Special Chapter I

16.5K 473 60
                                    

Farrah Cielo Delluci



"Sure kaba talaga tol hindi siya tatanggi? Tska baka kasi mabigla siya." maka ilang ulit ng tanong sa akin ni Coy.

Problemado kasi ito kung paano niya mapapa oo si Meghan sa dinner date na plano niya.

I sighed for the nth time before I place my mug of coffee in the table.

"Look bakit ba dinadaga pa din yan dibdib mo? My god Coyardo 27 years old na tayo at ilang taon mo na din tinatago yang feelings mo sakanya." saad ko dito bago tuloyan tumayo sa swivel chair. Sa tinagal-tagal ng pagkaka kilala ko kay Coy ay hanggang ngayon hindi pa din niya maamin amin ang pagkaka gusto niya sa kaibigan namin na si Meghan.

Alas nuebe pa lang ng umaga at heto't siya napasugod dito para kulitin na naman ako sa katatanong. Ilang beses na din niya ako hiningan ng mga tips na agad ko din naman shinare ang mga nalalaman ko.

Pero ang isa hindi pa din mapakali.

Nag-uumpisa pa lang ang araw ng lunes para mag trabaho pero saglit ko iyon isinantabi dahil sa kanya.

Inis siyang napasuklay ng buhok at napasandal sa sofa. "Ang hirap talaga."

Tumabi ako ng upo sa tabi niya at tinapik tapik ang balikat niya.

"Maybe it's time na din para magpakatotoo ka sa nararamdaman mo. Kung aayain mo siya at tumanggi siya.. I mean you need to respect her decision." paliwanag ko.

Para naman napaisip siya bigla.

"But just in case na mag oo siya. Well your a lucky guy. Trust me I know Meghan very well." sabay kindat ko dito na lalo niya ikinalito.

"Anong ibig sabihin mo tol?" tanong nito. Pero nagkibit-balikat lang ako at tumayo na pabalik sa swivel chair.

"It's for you to find out." makahulogan ko bigkas bago ibalik ang attention sa mga folders sa table at nag simula ng mag trabaho. Hindi na rin siya nagtanong pa at nag paalam ng aalis.

Mag iisang taon na itong restaurant na itinayo ko. Gamit lahat ng naipon ko sa bangko, meron shares din dito si mama na ngayon ay nasa probinsya na namamalagi kasama si lolo, ang kanyang ama.

Itong restaurant na ito ang matagal ko na pina pangarap maitayo. Dito muli nakabuo ako ng masayang pamilya kasama ang mga crew, staff at mga chef's.

Pero syempre hindi ko ito magagawa mag-isa ng wala ang tulong ng isa. Ang nagsilbing inspirasyon ko sa lahat ng aking ginagawa.

My Zehra

Ang babaeng bumihag at umangkin sa aking puso at kaluluwa.

Napangiti ako bigla at sandali itinigil ang ginagawa. Sinulyapan ko ang picture frame sa kanang bahagi ng aking lamesa.

It was a picture of us when we celebrated her 30th birthday in Korea last 2 months ago. We stayed there for 7 days para talaga masulit ang pamamasyal sa mga sikat na tourist destinations at makapag shopping na din.

Maigi ko pinakatitigan ang picture namin dalawa kung saan naka pulupot ang kanyang dalawang braso sa aking leeg at ako naman ay naka yakap sa kanyang bewang habang nakatitig sa camera. Mismo sa N Seoul Tower kami nagpa picture na sadya nga naman napaka romantic mag pakuha ng litrato dahil sa taas ng lugar nito kung saan tanaw na tanaw mo ang kabuuan ng city mismo ng Seoul.

This is one of my favorite picture of us. It will always bears in my heart how her beautiful smile and kindness heart always mesmerize and entangle me completely.

She's everything to me.

Mula ng magka ayos kami ni Zehra last year we decided to move back here in Manila. Kasama na dindoon ang magkasama na kami dalawa sa iisang bubong.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon