sabi ng isa sa mga panget na babae.

" Uuwi na kaya tumabi ka kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo! " sabi ko naman sa kanila.

Akmang sasapukin nila ako nang bigla may nagsalita mula sa likod ko.

" excuse me girls, pwede pa padaan naman ako. Nakaharang kayo sa daanan ko " sabi nung lesbiana kong kaklase.

" tsk bakit kami tatabi?! Sino ka para utusan kami?! Wag mong sabihing nandito ka para iligtas itong malditang babae na ito? " sigaw nung mukhang hipon na babae.

" Ang sabi ko makikiraan ako kasi nakaharang kayo sa daan ko. At tsaka uuwi na ako kaya pwede ba wag nyo na akong idamay sa gulo nyo. " sabi naman ng lesbiana na ito.

Tsk ang yabang nya, akala mo kung sino sya bagong salta lang naman. Akala nya siguro cool syang tingnan sa ginagawa nya.

" Sige na dumaan ka na nga istorbo ka! " sabi ni hipon girl.

" Ok thanks! " sabi nya sabay naglakad paalis.

" Hoy ikaw malditang babae wala ka ng kawala ngayon! Wala ka ng mga lesbiana na savior ngayon kaya magdasal ka na hahahaha " sabi ulit ni hipon girl.

Sasapukin na nya ako pero pinigilan sya ng mga grupo ko pati yung ibang kasamahan nya. Akala nya siguro ganun ganun nya lang ako masasaktan.

" Hoy babae ayoko ng makita yang pagmumukha mo kung ayaw mong masakatan tumigil ka sa ginagawa mo! " sabi ko sa kanya sabay sampal.

Akala mo kung sino sya, hindi naman maganda. Gusto lang magpasikat sa campus na to.

Ako pala si Mikaela Santos ang Bad Ass Princess sa campus na ito. Walang ibang pwedeng kumontra at tumaliwas sa gusto ko. Walang ibang kumakalaban sa akin. Pero nagbago ang lahat ng dumating itong lesbiana na nagpabago ng ikot ng mundo ko.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon