Chapter 24

3.4K 77 3
                                        

Third Person's POV

Hindi nya alam kung saan sya dadalin ng mga kaibigan nya pero alam nyang sila yun, kahit na nakapiring pa ang kanyang mata. Hindi nya malaman kung ano na namang pakulo ng mga ito. Hindi naman siguro sya kinidnap ng mga 'to, di ba? Kahit hirap syang maglakad dahil wala syang makita o maaninag man lang ay sumusunod na lang sya dahil inaalalayan naman sya ng mga kaibigan nya.

Alam nyang si Alex at si Angel ang mga iyon. Ang lakas kasi ng boses nila habang nag-uusap kahit na pabulong ito. Pero hindi nya pinapansin yung mga pinag-uusapan nito dahil naiinis na sya dahil wala syang makita.

"Alex, Angel ano bang trip nyo?" Tanong ni Luigi sa dalawa pero hindi sumagot yung dalawa. Pero matapos ang ilang sandali ay sumagot din si Alex.

"Chill ka lang Lui, malapit na tayo." sabi ni Alex kay Luigi at tinapik ito sa likod. Alam kasi ni Alex na naiirita si Luigi kapag ginagawa nya ang bagay na iyon. Alam din nyang mainipin ang kaibigan nya kaya hindi na sya nagtataka kung bakit salubong ngayon ang kilay ni Luigi.

Matapos ang ilang sandaling paglalakad nila ay huminto ang dalawang magkaibigan sa paglalakad na ipinagtaka ni Luigi.

"Lui pwede mo ng tanggalin yung piring mo sa mata." bulong ni Alex sa kanyang tenga. Napakamot naman si Luigi sa kanyang tenga na akala mong diring-diri sa ginawa ni Alex sa kanya.

Walang pagdadalawang-isip na tinanggal ni Luigi ang piring nya sa mata. Pero wala na si Alex at Angel sa kanyang tabi. Humampas sa mukha nya ang sariwang hangin sa rooftop kung nasaan sya ngayon.

"Happy Birthday, Luigi!" nagulat na napalingon sya sa kanyang likuran. Walang ibang emosyon ang nasa mukha ni Luigi nang nga oras na iyon, kundi ang kasiyahan na kanyang nararamdaman.

Naroon ang kanyang ama, kapatid at ang kanyang mga kaibigan. May mga pagkain din sa lamesa at cake kung saan natawa sya sa nakasulat doon.

"Happy 100th birthday Luigi"  iyon ang nakasulat sa cake na naroon sa lamesa. Napatingin sya kay Angel at Alex na natatawa sa kanya. Alam na nya kung sinong may pakana ng cake na yun. Napailing na lang sya sa dalawa.

"I didn't expect this at all." Iyon lamang ang mga salitang namutawi sa labi ni Luigi. Hindi na nya napigilan ang kanyang mga luha na kusa na lamang bumagsak sa kanyang mga mata. 

Hindi nya kasi akalain na may surpresa pala sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Sa isip nya ay sana hindi na sila nag-abala pa para sa kanyang kaarawan, pero sa kabilang banda ay sobra syang nagpapasalamat dahil pakiramdam nya ay sobra nyang espesyal na tao.

Lumapit sya sa kanyang ama na may hawak na regalo. Hindi nagdalawang-isip si Luigi na yakapin ang kanyang ama. Ganoon din ang kanyang nakababatang kapatid na nakiyakap sa kanilang dalawa.

"Salamat pa." ani nito na bahagyang pinunasan ang kanyang mumunting luha. Ginulo lamang ng kanyang ama ang kanyang buhok tapos ay ngumiti ito sa kanya.

"Huwag ka sa aking magpasalamat, magpasalamat ka sa dalawang yun." sabi ng kanyang ama na ngumuso sa likuran nya. Naroon sila Ivee at Mikaela.

Napatawa si Luigi nang makita nya ang dalawa. Paano naman kasi kung gaano katamis yung ngiti sa kanya ni Ivee, ganoon naman kawalang emosyon ang mukha ni Mikaela. Umiwas pa si Mikaela ng tingin kay Luigi.

Natatawa si Luigi kasi parang nagsama sa iisang lugar ang aso at pusa. O kaya naman parang yin-yang ang aura ng dalawa iyon ngayon.

Muntik namang masubsob si Luigi dahil tinulak sya ni Alex, napalingon si Luigi kay Alex na may "what the fuck look". Wala nang nagawa si Luigi kung hindi ang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon