SMUC 2

41.6K 894 164
                                    

Farrah Cielo Delluci

After sabihin sa akin ni Ate Nich na malapit na dumating si Zehra syempre hindi na ako nag aksaya pa ng panahon araw-araw ako nag stalk ng social media niya ma pa fb, twitter at instagram which is madalas ko naman ginagawa dati pa pero syempre ina-abangan ko this time yung mag po-post siya like..

"See you soon PH" o kaya naman "It's nice to be back home" oh diba para handa ako anytime sa pag dating niya. At magpapa red carpet pa ako at bonggang celebration. Oh diba!

I'm so bright. Nice one Far!

Natatawa ako sa naiisip ko pa mga ideas kung saka sakali.

"Oy baliw" tawag sa akin tsk! sino pa nga ba? Yung istorbo lagi sa pag da-daydream ko.

"Oh bakit sawi?" Haha kala niya ah. Biglang sumimangot si Coy.

"Ikaw tol konti na lang talaga iisipin ko nababaliw kana. Aba madalas na yang pag ka tulala mo at pangiti ngiti kapa?" tinignan nito ako mabuti.

Umupo naman siya sa tabi ko, andito ako sa roof top ng school ngayon mas  tahimik kasi dito.

"Pag ako nabaliw i-pa kulong niyo si Zehra dahil siya ang may kasalanan." natatawang biro ko. Pero kinilig ako dun.

"Ewan ko sayo! Teka kelan ba talaga ang dating ni Ate Yasmine?" takang tanong niya.

"Sabi sa akin nung maid nila at ni Ate Nich eh... Soon daw." ang totoo hindi ko talaga alam naka ilang message nako sakanya sa lahat ng accounts niya pero dahil ang haba ng hair niya ayon..

Dedma ako! Ang malupet pa don

Seen Zone T_T

Oh diba ang bait niya sa akin? Ganun siya ka sweet at kind.

"Pag dating nun malamang sasabak na siya sa business world kaya siguro sinusulit yung bakasyon niya tol."

Tsk sinusulit? Grabe ano yun araw-araw gagala at wala ng pahinga sa pamamasyal tapos... tapos hindi man lang magawa mag reply sa akin. Eh super online naman siya. Haist!

"Oo na siya na ang busy sa pag babakasyon." tipid ngiting sagot ko.

"Bilib talaga ako sayo tol since mga bata pa tayo super crush mo na siya. Wala naba titindi pa sakanya? Hanap kana kaya ng iba?" pahayag ni Coy.

Seryoso ba siya o joke lang niya yun?

Sinamaan ko siya agad ng tingin. Kung nakamamatay lang yung tingin ko pupusta ako double dead na to si Coy ng 1 second.

"WALA na ako ibang hahanapin pa dahil siya yung matindi sa lahat OKAY?" Taas kilay na sagot ko at pinanlakiha pa siya ng mata. Ewan ko lang kapag di niya pa gets yun.

"Okay fine nag tanong lang naman tol. Ikaw talaga." sabay taas ng dalawang kamay ni Coy.

Kainis eh alam naman nila. Bakit pako titingin sa iba. Wala nako hahanapin pang iba dahil lahat ay naka'y Zehra na at siya lang talaga yung nasa puso ko. Period.

---

Shane's place

After school dumeretcho kami sa bahay nila Shane dahil weekend naman bukas. Kami tatlo lang andito. Si Coy naiwan sa school may practice ng basketball.

Feeling player eh. Bangku naman :D

"Ang sarap talaga ng luto mo Far. Walang kasing sarap." sino pa ba edi si Ela. Nilalantakan yung pasta na gawa ko.

"Lahat naman sayo masarap Ela. Tanong ko lang ano ang hindi mo favorite food?" natatawang tanong ko sakanya andito kami sa dining table ngayon.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon