Chapter 19

3.7K 75 8
                                    

Luigi's POV

"Hoy gising!" napamulat yung mata ko nang may tumapik sa pisngi ko. Pagdilat ko nakita ko si Alex na nakacross-arms sa harap ko, ano naman kayang problema nito. Napakunot naman ang noo ko, napansin naman nya iyon. "Teka ang init mo, nilalagnat ka ba?" Babangon sana ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman naupo muna ako sa couch kung saan ako nakahiga. "Asan sila?" tanong ko referring sa mga kaibigan namin. Naupo sa tabi ko si Alex. "I need to tell you something" seryosong sabi sa akin ni Alex.

Napatingin ako sa kanya, bigla naman akong kinabahan sa tinuran nya. Ano naman kayang sasabihin nya sa akin at saka nasaan na sila Mikaela. "Don't tell me, magco-confess ka ng feelings mo para sa akin--- napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa ---so gay Alex" tila nandidiri ko pang sabi sa kanya. Binatukan naman nya ako. "Ulul kilabutan ka nga sa sinasabi mo Luigi" natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Muli na naman syang sumeryoso.

"Lui..." sabi nito tapos ay napahinto. Ano ba yan, pabitin effect pa. Pwede naman nyang sabihin ng diretso. "Ano?" sabi ko sa kanya. "Wala naman natatae lang ako kapag nakikita ko yang pagmumukha mo" walangya, akala ko pa naman kung anong importanteng sasabihin nya. Napabuntong hininga na lang ako. Tumayo na si Alex "Si Mikaela pala at Fidez..." seryoso nyang sabi sa akin. Ano?! Anong meron sa kanila? Hindi ko maintindihan kung ano yung gustong iparating sa akin ni Alex.

Hindi ko na alam ang nangyari, nanlabo bigla ang paningin ko. The next thing I know is everything went black.

Paggising ko nakita ko ang mukha ni papa na nag-aalala sa akin. Babangon sana ako pero pinigilan nya ako."Magpahinga ka muna anak" sabi nito sa akin na may halong pag-aalala. "Medyo humupa na rin naman ang lagnat mo, natrangkaso ka" sabi sa akin ni papa. "Inihatid ka dito ng kaibigan mo, isang araw at kalahati ka na ring natutulog, kumain ka na muna" sabi nito sa akin tapos ay nagpunta sa kusina para kumuha ng makakakain ko.

Kumakalam na nga ang sikmura ko, tagal ko namang nakatulog buti hindi pa ako naospital. Isang araw akong hindi kumakain kaya. Napahawak ako sa ulo ko, sumasakit pa rin. Tiningnan ko naman yung cellphone ko kung may nagtext sa akin. Great... lowbat ang cellphone ko.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Papa dala yung pagkain ko. Para naman wala akong ganang kumain ngayon, nakatingin lang ako sa lugaw na ipapakain sa akin ni papa. "Kumain ka anak kahit na kaunti lang, para makainom ka ng gamot at makapagpahinga ka" sabi nito sa akin tapos ay sinubuan ako ng lugaw. Wala na akong nagawa kundi kumain. Kailangan ko rin naman ito bukod sa nagugutom na ako, ayokong nag-aalala sa akin si papa.

"Ah pa ano po palang nangyari?" hindi naman ito sumasagot sa akin kaya tinapos ko na lang yung kinakain ko, matapos akong painumin ni papa ng gamot ay nahiga na ulit ako.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nagising ako sa ingay ng mga tao sa kwarto ko. Bumungad naman sa mukha ko ang nag-aalalang si Ivee. "Kamusta ng pakiramdam mo Luigi?" tanong nito sa akin "Okay naman ako" maikli kong sagot sa kanya. Kasama naman nya sila Alex at Angel. Uhmm nasaan kaya si Mikaela bakit hindi nila kasama. "Lui may dala kaming pagkain, kumain ka na muna para makainom ka na ulit ng gamot" sabi ni Angel nahalata nya ata na gusto kong magtanong about kay Mikaela.

Si Alex naman ang nagprepare ng pagkain ko. "Guys hindi na ako bata" bakit ba todo asikaso sila sa akin. Sa pagkakaalam ko mga bully sila sa akin tas ngayon todo alaga sila sa akin. "Lui, wag kang mabibigla hah kasi sa totoo lang you really stink. Pagaling ka na hah, para makaligo ka na pag may time" pang-aasar sa akin ni Alex, sinamaan ko naman sya ng tingin kaya naman napatawa yung dalawa. "Thanks for reminding me that Lex" sarcastic kong sagot sa kanya, kaya naman lalong natawa yung dalawa.

"Kumain ka na nga" hawak ni Ivee yung mangkok na may sopas na dala nila. Saan naman galing 'to? Mukhang lutong bahay 'to at hindi binili sa labas. Sinubuan nya ako habang yung dalawa naman nakatingin lang sa amin. "What a romantic scene" pang-aasar ni Alex sa amin na parang malayo ang iniisip at parang nag-iimagine ng magagandang bagay. "Oo nga, oo nga" dagdag pa ni Angel. Minsan hindi ko alam kung tao ba o baka itong si Angel oo nga ng oo nga eh.

Don't Give Me That Look (gxg) | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon