Chapter 21

3.8K 79 8
                                    

Luigi's POV

Kasama ko ngayon si Kendall, naglalakad kami papunta sa lugar na kami lang ang may alam, joke! Naglalakad lang kami na hindi ko alam kung saan kami patungo. Matapos kasing sungitan ako ni Mikaela at iwanan, ay eto ako naiwan kasama ang ex ko. Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. I mean man, ex ko yung kasama ko and I think it's kinda weird to hang out with her after that closure.

"Uhm Luigi?" tawag pansin sa akin nito. Napalingon naman ako sa gawi nya, nakatingin lang sya sa akin ng diretso.

"May boyfriend na pala ako" ani nito.

"Okay?" 'yan naman ang sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang magiging sagot ko sa sinabi nya sa akin.

"And he doesn't like you." nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nya. Okay I kinda understand why that jerk doesn't love me. Because maybe I'm a girl and I cheated with Kendall. Minamahal ako ni Kendall ng sobra alam ko yun pero nagawa ko pa ring magloko. But how come that her new boyfriend doesn't like me. It's all in the past, I'm not that person anymore. People change.

"How come your boyfriend doesn't like me?" takang tanong ko kay Kendall.

"Well nakwento ko kasi sa kanya yung history natin" pahayag ni Kendall sa akin.

"Past is past naman na di ba?"

"Oo nga but my boyfriend is the brother of the girl whom you are in love with!" ani nito sa akin.

Okay? Ano?! Ako in love kanino?

"Kanino ako in love?" tanong ko kay Kendall.

Napahilamos naman ito sa kanyang mukha. Ganito 'to kapag may ipinaliwanag syang hindi ko nagegets agad. Hindi pa rin pala sya nagbabago. Pinat ko naman ang ulo nya tapos ay bahagya akong natawa sa reaksyon nya.

"Why are you laughing? What's so funny?" naguguluhang tanong nito sa akin. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot tsaka ako ngumiti.

"Luigi!" angal nito sa akin. Naaasar kasi sya kapag pinapat ko sya sa kanyang ulo, nagmumukha daw syang maliit kahit maliit naman talaga sya.

"What?"

"Stop teasing me!" angal nito sa akin.

"Okay okay, sorry haha" sabi ko sa kanya.

"Bahala ka nga sa buhay mo kung ayaw mong makinig sa akin, basta ako sinabihan kita." dagdag na sabi pa ni Kendall sa akin.

"Oo na, alam ko naman yun. Nakausap ko rin naman no'n yung kapatid ni Mikaela" sabi ko sa kanya.

"Oh tapos anyare?"

"I think he likes me the way he hates me" sabi ko kay Kendall.

Binatukan naman nya ako, ganito naman kasi 'to kapag sya naman ang hindi makagets sa sinabi ko.

"What do you mean?"

"Kanta ni Justin Bieber yan di ba?" pagbibiro ko sa kanya.

"Humanap ka nga ng kausap mo, Luigi" inis na sabi nito sa akin tapos ay naglakad na sya palayo sa akin. Hahabulin ko pa sana si Kendall pero dinilaan nya ako at sumakay na sya sa jeep. Iwan daw ba akong mag-isa.

Dahil ayoko pang umuwi ay naglakad-lakad na muna ako. Pumunta ako sa park para tumambay, hindi ko naman alam kung bakit sa dami ng pwedeng puntahan dito ko pa napiling mag-emote. Hay what a beautiful scenery. Tahimik pa ang lugar dito, naisip ko tuloy may naglalaro pa kaya sa park kasi sa generation ngayon uso na ang gadgets.

Nakaupo ako sa duyan ngayon habang nagmumuni-muni. Naiinis ako sa sarili ko bakit nagkakaganito ako, mahal ko ba si Mikaela o talagang magkaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa. Ang hirap kasing mag-assume sa mga bagay na ganun. Siguro dapat ko na lang i-enjoy yung mga oras na masaya kami. Siguro dapat makuntento na ako sa kung ano kami, kasi baka mamaya mawala lahat ng pinagsamahan namin kapag lalong lumalim 'tong nararamdaman ko.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon