Luigi's POV
Nakaupo ako sa tabi ni Mikaela ngayon habang iniintay yung prof namin nang pumasok si Alex sa classroom na may dala dalang bulaklak. Pumunta sya sa kinaroroonan ko tapos ay naupo sya sa tabi ko.
"Luigi samahan mo naman ako" pag-aaya sa akin ni Alex, wala naman ako sa mood makipag-usap sa kanya dahil inaantok pa ko. "Sige ka kapag hindi mo ako sinamahan, sasabihin ko kay Mikaela sayo galing 'tong bulaklak na hawak ko" bulong naman nito sa akin. "Tsk!" palatak kong sagot sa kanya, tumawa naman si Alex sa akin ng nakakaloko.
Panalo na naman kasi sya dahil binablackmail nya ako. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga 'tong isang 'to o nagpapanggap lang. Hay di bale na nga lang hayaan ko na nga sya.
"Lui, bigyan mo nga kasi ako ng tips kung paano manligaw" pangungulit sa akin ni Alex habang naglalakad kami papunta sa room ng nililigawan nya. "Ang kulit mo rin, hindi nga ako marunong manligaw" inis kong sagot sa kanya. Akala nya ata nagbibiro ako, wala naman kasi talaga akong alam sa panliligaw na yan.
"Bigyan mo na lang ako ng tips" pangungulit nya pa rin sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi nya. Hmmm ano namang tips ang ibibigay ko sa kanya. Bukod sa pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ano pa bang ibang style ng panliligaw?
"Tips? Anong klaseng tips naman ang ibibigay ko sayo?" balik kong tanong kay Alex. "Kahit ano basta mag-isip ka" sagot nya sa akin.
May utak naman sya bakit kaya hindi nya itry mag-isip ang hirap kayang mag-isip lalo na kapag ganitong umaga na antok na antok ka pa. At wala kang ibang inisip kundi makasama ang iyong kama.
"Hmm ang gusto kasi ng mga babae yung napapatawa sila, yung taong may sense of humor" payo ko sa kanya. Nakatahimik lang naman ito na parang nag-iisip habang tumatango-tango sa akin.
"Tapos yung mararamdaman nila na safe sila kapag kasama ka" dagdag ko pang sabi sa kaibigan ko. "Parang si Batman?" tanong sa akin ni Alex. "Oo pero ang pinagkaiba ikaw na yung iniisip ng taong mahal mo, ayaw mo ba nun hindi na si Batman ang laging bahala sa kanya" may halong pagbibiro kong sabi.
"Haha ewan ko sayo, pero thanks. Ano pa bukod dun?" tanong na naman nya sa akin. "Alam mo ikaw minsan may pagka abusado ka, mag-isip ka kaya hindi puro ako. Kung gusto mong magustuhan ka ng taong mahal mo ipakita mo sa kanya kung ano at sino ka ba talaga, na mabuti yung hangarin mo sa kanya. Na may mga bagay na ikaw lang ang makakagawa mapasaya mo lang sya" mahaba kong sabi sa kanya.
Napayakap naman sa akin si Alex "Thanks bro, the best ka talaga" Tinulak ko naman sya palayo sa akin. "So gay!" pagbibiro kong sagot sa kanya. Nagtawanan naman kaming dalawa dahil dun.
Pagkarating namin sa room ng nililigawan nya ay para naman syang napako sa kinatatayuan nya. "Hoy ano naestatwa ka nya dyan" sabi ko kay Alex, lumungkot naman ang mukha nya. "Hindi ko ata kaya bro, tara balik na lang tayo" malumanay nyang sabi sa akin.
Ay nako naman. Kung kelan nandito na kami tsaka pa sya matotorpe. Alam ko naman kasing hindi ganoon kadaling manligaw, kailangan mo ng milyong milyong lakas ng loob para gawin iyon. Pero ngayon pa ba sya susuko.
Luigi mag-isip ka para lumakas ang loob ng kaibigan mo. Kausap ko sa sarili ko, lumapit ako kay Alex tapos ay hinampas ko ng malakas yung likod nya.
"Aray naman!" angal nya sa akin. "Ayan galit ka na, hindi ka na natotorpe, ibigay mo na yung bulaklak. Wag siga hah, yung sincere dapat!" sabi ko kay Alex at itinulak sya papunta sa room ng nililigawan nya.
Nasa corridor lang naman ako, tumingin naman sya sa akin bago sya tumuloy sa room ng nililigawan nya. Nagthumbs up pa ako sa aking kaibigan pampalakas ng loob nya. Tumango ito sa akin at bahagyang ngumiti tapos ay pumasok na sya sa room.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomanceSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...
