Chapter 26

3.2K 73 6
                                        

Luigi's POV

"Miks?" tawag pansin ko kay Mikaela habang naglalakad kami sa mall.

Hindi ko rin alam kung bakit ako yung sinama nya imbes na si Angel o kaya si Michael. Mamimili raw sya ng damit, pero kanina pa kami lakad nang lakad wala naman syang binibiling damit. Nagugutom na nga ako kakalakad.

"Luigi, bakit mo nagustuhan yung ex mo? Anong meron sa kanya?" biglang tanong ni Mikaela sa akin.

"Bakit mo tinatanong yan?" balik kong tanong sa kanya. Inirapan naman nya ako bilang sagot. Sungit talaga.

"Kung ayaw mong sagutin, edi wag. Madali naman akong kausap." sabi nito sa akin tapos ay nauna na syang maglakad. Hinabol ko naman sya.

"Miks naman, ang sungit mo." panunuyo ko sa kanya. Pero hindi effective obviously kasi mas lalo lang syang nainis nang sabihan ko sya ng masungit. Maglalakad na naman sana sya ng mabilis para iwan ako pero bigla ko syang hinapit sa kanyang bewang.

Napalingon 'to sa akin.

"Don't you dare, Miks. Hindi ka aalis sa tabi ko. I hate it when someone stares at you na parang hinuhubaran ka sa paningin nila. At sino ba kasing nagsabihing magshort ka ng ganyan kaikli ha?" mahaba kong sabi kay Mikaela. Napatingin ako sa kanya, nakangiti sya pero bigla rin itong napalitan ng pagsusungit.

"Paki mo ba, edi magsuot ka rin ng ganito." masungit nyang sabi sa akin. Tapos ay umalis na sya at iniwan ako sa kinatatayuan ko.

"Mikaela!" malakas kong tawag sa pangalan nya kaya naman napatingin sa akin yung mga tao. Si Mikaela naman, kunwaring walang naririnig at hindi ako pinapansin. Siguro napansin nya na nakatingin sa akin yung mga tao sa lakas ng boses ko.

"Mikaela Santos!" tawag pansin ko ulit sa kanya. Alam kong hiyang-hiya na sya sa pagtawag ko sa pangalan nya, what if buong pangalan pa nya. Hindi kasi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Tinatawag ko lang sya, iniintay kong lumapit sya sa akin. At lumapit naman sya.

Nagmamadali itong lumakad papalapit sa akin.

"What the hell is wrong with you? Tara na nga, nakakahiya sa mga tao, para kang bata." bulong nitong sabi sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Mas gumaganda talaga sya sa paningin ko kapag masungit sya.

Naglakad na sya pero ako nakatayo pa rin, napalingon sya sa akin.

"Ano pang hinihintay mo dyan, tara na." aya nito sa akin at kinaladkad ako habang hawak nya ako sa kamay ng mahigpit.

"Opo na, mahal kong prinsesa, may sarili naman akong paa kaya ko namang maglakad mag-isa." sabi ko sa kanya. Lumingon sya paharap sa akin at binitawan ang kamay ko. Nakataas ang kilay nya, napalunok tuloy ako ng laway.

"Anong sabi mo, pakiulit nga?" seryoso nitong tanong sa akin.

"Sabi ko, may sarili naman akong paa kaya kong maglakad hindi mo na ako kailangang kaladkarin." diretso kong sagot sa kanya. Naningkit naman ang mata nya.

"Nope not that, yung unang-una mong sinabi." sabi ni Mikaela sa akin.

"Ah sabi ko mahal na prinsesa-- hindi pa ako tapos magsalita ay sumagot na sya agad.

"Hindi yan yung sinabi mo." masungit nyang sabi sa akin.

"Bakit ano bang sabi ko?" taka kong tanong sa kanya.

"Sabi mo mahal ko---

"Yes mahal ko?" sabat ko sa kanya sabay ngiti. Bigla naman syang tumalikod sa akin at saka naglakad ng mabilis. Sabay sabing...

"Argh! Luigi I hate you." hindi ko naman alam kung anong nangyayari sa kanya. Bigla-bigla nang-iiwan syang maglakad.

"Wait lang Miks, mahal mo ko?" hinahabol ko sya sa paglalakad nya. Bigla naman syang napahinto sa tanong ko.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon