SMUC 66

15.8K 515 130
                                    

Farrah Cielo Delluci



'My Zehra'

Loving her feels so right.

There are no words to describe how beautiful she is.

How lovely she is.

She has the only power to make me go crazy.

I missed everything about her.

"Tunaw na yang picture sa sobrang pag titig mo?" nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Coy.

Hinampas ko tuloy siya sa braso sa inis at sinamaan ng tingin.

Ibinalik ko sa wallet ang litrato ni Zehra.

Di na siya nagbago lagi na lang ako ginugulat pag may ginagawa ako.

"Grabe hindi mo man lang kami sinamahan ni Abby mamasyal." pag eemote nito at nagpupunas kunwari ng luha.

Tsk! Lakas maka bakla ni Coy.

Ewan ko ba bakit biglaan ang pagpunta nila dito na walang pasabi man lang.

Kahapon lang kasi sila dumating at diko din sila nagawang sunduin sa airport.

Naupo si Abby sa tapat ko at wari ay binabasa ang nasa isip ko.

Ngumiti na lang ako ng matamis dito.

"Hindi ka ba nagsasawa?" tanong nito na ikina kunot ng noo ko.

"Saan?" dahil diku siya gets.

Tumayo ito at lumipat sa tabi ko. Biglang nagkaroon ng katahimikan.

Sinandal ni Abby ang ulo nito sa aking balikat. At si Coy naman umupo na din sa tapat ko at tahimik na nakatingin.

"Far." mahinang bigkas ni Abby. Dahilan para lingonin ko siya kahit naka sandal pa din siya.

"Wag mo sana ikulong ang sarili mo dito. Madami kami naghihintay sayo sa labas." makahulogan na sabi nito bago ialis ang pagkaka sandal.

Sandali ako napaisip.. muli ako nagbalik tanaw sa nakaraan.

Higit kumulang 2 taon na din pala ang lumipas mula noong bumalik ako galing Hawaii.

Dito sa Isla Pungyao sa isang malayong probinsya ng Sorsogon ako namalagi na.

Sa pagbabalik tanaw ko muli ko natanong ang sarili.

Teka??

Gaano naba ako katagal dito sa inuupahan ko na bahay?

Ilang taon na nga ba ako dito nag ta-trabaho?

Dito na din ba ako tatanda?

Bakit parang hindi ko na alam ang mga sagot sa tanong ko?

Muli nagbalik ang tingin ko sa dalawa ko kaibigan na labis na nag aalala sa akin.

"Hindi ka namin pinipilit umalis dito. Pero sana wag mo kalimutan na mag enjoy din paminsan-minsan." seryosong sabi ni Coy bago tumayo at pumasok sa kwarto.

Maging si Abby ay tipid na ngumiti sa akin at tumayo na din at pumasok sa kabilang kwarto.

Ikinulong ko nga ba ang sarili ko dito?

Ano naba nangyare sa akin?

Flashback

Napabalikwas ako ng bangon ng diku makita si Zehra sa kanyang kwarto.

Sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyare sa amin kanina lang.

Pero nasaan na siya?

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon