SMUC 41

23.1K 691 109
                                    

"Maupo kana Far." aya sa akin ni Isabel sa katabing upuan nito.

Wala ako idea kung anong meron at andito ang parents ni Zehra.

At maging si Richie andito din.

Feeling ko may hindi si mama sa akin nababanggit.

Masama yata kutob ko.

Pangit kasi ng katapat ko!

Napayukom nalang ako ng kamao. Tsk!

Ano kaya nakita ni Zehra sa kanya eh hindi naman kagwapuhan, kalbo pa!

"Far kain ka muna." napalingon ako bigla kay Isabel dahil sa pag hawak niya sa aking kamay na ngayon nga ay nakayukom sa inis ko. "I'm the chef for today." dagdag niya with a sweet smile.

Kaya pala pamilyar yung amoy sa akin. Agad naman ako napangiti ng makita ko ang mga pagkain sa harap.

Later ko na iisipin kung bakit sila andito. Kakain muna ako. :D

Baka mawalan pa ako ng gana katitig sa pugo na yun!

Tahimik lang ako kumain at nakikinig sa mga kwento nila.

Sa totoo lang saling pusa yata ako dito. Dahil biglaan lang din ang pag bisita ko sa bahay.

Samantalang sila ay sadyang pupunta dito talaga dahil may pag-uusapan.

"Tutal naman at nandito narin si Farrah bakit hindi natin siya tanungin? Di ba?" naka ngiting tanong ni Tito Edward sa lahat.

Pansin ko ang pagka gulat nila mama st tita sa suggest ni tito.

Teka tanungin saan?

Napansin ko naman na nag tinginan muna sila mama at tita bago bumaling sa akin.

"Tungkol saan po?" baling ko sakanila.

"Ah Farrah anak." humawak si mama sa isa ko kamay na nasa ibabaw ng table. "May surprise kasi ang Tito at Tita mo para kay Yasmine para sa darating na birthday nito." explain niya.

Birthday ni Zehra? Sa makalawa pa yun eh.

"Mas close ka kay Yasmine at mas kilala mo siya at higit sa lahat mas mapapadali ang surprise kung tutulong ka sa amin." pahayag ni Tito Edward.

Oo close kami ng anak niya dati. Pero ngayon? Hindi na.

"Ako at si Isabel na ang bahala sa mga lulutuin." mungkahi ni mama na labis ikinatuwa ng mag-asawang Marquez.

"Payag ka ba iha?" nag-alalang tanong ni Tita sa akin tungkol sa tanong ni tito.

Basta kay Zehra walang problema. Tutulong lang naman. Mag kaibigan parin naman kami.

Tska baka sisiw lang naman pagagawa sa akin. :)

"Ano po ba maitutulong ko?" ngiting baling ko kay Tito Edward.

"Ikaw ang gusto ko magdadala sa kanya sa lugar ng pagdadausan ng birthday niya."

Silence


"Po?!" gulat na tanong ko.

As if naman sumama sa akin yon!

Eh nuknukan nga ng IWAS at AYAW sa akin nun eh.

Sumama pa kaya?!

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon