SMUC 51

33.1K 1K 374
                                    

Farrah Cielo Delluci

"Who the hell are they? Bakit nila kayo hinahabol? Tska ano yun may atraso ba kayo.?" sunud-sunod na tanong ni Coy.

Umiling ako dahil wala ako maisagot sa tanong niya.

Mabilis kami nakalayo at naka takas sa paningin nila. Sumakay kami ng bus pa Manila.

Gaya ng instruction ko kay Coy at Abby susunduin nila kami pag dating sa terminal ng bus.

Andito na kami ngayon sa bahay. Hinihintay ko pa dumating sila mama at papa na parating narin anytime.

"Tauhan sila ni... R-Richie." alanganin niyang sagot.

Gulat naman kaming napalingon sa kanya.

Nag salubong bigla ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Tauhan?! Eh bakit ka hinahabol?!" hindi ko napigilan mag taas ng boses.

"Far! Huminahon ka nga!" saway sa akin ni Abby.

Kaya kinalma ko ang aking sarili at umupo sa upuan. Hinintay ko na lang siya ulit mag salita.

Huminga muna siyang ng malalim bago nag salita.

"Richie is evil." pikit matang niyang sabi. Bakas muli ang takot sa mukha niya.

Maikli lang ang sinabi niya pero sapat na yon para maintindihan ko ang nangyayari.

"Pera at kompanya lang ang tunay niyang motibo sa pamilya namin. Hindi totoo ang lahat ng pinakita niya sa amin. Niloko niya ako! Pati narin sila Dad at Mom.!!" pagpapatuloy niya sa kwento.

Bigla ko naiyukom ang aking dalawang kamay sa rebelasyon na sinabi niya. So kaya pala dati pa iba na ang pakiramdam ko sa lalaking yon.

Nag-init bigla ang ulo ko. "Siya ba ang may gawa sayo niyan??!!"

Napa-awang ang kanyang labi marahil ay nagtataka sa tanong ko.

"Diyan sa mga sugat mo at pasa sa braso." turo ko sa katawan niya.

Yumuko lang siya at dahan-dahan tumango. I knew it! Ang gagong pugo na yon!!!!

Parang bigla yata umakyat lahat ng dugo ko at gusto ko siyang sugurin ngayon. Ngayon din mismo!!!

Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad na lumapit si Coy sa akin.

"Teka tol anong gagawin mo?" takang tanong niya ng bigla ako naglakad palabas ng pinto.

"Ano ba dapat ginagawa sa mga ganun klaseng tao??!!!" galit na sagot ko at nangigigil ang mga kamay ko na mahawakan at masuntok si Richie.

"Wag mo sabihin susugod ka sakanya.?" imbis na sumagot hinawi ko siya dahil nakaharang siya sa dadaanan ko.

"Far! Tumigil ka nga!" dinig ko sigaw ni Abby.

Pero buo ang loob ko harapin ang lalaking yon. Nabuksan ko na ang pintuan at palabas na sana ako ng may humablot sa kamay ko.

Si Zehra.

"Please don't go Far! Please stay here." puno ng pag aalala ang maganda niyang mukha. Napa pikit ako saglit para ma relax. Dahil alam ko nadala ako ng galit ko kanina.

"Okay. I'll stay here." mahinahon ko sagot sakanya.

Tumabi ako sa pag upo sakanya at pilit ko din pinapagaan ang loob niya. Kumuha muna ng tubig at makakain si Coy sa kitchen.

"Yasmine." tawag ni Abby sakanya. Kaya pareho kami napa angat ng tingin dito. "Kailangan natin idemanda si Richie para makulong siya sa ginawa niya sainyo."

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon