SMUC 11

21.6K 725 111
                                    

Agad ko tinawagan si Ate Nich pero ang bruha ko na pinsan out of coverage. Ngayon pa talaga!!! Gusto ko muna kasi makisiguro kung kilala niya yung lalaki na kasama ngayon ni Zehra.

Aba mahirap na baka business partner pala niya yun o di kaya client.

Client? Tapos lagi sa bahay, ang hilig pa bumeso., wagas pa magtawanan at sweet din...... aba parang may mali????

Napansin ko na bumaba na sila ng kotse at pinagbuksan pa niya si Zehra. Halos hindi nako mapakali sa kinauupuan ko ngayon habang naka masid dalawa.

Tapos itong si Coy hindi rin nakaka tulong para kasing bakla kung maka react!! Dinaig pa ako ng lalaking to.

"Shit Far! Shit tol! Anong ginagawa nila dyan?? Masama pakiramdam ko tol.. mah something ba sakanila?!! Anong gagawin natin??!!" Potek na Coy to halos yugyugin niya na yung balikat kahahatak at pati yata utak ko naalog na.

Sinundan ko sila ng tingin papasok sa hotel na yun.

"Far!! Your phone is ringing." dinig ko sabi ng makulit na katabi ko at panay yugyog parin sa akin.

Agad ko sinagot yung tawag ng hindi tintignan yung caller dahil busy ang mga mata ko sa dalawang tao na sweet na sweet pumasok sa loob ng hotel. Arghhhhn

"HELLO!!!" Pasigaw na may galit ko sinagot kung sino man istorbo na tumawag ngayon.

"Farrah! Is that how you answer your phone now?" mabilis ako napatingin sa caller id Shit na malagkit na pansit.

Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla!

Stupid me!!!!



"Ah e..i.. P-papa? S-sorry po." hinging paumanhin ko dahil malamang yari ako nito.

"Where are you? I want you to go home.... now." may diin sa huling sabi nito, gusto ko sana makiusap na mamaya na lang ako uuwi pero alam ko seryoso si Papa.

"Y-yes Papa." I sigh. No choice again!

Sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko umuwi. Hindi ugali ni papa tumawag kung walang importanteng dahilan.

Bagsak ang balikat ko na muli sumulyap sa hotel kung saan pumasok si Zehra at yung lalaking kasama niya. I don't want to assume anything right now. Maybe there's a reason kung bakit sila andyan.

I guess so.

"We need to go. Hinihintay ako ni papa sa bahay." alam ko na hindi rin gusto ni Coy umalis kami agad. Gusto ko pa sana pumasok sa hotel at sundan sila doon pero wala eh. Wrong timing.

Kaya agad ko narin pinaandar yung kotse ko at bumalik na sa bahay.

---

"Anak mag ayos ka dahil darating mamayang gabi ang Ninong Robert mo kasama ang buong family niya." masayang balita sa akin ni mama nang salubungin niya ako dito sa living room.

"Really Ma? Wow ang tagal ko narin sila huling nakita." hindi ko napigilan ang ma excite. Siguro 15 years old pa ako noon bago sila nag punta ng states para mag migrate.

"Yes it's true so mag ayos kana dahil mag hahanda pa ako ng foods para mamaya." I smiled and nod before I went upstairs.

Nakalimutan ko pa itanong kay mama kung asan si papa. Bigla tuloy ako kinabahan.

She's My Ultimate Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon