Chapter 3

5.9K 151 13
                                        

Luigi's POV

Hindi ko alam na matalino pala itong si Childish Princess.  Akalain mo naperfect nya yung quiz namin. Kaya siguro marami ding nagkakacrush sa kanya dahil matalino, maganda at athletic sya. Pero napakasama ng ugali nya. 

Okay sorry nagiging judgemental na ko. Siguro hindi naman talaga sya masamang tao baka may pagkamaldita lang sya talaga.

Ayokong makinig sa Prof namin.  Boring,  boring,  boring.  Kahit anong pilit kong makinig inaantok lang ako lalo. 

Ang pangit nyang magdiscuss.  Kaya natutulog na lang ako sa klase nya.  Buti na lang alam ko na yung mga tinuturo nya. 

Nagdedaydream naman ako paano kaya kung may super powers ako. Ano kayang magandang powers? 

Tapos naiisip ko din bakit nasa labas yung brief ni Superman at Batman.  Tska bakit kapag nagpose yung Power Rangers biglang sumasabog yung damuhan sa likod nila haha. Anong connect di ba?

Nagdodoodle na lang ako sa notebook ko.  Sinusulat yung pangalan nya.  Hanggang ngayon hindi pa rin sya maalis sa sistema ko. 

Ganun ba talaga?  Kapag first love mo mahirap kalimutan?  Nakamove on naman na ko sa kanya.  Pero minsan naiisip ko pa din sya kamusta na kaya sya.  Pero kung totoong nakamove on na ako bakit ako nandito sa school na ito?  Bakit ko sya gustong makita? Dahil ba namimiss ko sya o kailangan ko lang ng closure? 

Pero yung taong inaakala kong nandito wala naman pala.  Irregular tuloy ako dahil transferee ako.  Free section pa ako.  Bawat subject iba iba ang kaklase ko.  Pero okay naman na din siguro yun para marami akong maging kakilala.

After ng class ko ay nagc.r muna ako.  Pagpasok ko ng c.r may dalawang babaeng nagcc.r kwentuhan pa nang kwentuhan.  Pumasok na ako sa cubicle para umihi. 

Dahil malakas yung boses ng dalawang babae,  narinig ko yung pinaguusapan nila.

" ui be mukha na ba akong tao?"  sabi ng isang babae.

Natawa naman ako sa tanong nya.  Sumagot naman yung isa.  Oo daw mukha na daw syang tao haha.

Pumunta na ako sa next class ko.  At kaklase ko na naman si Childish Princess na walang magawa sa buhay kundi iniisin ako.

Pagdating ko sa room nakaupo sya sa upuan ng Prof.  Di ko naman sya pinansin dahil ganun naman talaga sya.  Akala mo kung sinong reyna.

Ang ingay ng buong klase.  Kaya pinatahimik nya.  Tumahimik naman silang lahat.  Ganoon ba talaga kasiga itong babaeng ito at napapatahimik nya ang buong klase? 

" Okay announcement wala si Sir ngayon, kung bakit wala sya hindi ko din alam. May iniwan syang activity kaya gawin nyo ito.  " sabi naman nya. 

Tumango naman yung mga kaklase ko.

" Kung may tanong kayo magtanong lang kayo dito kay Angel " sabi naman nya sabay balik sa upuan nya. 

Si Angel ang nagsulat sa board nang gagawin naming activity.  Lahat naman ay tahimik lang na kumokopya. 

Tiningnan ko naman si Childish Princess na mukhang wala sa mood dahil ang tahimik lang nya at nakadukdok lang sa upuan.Baka naman inaantok lang sya. 

Maya maya ay may pumasok na grupo ng mga babaeng mukhang pabebe girls na ewan.  

" Nasaan si Mikaela? " tanong nila sa buong klase.

At nagkagulo naman yung mga kaklase ko. Bulungan dito, bulunga doon. Parang kung anong riot ang magaganap. Ako naman nakaupo lang at nagssoundtrip.

Pero si Mikaela nakatahimik lang sa upuan nya at hindi nya pinapatulaan yung mga babaeng hanap ay away. Inawat naman sila ng mga kaklase namin at buti naman ay nagpaawat sila. 

Bakit ganun ramdam kong malungkot si Mikaela ngayon, nakikita ko sa mga mata nya na may malalim syang iniisip. Kaya naman tumayo ako at bigyan ko syang hinila palabas ng classroom. Wala naman syang imik hanggang sa makalabas kami ng campus. Sabi ko na nga ba may dinaramdam ito sa buhay nya.

Dinala ko sya sa 7eleven at pinaupo, nakatingin naman sya sa akin na parang nagtatanong kung bakit ko sya dinala dito sa labas. Nginitian ko lang sya at binilan ng ice cream. 

Nang inabot ko sa kanya yung ice cream ay tinanggap naman nya ito at kinain. Napangiti sya pati tuloy ako ay napangiti rin. 

" Alam mo mas maganda ka kapag nakangiti, smile ka lang palagi hah " sabi ko kay Mikaela at bigla naman syang nagpout. 

" So ibig sabihin pangit ako kanina? " malungkot nyang sabi pero nginitian ko lang sya. Kinurot naman nya ako sa braso dahil dun. 

Matapos naming kumain ng ice cream ay bumalik na kami sa campus dahil may next class pa kami. At nung malapit na kami sa room ay sinungitan na naman nya ako. 

" Kung akala mo close na tayo dahil nilibre mo ko ng ice cream, pwes nagkakamali ka " sabi nya at agad agad na syang naupo sa upuan nya. 

Hay nako isip bata talaga, naiiling nalang akong bumalik sa upuan ko dahil baka dumating na yung prof namin.

-----

Mikaela's POV

Pagkabalik namin ni Luigi galing ng 7eleven ay nakinig lang ako sa tinuturo ng prof naging ok na din ang pakiramdam ko dahil nakakain na ako ng favorite kong ice cream. Tuwing may dalaw kasi ako kumakain ako ng ice cream tapos nagiging ok na ako. 

Hindi ko alam bakit nya ako binilan ng ice cream. Hindi naman siguro na kwento ni Angel yun kasi hindi naman madaldal yung babae na yun. Tsaka sya lang naman yung nakakaalam na ice cream yung pampagood mood sakin kapag meron ako. 

Hay nevermind na nga lang yun. Akala nya siguro okay na kami dahil binilan nya ako ng ice cream pwes nagkakamali ka Luigi kasi naiinis pa rin ako sayo. 

Pero ang sweet ng ginawa nya sa totoo lang.

Thanks for reading.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon