A/N: Guys play nyo muna yung music para mas feel nyo yung story hahaha thanks. :)
****
Mikaela's POV
"Miks, anong nangyari kay Luigi?" tanong sa akin ni Angel na may halong kakaibang titig sa akin.
"Malay ko dyan." tipid ko namang sagot sa kanya. Napatango lang ito pero base sa ekspresyon ng mukha nya ay alam kong hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.
"Okay sige tatanungin ko na lang si Luigi." sabi nito sa akin tapos ay pumunta na sya kung nasaan si Luigi.
Magkatabi kasi si Luigi at Alex ngayon, parang may pinag-uusapan na kung ano. Hinayaan ko naman si Angel na pumunta sa kinaroroonan ni Luigi, nang makarating sya roon ay tumingin ito sa akin habang may sinasabi kay Luigi. Napatingin si Luigi sa akin kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at kunwari ay abala ako sa paglalaro sa cellphone. Hindi ko na sana titingnan pa yung kinaroroonan ni Angel at Luigi, pero parang may nag-uudyok sa akin na tingnan ko si Luigi. Kaya unti-unti akong lumingon mula sa kinaroroonan nya. Pero nagulat ako dahil nasa harap ko na mismo yung mukha ni Luigi na nakangiti sa akin.
Naamoy ko yung mabango nyang pabango na para bang sinasabi sa akin na isiksik ko yung mukha ko sa leeg nya. Pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Agad naman nyang binawi yung ngiti nya. Ako nama'y ibinalik ko yung tingin ko sa aking cellphone. Naupo si Luigi sa upuan sa tabi ko, nakikita ko sya sa peripheral view ko na nakatingin sa akin.
Naiilang ako sa kanya na ewan pero hindi ko na lang sya pinansin. Dahil wala akong magawa ay ibinalik ko ang cellphone ko sa aking bulsa tapos ay dumukdok sa desk dahil ayoko talagang makita si Luigi.
Maya-maya ay naramdaman ko na may kung ano sa tenga ko. Napaayos ako ng upo tapos nakita ko si Luigi na nakangiti sa akin.
"Don't worry, earphone lang yan. Gusto kong pakinggan mo yung kanta." sabi nito sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya na abala sa cellphone nya. May pinindot sya sa cellphone nya tapos ay tumugtog na ito. Napakunot naman yung noo ko sa kanta. Hindi ko maintindihan.
"Ano to Korean? Hindi ko matindihan lyrics." kunot-noo kong tanong sa kanya.
Bahagya syang napatawa.
"Pakinggan mo muna yung buong kanta." sabi nya sa akin. Kaya naman iyon ang ginawa ko. Pero iilang lyrics lang ang naiintindihan ko dahil iba talaga yung salita. Ilang beses ko pa pinakinggan yung kanta pero hindi ko talaga maintindihan.
May mga english naman pero konti lang. Puro I can't say, I won't say, I always lie, Heart beat sound, can't keep it to myself, at yung huli ay yung lyrics na I know I love you.
Napatingin ako sa kanya tapos ay nacurious ako dahil bakit sa dinami-rami ng kanta ito pa yung napili nyang iparinig sa akin.
"Baliw wala naman kong maintindihan kung hindi puro I know I love you sa lyrics." masungit kong sabi sa kanya.
"Oo nga, ako rin ang alam ko lang I know I love you." sabi nito sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may something yung pagkasabi nya ng salitang yun. At dahil din doon ay bumilis ang tibok ng puso ko.
"Anong kanta ba kasi 'to?" bigla kong tanong sa kanya.
"Japanese song yan, galing sa anime." sabi nito sa akin. Ahh okay kaya pala hindi ko maintindihan, akala ko Korean.
"Ano namang ibig sabihin ng kantang 'to bakit ito yung ipinarinig mo sa akin?" usisa kong tanong sa kanya.
"Can't you say ang title ng kanyang yan." sabi nito sa akin.

BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITED
RomansaSi Luigi Perez ay isang lesbian na bagong salta sa All Girls School. Si Mikaela Santos naman ang sikat sa campus na ito. Paano kung mainlove ang sikat at malditang babae na ito sa isang torpeng lesbian? Tunghayan ang kanilang storya. (June 1, 2016 t...