SMUC 60

13.9K 412 25
                                    

Farrah Cielo Delluci

Nagmamadali ako magtungo sa condo ko dahil nag text sa akin si Coy na papunta na doon si Abby.

Galing pako sa family restau namin at nag paalam ako saglit kay mama na may kakausapin lang.

"Well well well tignan mo nga naman na miss mo yata ako hmm?" Si Abby na prenteng naka sandal sa pinto ng unit ko.

"Tse! tigilan moko." natatawa ko sabi habang kinukuha ang susi sa bag. "Tara sa loob." aya ko ng mabuksan ang pinto.

Si Abby nakilala ko dati sa outreach na mismo sila Zehra at ang mama niya ang gumawa.

Siya din ang umalalay sa akin ng malasing ako sa isang party.

Matapos nun naging mag kaibigan na kami at panandalian siya naki tuloy dito sa condo ko dati.

Siya din ang nag imbestiga sa pagka tao ni Richie noon.

"Mukhang may pagagawa ka ulet." sabi niya matapos umupo sa sofa.

Kumuha ako ng maiinom sa ref at pagkain at inilapag sa center table. Tapos ay umupo na din ako sa tapat niya.

"Meron ako isang tao gusto ipahanap sayo. Wala pa ako any details ng tao nato sa totoo lang." panimula ko na iki na taas ng kilay nito.

"Teka? mahirap yata yan pinagagawa mo. Police private investigator na yata ang kailangan mo." may pag aalangan nito sabi na ikina iling ko lang.

"I don't need them.  Ikaw ang gusto ko gumawa nito. At isa pa makakahalata si Zehra." tugon ko.

"Si Zehra bakit naman siya nasali dito.?" na ikina taka ng isa.

Uminom ako ng tubig muna.

Mag iisang linggo na din pala mula ng huli kami mag usap ni Zehra. At sa isang linggo din na yon hindi na ulet kami nagkita.

Naging mas busy din ang schedule niya at nagbalik na din ako sa restaurant namin.

Tangi sa text or tawag na lang kami nagkaka usap. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ko siya na mi-miss syempre.

Pero mas may kailangan ako dapat unahin at ayusin muna.

Madalas ko pa din kasi naiisip ang huling sinabi niya about sa stalker niya.

"Gusto ko sundan mo si Zehra kahit saan siya magpunta at aalamin mo ang mga tao na nakakausap niya." seryoso ko sabi na alam ko ay nagtataka pa din siya. Dahil si Zehra lang ang makaka pag turo kay Abby sino ang stalker na yon.

"Dahil ang babae na pinahahanap ko sayo ay ang stalker ni Zehra." pag amin ko sa pagagawa sa kanya na trabaho.

"Wait? You mean babae siya?" gulat na tanong nito. Tumango lang ako.

"Wow unbelievable! Dati si Richie now naman babae na naghahabol sa crush mo!" exaggerated na sabi nito pero tinignan ko lang siya ng masama sa huling binigkas nito.

crush?  ano bata lang ulet ako?

"Tsk! Makinig ka Abby kailangan ko malaman ang pagkatao ng stalker ni Zehra asap!" diko na pinansin ang pang asar na ngiti nito.

Alam ko naman ang iniisip niya. Yes very protective pa din ako lalo na kay Zehra.

Kung may mas nakaka alam ng feelings ko kay Zehra isa siya doon.

She really knows me well.

Sumaludo lang ito na parang pulis saka kinuha ang bag at tumayo.

"Trust me within this week may balita kana makukuha mula sa akin." nag thumbs up pa ito bago magtungo sa pinto at pumihit pa harap.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon