Chapter 9

4.6K 106 5
                                        

Luigi's POV

Alas-otso pa naman nang gabi magsisimula ang dance night. Pero hindi ko alam kung bakit alas-cinco pa lang nang hapon ay nandito na sa bahay ang mga baliw kong kaibigan.

Kasama nila ang mga girlfriend nila at ako ang topic nila. Inaasar nila ako ng dahil dun sa video. "Mga baliw hindi na ako iinom kasama kayo, kahit kelan pahamak kayo sa buhay ko" sabi ko sa kanila. Hindi naman nila ako pinapansin dahil paulit-ulit nilang pinapanood yung video.

Tinapon ko naman sa mukha nila yung unan at ayun natamaan sa mukha si Kev. "Tsk! Isa pa sige iuupload ko na itong video mo" pagbabanta nya sa akin. Inirapan ko naman sya dahil doon.

"Bakit ba kayo andito?" tanong ko sa kanila. "Dito kasi kami sa inyo makikikain ng dinner" masayang sabi ni Richie. "Ano?! Bahala kayo hindi ako magluluto at bibili ng pagkain para sa inyo" sabi ko naman. "Baliw may dala kaming pagkain, namili kami kanina. Tsaka si Ann at Lianne ang magluluto hindi naman ikaw kasi may dance night ka pa mamaya bawal kang mapagod" sabi ni Kevin na may halong pang-aasar. "Ha Ha! Oo na lang" sarcastic kong sagot kay Kev.

Bandang alas-sais nang hapon ay nagsimula ng magluto sila Ann. Si papa naman ay busy sa kanyang ginagawa, home-based kasi sya sa kanyang trabaho kaya okay lang na nasa bahay sya. Mas gusto nya rin yun para daw mas natututukan nya ng maayos si bunso.

Nasa kwarto ko kami ngayon nila Kevin at nakahiga. "Tol! Paano kung isang araw bumalik ex mo?" biglang tanong ni Richie. "Oh? Edi bumalik anong gusto mong gawin ko magpaparty?" sabi ko naman kay Richie. "Haha ulul! Malay mo kasi bumalik sya" sabi pa nya. "Edi bumalik nga, ano naman sa akin tsaka okay naman kami" sabi ko sa kanya at marahang ngumiti.

Hinimas-himas naman ni Kevin yung likod ko. "Wag mo ng dibdibin tol, wala ka nun" sabay tawa nya ng malakas. Tingnan mo 'tong isang 'to nakuha pa akong asarin. Okay naman na kasi kami ng ex ko tsaka wala naman akong sama ng loob sa kanya sa nangyari.

Pumasok naman si Ann sa kwarto. "Guys, kain na" aya nya sa amin. Kaya naman tumayo na kami at sumunod sa kanya. Si Lianne naman ay naabutan pa naming naghahanda ng mga plato sa lamesa. Pinuntahan naman ni Kevin sila papa para ayain ding kumain.

Ilang sandali pa ang lumipas at nandito na rin sila sa sala. Nagkukwentuhan naman sila habang ako ay tahimik lang na kumakain. "Buti napapayag nyong sumama sa party si Luigi, hindi naman mahilig yang umattend sa mga ganun" sabi ni papa sa kanila. Mapatingin naman ako kila Kevin at Richie na may halong pang-aasar yung ngiti sa akin. "Opo tito, may napupusuan na po ata ang anak nyo haha, kaya gustong umattend ng party" dagdag pa ni Kev.

Sinipa ko naman sa ilalim ng lamesa yung binti nya dahil dun ay pinandilatan naman nya ako ng mata tapos ay ngumiti sya kay papa ng todo. "Naku nak! Hindi ka nagkukwento sa akin hah, may napupusuan ka na pala" sabi ni papa na halata mo sa tono ng boses nito na nang-aasar sya. Tumingin lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kong kumain ay nagpahinga lamang ako ng mga ilang sandali tapos ay naligo na ako. Alas-syiete na rin kasi, ayaw naman daw nilang malate ako sa party.

Habang naliligo ako ay iniisip ko si Mikaela, aattend kaya sya mamaya. Ayain ko kaya syang makipagsayaw sa akin. Pero hindi ko naman alam kung paano ko sya aayain. Malamang maraming mag-aaya sa kanyang sumayaw.

Pagkaligo ko ay dumiretso ako sa aking kwarto. Nandoon naman sila Ann, ngumiti ito sa akin. "Eto yung damit mo, labas ka pagkatapos mong magbihis" sabi nya sa akin at inabot iyong damit ko.

Ilang sandali pa ang lumipas ay natapos din akong mag-ayos ng sarili. Paglabas ko sa kwarto ko ay nakaabang lang silang lahat sa akin. Nakatingin lang sila sa akin at walang nagsasalita.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon